Rusa Dynasty (Former Edessa) "Mga inutil! SA dinami-dami ng mga kawal ay nagawa pa kayong tinalo ng General Lucio na iyon?! Ano'ng klaseng mandirigma kayo?!" "Surprised and full force attacked, mahal na Hari." "At ikaw, Commander Rao, may gana ka pa na sumagot-sagot! Akala ko ba ay may mga espiya kang itinalaga sa bawat karatig bansa? Ano ngayon ang napala ninyo? Hindi lang kayo natalo ngunit nawala at nasakripisyo pa ang mga kawal! Siguradong laughing stock ang Rusa ngayon!" Ngunit dahil alam nilang walang saysay ang anumang paliwanag nila sa kasalukuyan ay wala nang umimik sa kanila. Ilan lamang silang nakatakas mula sa mga kawal ng Kingdom Of The North. Kaya't maaring hindi mahintay ng mahal na hari na may sasagot ay muli itong nagsalita. Malakas pa rin ang boses nito. Nagsilabasan