Secretly and swiftly, Khim Soong and Churai Dara together with General Lucio's trusted men, they headed back to Aevum but not in the way they took when they left the capital. Sa Cait sila dumaan, dahil sigurado silang iyon ang gagamitin ng main army ng Rusa upang umatake sa Kingdom Of The North. "Ah, ipagpaumanhin mo na, Ginoong Khim, pero maari ba akong magtanong?" pukaw ng isang sundalo habang sila ay nagmamasid sa paligid. Nakapuwesto na nga sila sa pagdaan ng mga Rusa kaya't nagkaroon ng pagkakataong magtanong ang mga kawal. "Oo naman, Sir. Ano ba ang nais mong itanong?" "Hindi kasi namin alam kung ano ang dapat naming itawag sa inyoe ng asawa mo, Ginoong Khim. Ayon kay General Lucio, sa lakad nating ito ay kayong mag-asawa ang leader. Ano ang nararapat naming itawag sa inyong mag