Prologue

1386 Words
"M-max, s-sandali. T-tumatawag a-ang k-kapatid ko, ugh..." nauutal na sabi ko pero patuloy pa rin siyang naglalabas masok sa loob ko. Akala ko ay hindi na niya sasagutin pa ang tawag pero nang naka-ilang ring na iyon ay sinagot din pala niya. Agad kong tinakpan ang bibig ko sa takot na makagawa ng ingay. "Baby," aniya habang nakatitig sa mga mata ko. Agad akong napa-iwas ng tingin at saka mas dumiin pa ang pagkakatakip ko ng bibig gamit ang aking palad. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong binitawan at inilagay niya ang cellphone nito sa papag at saka nagpatuloy sa pag ulos sa loob ko. Pigil na pigil ko ang sarili kahit ang huminga at hindi ko na yata ginawa pa. "Max, nasaan ka. Kanina pa naghihintay ang anak mo," narinig kong sabi ng kapatid ko mula sa kabilang linya. Base sa tinig nito ay alam kong naiinis na siya. "Sabihin mo, uuwi na rin ako mamaya. May tinatapos lang ako," sagot nito habang naliligo na sa sarili niyang pawis. Ang bakante kong kamay ay napahawak sa balikat niya at sinubukan kong itulak siya palayo sa katawan ko pero sadyang malakas siya. Subra ang takot ko na baka makahalata ang kausap nito mula sa kabilang linya dahil sa paghahabol nito ng sarili niyang hininga. "Ano ba 'yang ginagawa mo? Bakit para kang nakikipaghabulan diyan? Mas mahalaga pa ba ang bagay na iyan kesa sa kaarawan ng anak mo? Max, nangako ka sa kanya na darating ka," narinig ko pang sabi ng kapatid ko dahil ang magaling niyang asawa ay ini-loudspeaker ang cellphone nito para walang maka-abala sa kamay niya na ngayon ay nasa ibabaw na ng dibdib ko at naglalaro doon. Naging mailap ang mga mata ko dahil habang patuloy silang nag-uusap ay patuloy rin siya sa paglalabas masok sa loob ko. Kahit na anong pigil ko sa aking sarili ay napapa-sulyap pa rin ako sa kanya. And I saw how he closed his eyes whenever he did it. Halos hindi na niya magawang tumugon ng maayos sa kanyang kausap. Ako man ay alam kong ano mang segundo ay makakagawa na ako ng ingay. Hindi ko na kaya pang pigilan ang mga ungol na gusto nang makawala sa bibig ko. Gustong-gusto ko nang kunin ang cellphone niya at itapon iyon kung saan para malaya na akong makagawa ng ingay pero hindi ko magawa. Sarili niyang asawa ang kausap nito sa kabilang linya at sa ayaw at sa gusto ko ay kailangan kong tiisin iyon. At habang nag-uusap sila ay mas pinili kong mag bingi-bingian. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga salitang pinagpalitan nila habang pinag-uusapan ang unang kaarawan ng anak nila at pakiramdam ko ay dinudurog niyon ang puso ko. Sa puntong iyon ay awang-awa ako sa aking kalagayahan. Nasasaktan ako pero alam ko na wala akong karapatan para mag reklamo. Itinuring kong isang pagkakamali lang ang ano mang namagitan sa amin noon. Pagkakamali na sinundan pa ng isa pang pagkakamali hanggang sa hindi na iyon natigil pa at nagkaroon na ng bunga. Ang bunga ng kamalian namin na hanggang ngayon ay lihim pa rin sa pamilya ko. At hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob para ipakilala sa kanila ang anak ko. Isinumpa na ako ni Nanay at alam kong mas isusumpa pa niya ako kapag nalaman nila ang tungkol sa anak ko at kung sino ang Tatay nito. Minahal ko ang Tatay ng anak ko pero gusto ko na lang isipin na pagkakamali lang ang naging relasyon namin dahil ginawa niya lamang akong tanga, pinaasa sa matatamis niyang salita pero sa huli ay lulukuhin din pala. Alam kong hindi ko kailanman matatakasan ang katotohanan pero araw at gabi kong hinihiling na sana ay mananatiling lihim na lang ang anak ko. Malungkot dahil pakiramdam ko ay wala akong kakampi sa mundong ito pero mas pipiliin kong manatili sa simple naming pamumuhay dahil alam kong mas malayo sa gulo ang buhay ng anak ko. Isa pa ay may asawa at anak na rin ang Tatay ng anak ko kaya wala na akong nakikita pang dahilan para bumalik kami sa buhay nila. "Yes, baby. I understand. Okay. I love you too," malambing na tugon nito