"Saan ka galing, Kuya? Diba't sabi mo ay saglit ka lang?" Nakasimangot na salubong ni Princess sa Kuya niya. "Aba'y saglit lang naman talaga ah. Ayaw mo ba iyon? Atleast nakita mo si crush---" "Tahimik! Manahimik ka, Kuya Ghoshmiho! Mas mabuting hindi ka na lang nagpakita sa akin kung manunukso ka rin lang!" Inaasar lang naman niya ang bunso nilang kapatid. Ito ang nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid. Ilang taon din ang pagitan nila kaya't hindi na nakapagtataka kung may pagkataklesa at maldita ito. "Joke lang iyon, bunso. Huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa training mo ngayon. Dahil si Kuya Rosas ay abala sa pag-exam. Halika na sa loob. Aba'y, ikaw dine bakae mapadaan si---" "Ayaw ko sa babaeng iyon, Kuya Ghoshmiho. Hindi kayo bagay. Hmmm, magtanong tayo kay Tita Janin