Pagkatapos ng gabing iyon kung saan muntik nang may mangyari sa kanila ay napansin ni Dorren na para bang iniiwasan siya ni Rem. Rem keeps his distance away from her. Kahit na nagkakalapit sila sa tuwing nasa loob sila ng bahay ay bigla na lang itong lumalayo. At sa tuwing 'di sinasadyang magdidikit ang kanilang mga balat ay para itong napapaso na umiiwas sa kanya. Hindi maintindihan ni Dorren kung ano ang mayroon sa binata at umaakto ito ng gano'n. Marahil ay pabor naman sa kanya ang ginagawa ni Rem kasi iyon naman talaga ang gusto niya, pero ngayon ay umiiwas na ang binata ay tila ba nababaliw ang kanyang puso kapag kapag hindi niya ito nakikita o naririnig man lang ang boses ni Rem. Paminsan-minsan na lang kasi sila magkita at tuwing umaga lang iyon nangyayari kapag hinahatid siya