Nang magising kinabukasan si Dorren ay agad niyang naramdaman ang sakit sa kanyang ulo. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nagtaka pa siya dahil sumalubong sa kanya ang hindi pamilyar na silid. Bumangon siya at naupo. Nakita niya mula sa sulok ng kanyang mga mata ang pagpasok ni Lance. "Mabuti naman at gising ka na." wika ni Lance. "Lance." tanging saad na lamang niya. "Ang mabuti pa ay magbihis ka muna bago ka kumain ng agahan."sabi ni Lance sa kanya habang naghahalungkat ng damit sa closet nito. Sa sinabi ng binata ay napatingin si Dorren sa kanyang sarili at gano'n na lang ang kanyang pagkagimbal nang maalala ang nangyari kagabi. Dali-dali siyang napatayo. "Bakit, Dorren? Saan ka pupunta?" nagulat rin si Lance sa ikinilos nito. "A-anong oras na ba?" sa halip ay tanong