"Ano ang nangyayari, my dearest wife?" "Dalawa lang ang ibig sabihin nito, asawa ko. Maaring may panganib na nakamba sa atin o 'di naman kaya ay lumalakas ang powers niya." "Pero napakabata pa niya, my princess. Hindi pa niya kayang pangalagaan ang kaniyang sarili." "Kagaya nang nasabi mo noong bagong silang siya ay nandito tayo upang alagaan siya habang hindi pa niya kayang alagaan ang sarili. Ngunit upang magawa natin iyan ay kailangan kong magpalakas. Dahil kagaya nitong plano mo ay wala akong nagawa para sa inyo ni baby Sakda Phassakorn." "Huwag mong sabihin iyan, asawa ko. Dahil kung hindi sa tulong mo ay hindi ko mapabagsak ang dalawang prinsesa." Ngunit ang pag-uusap ng mag-asawang Khim Soong at Churai Dara ay pinutol ng dragon soul ng una. "Dragon Heir, may mga kalaban na pap