na gumising sa diwa ko. Hindi ko alam kung gaano katagal silang nag-usap pero nang patayin niya ang tawag ay naramdaman ko rin ang butil ng luha na dumaloy sa pisngi ko. Hindi ko na rin namalayan pa kung kailan namin narating ang rurok ng sarap dahil nawalan na ako ng gana. Pakiramdam ko ay nagmukha akong robot na tinatanggap lang ang lahat ng ginagawa niya habang wala man lang reaksyon. "Rina---" "Paki-usap, huwag ka nang magsalita. Magbihis ka na at umalis. Naghihintay na ang anak at asawa mo," walang buhay na sansala ko sa iba pa niyang sasabihin. Naramdaman ko ang pagtuyo nito sa luhang nasa pisngi ko kaya agad kong inilayo ang mukha ko. Sanay naman akong punasan ang sarili kong mga luha kaya walang-wala iyon sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay. Hindi ito ang magpapaguho ng mundo ko. Nandiyan pa ang anak ko na naging dahilan upang lumaban ako sa lahat ng hamon ng buhay. "Rina---" "Max, tama na. Sana heto na ang huling beses na pumunta ka dito. Gusto ko na ng tahimik na buhay. At kung ang anak ko lang ang iniisip mo,huwag kang mag-aalala dahil hindi ko siya pababayaan. Handa akong mamatay para sa kanya, maibigay lang ang lahat ng pangangailangan niya. Kung iniisip mo ang tungkol sa sustento , huwag ka na rin mag- abala pa. Alam ko naman na nahihirapan kang magpalusot sa pamilya mo. Ako na ang nakiki-usap sa'yo, Max. Please, tama na. Hindi na tama ang ginagawa natin," seryoso kong sabi. Puno ng emosyon ang tinig ko habang lalo pang nagtutubig ang mga mata. Masakit man tanggapin ang katotohanan ay kailangan kong harapin iyon. Heto na ang mapait na kapalaran ko. Kailanman ay hindi ko na mabibigyan pa ng kumpletong pamilya ang anak ko dahil may iba nang pamilya ang Tatay niya. Kasal na sa kapatid ko ang lalaking mahal ko na akala ko ay kakampi ko sa lahat ng pagkakataon. Pero dahil sadyang malupit sa akin ang tadhana ay patuloy pa rin niyang pinaglalaruan ang buhay ko. "Sorry," pabulong na sabi ni Max habang nakatalikod sa akin at nagbibihis. Muli kong pinunasan ang basa kong pisngi habang mapait na nakangiti. Iyon lang naman kasi ang lagi niyang sinasabi sa akin. Walang katapusang sorry na masakit nang pakinggan. "Don't be. Kasalanan ko rin naman dahil bumibigay ako at nagpapadala sa init ng katawan," pabulong din na sagot ko. Pagkatapos niyang magbihis ay lumingon siya sa akin. Bumakas ang bibig nito na para bang may gusto pa siyang sabihin pero sa huli ay mas pinili na lamang nito na huwag nang ituloy kung ano man iyon. Kapagkuwan ay dumapo ang paningin niya sa isang taon na anak namin na payapang natutulog sa duyan. Ilang segundo niyang pinakatitigan ang bata bago bumalik ang mga mata nito sa akin. Malungkot akong ngumiti at saka nag-iwas ng tingin. Sa katunayan ay kahapon pa ang unang kaarawan ng anak ko pero tulad nang palaging nangyayari ay hindi rin siya nakapunta. Maliban sa aming dalawa ng anak ko ay tanging mga kapitbahay lang namin ang mga dumalo. Wala ni isa sa kanila ang miyembro ng pamilya ko. At kung pumupunta at bumibisita naman sa amin si Max na madalang lang din mangyari ay oras iyon ng gabi kung saan hindi siya makikita ng mga marites kong kapitbahay. Walang nakaka-alam ng tungkol sa Ama ng anak ko. At gusto kong manatiling lihim iyon hanggang kamatayan. Hindi ko inaasahan ang paglapit ni Max sa akin lalo na ang pag gawad nito ng munting halik sa noo ko. Pagkatapos ay walang salita na lumabas sa bibig niya nang talikuran ako at lumabas ng pinto. Walang saplot at nanghihina ang katawan ko na bumangon at ini-lock ang pintuan ng maliit naming tahanan. Nang marinig ang ingay ng motor nito ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili na silipin siya mula sa bintana. Mas lalo pa akong napa-luha nang mabilis na umalis ang sinasakyan nitong motor hanggang sa hindi ko na natanaw pa ang likuran niya. Sa muli ay naiwan na naman ako habang luhaan, hinang-hina at awang-awa sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeAdd