CEO 1 BAGYONG KRISTINE

1762 Words
Third POV "Mr. Arcanghel, nakita ko po ang asawa niyo pumasok sa hotel." Damon clenched his fist when he heard this from his bodyguard. "Who's with her?" his voice was filled with anger. "Hindi ko nakilala ngunit nakita ko ang kaniyang mukha. Matangkad at gwapong lalaki." He rubbed his forehead when he heard this again from his bodyguard. "Godammit, Star!" he cursed. Ilang araw niya ng inutusan ang kaniyang bodyguard na sundan ang asawa at ngayon alam niya na ang totoong tinatago nito. May iba itong lalaki. ---------- Star's POV Year 2024, ginambala ang lugar namin ng bagyong Kristine. Marami ang namatay at marami ang naghirap. Isa na kami sa pamilya na naghirap. Isa ako sa nawalan ng magulang. Naiwan lang sa akin ay ang aking lola na ngayon din ay nasa hospital. Ngunit hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para mapanatili si lola sa hospital. Walang-wala kami ngayon. Naubos ang lahat ng gamit namin sa bahay at ang mga natira naming pagkain ay ubos din. Walang pinatawad ang baha sa lugar namin sa Bicol. Mayaman man o mahirap walang pinaligtas ang malaking baha. Umabot hanggang third floor ang tubig at ang pinakaayaw kong maalala sa lahat ay ang gabing masayang-masaya pa kaming kumakain sa hapag kainan. "Anak, huwag ka na muna mag-asawa ah. Bata ka pa at gusto sana namin ng tatay mo makasama ka pa namin ng matagal dito sa bahay." sabi ni nanay habang nakangiti sa akin. "Hindi pa naman po ako mag-aasawa, Nay. Gusto ko kasi kapag nag-asawa ako may sarili na akong trabaho. Yung permanent na trabaho." Part timer lang kasi ako sa isang groceries store sa bayan. "Isa pa, gusto ko pa kayong tulungan. Baka kapag nag-asawa ako ay hindi ko na kayo maiahon sa kahirapan." biro ko sa kanila. Simple lang naman ang buhay namin. Masaya na kaming nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Basta't masaya kaming magkasama. Wala na akong hinahangad pa kundi ang makasama sila. Magsasaka ang tatay ko at ang nanay ko naman ay labandera. "Anak, ayos lang naman mag-asawa ka pero siguraduhin mo yung lalaking katulad ng tatay mo." nakangiti ulit na sabi ni Nanay sakin. "Inlove na inlove 'yang Nanay mo noon sa akin anak." biro pa ni Tatay. "Bakit ngayon po ba, Itay hindi na?" biro ko naman. "Sigurado akong inlove pa din hanggang ngayon 'yang Inay mo sakin anak. Hindi pa din naman kumukupas ang kaguwapuhan ko. Kulang lamang ito ng isang paligo magiging kamukha ko na ulit si Eddie Guttierez." muli ay biro ni Itay. "Si tatay talaga." Nagtatawanan pa kami sa hapag kainan habang hindi naman namin napapansin na ang lakas na pala ng ulan sa labas at dahil sa lakas ng ulan ay mabilis na lumaki ang tubig. Mabilis nasakop ng baha ang lugar namin. Kahit na kahoy lamang ang bahay namin ay meron pa rin naman itong itaas kaya umakyat na lamang kami sa itaas ng lumaki na ang tubig. Hindi naman kaagad kami makaalis dahil malaki na ang tubig sa kalsada. Umabot na ito hanggang sa balikat ng tao. Mula sa bahay ay naririnig namin ang sigaw ng mga tao. Madilim ang paligid kaya dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa amin. Hanggang sa naisipan na namin umakyat sa bubong. Si lola ang kinaaawaan ko dahil hirap na itong maglakad. Ngunit dahil walang choice ay nagawa pa rin ni lola makaakyat sa bubong. "Lola! Ayos lang po ba kayo diyan?" sigaw ko ng tuluyang makaakyat si lola. "Ayos lang ako apo." sagot naman nito. Nakahinga ako ng maluwag. Awang-awa ako sa lola ko dahil nababasa na ito ng ulan. Maging sila Inay at Itay ay ganoon din. Di bale na lang sana kung ako na lang ang mababasa ng ulan. Nakakasakit ng damdamin makita ang magulang at lola mo na nahihirapan. Kapwa kaming nanginig sa lamig. Si Itay naman ay gumagawa ng paraan para kami ay makaalis. Malapit lamang kami sa puno ng saging kaya naman tinawid ni Itay ang pagitan ng bubong at ang puno ng saging na palutang-lutang na din. Malaki ang tubig ngunit hindi ito hadlang para hindi ito makuha ni Itay. Gagawin raw niya itong tila ba bangka. Para maisakay kami doon. Awang-awa ako sa Itay ko ngayong ilang beses siyang lumangoy para lang kumuha ng puno ng saging. "Itay, mag-iingat po kayo!" sigaw ko. Itinaas niya ang kaniyang kamay at iwinagayway ito sa ere. Mapait akong napangiti. Halatang pagod na ito pero pinipilit pa rin nitong gumawa ng balsa para lang maligtas kami. Basang-basa na ito ngunit hindi alintana ang lamig. Halata rin ang panginginig ng kaniyang katawan. Ngunit hindi ko alam na iyon na pala ang huling ngiti ni Itay sa akin. "Tay!" nanginig ang boses ko nang makita itong unti-unting lumulubog sa tubig. Kamay na lamang niya ang nasisilayan ko. Alam kong may nangyayaring masama sa kaniya. Sunod-sunod na lamang pumatak ang aking mga luha dahil wala akong magawa. "Tay!" buong lakas na sigaw ko. Maging si Inay ay napatingin sa kinaroroonan ni Itay. Hindi ko akalaing sa kabila ng pagsigaw ko ay may isa pa palang buhay na mawawala. Walang iba kundi ang Inay ko. Sa kagustuhan niyang sagipin si Itay, nalunod rin ito kasunod ni Itay. Sa kagustuhan nitong sagipin si Itay pareho silang nawala sa akin. Iyon na siguro ang pinakamasakit na alaalang naiwan sa akin ng bagyong Kristine. "Nay....Tay..." tumulo na lamang ang aking mga luha nang maalala ko sila. Habang pinagmamasdan ko si lola nakahiga sa patient bed. Sariwa pa sa alaala ko ang lahat. Pagkatapos ng malagim na trahedya sa buhay ko ito ako ulit nagpapakatatag para sa lola kong nakaratay dito sa hospital. Pakiramdam ko, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Sa edad kong dese-otso ay napakarami ko ng naranasan sa buhay. "Apo, ayos ka lang ba?" mahinang boses ni Lola. Pinunasan ko kaagad ang luha ko nang marinig ang boses ng lola ko bago ko ibinaling sa kaniya ang aking paningin. Hinawakan ko kaagad ang kamay nito. Gising na pala siya. Mabuti naman at nagising na siya. Natatakot ako na maging si Lola na nag-iisang natitira sa akin ay mawala din. "Lola..." nanginig ang boses ko. "Umiiyak ka." hinaplos nito ang aking pisngi. "Huwag niyo po akong alalahanin, Lola. Iiyak lang ako pero lalaban pa rin." hilaw akong napangiti. Hindi mapigil ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Narinig ko ang pagbitaw niya ng malalim na pagbuntong hininga. "Apo...saan ka kukuha nitong pambayad sa hospital? Wala na tayong pera. Maayos naman na ako. Puwede na akong lumabas rito. Sa bahay na lamang ako magpapagaling." Tumulo na naman ang aking mga luha. Sunod-sunod ito na pumatak sa aking mga pisngi. Pinunasan ko ulit ang aking mga pisngi gamit ang aking mga palad. Hindi pa maayos ang bahay namin. Tumutulo pa nga doon kapag umuulan. Baka kapag inuwi ko doon si Lola baka mas lumala lang ang sakit niya. "Hindi puwede, Lola. Ang sabi ng doctor dito po kayo magpagaling." patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. "Pero wala tayong pera. Sagabal lamang ako sa iyo, apo." "Huwag mo sabihin 'yan, Lola. Kayo na lang ho ang natitira kong pamilya. Hindi ko ho hahayaan na mawala rin kayo sakin. Hahanap po ako ng paraan. Makakahanap din ako ng pera para pambayad sa araw-araw mo dito sa hospital." hinaplos ko ang kamay nito at marahang pinisil. Sa totoo lang, nakakaawa na ang aming sitwasyon. Sariwa pa nga ang sugat na iniwan ng mga magulang ko tapos ito naman ako sumusulong ulit sa pagsubok. "Apo, sabihin mo kung nahihirapan ka na." "Ayos lang ho ako, Lola. Ang mahalaga ho ay gumaling kayo. Huwag na ho muna natin isipin ang babayaran natin dito." "Napakabuti mo na bata. Kung buhay pa ang Inay at Itay mo sigurado akong nakangiti sila ngayon habang nakatingin sa iyo. Maging sa kinaroroonan nila ngayon alam kong nakangiti sila dahil nakikita nilang napakabuti mong anak." -------- Umalis na muna ako sa room ni Lola para maglakad-lakad. Mag-iisip ako ng paraan kung saan makakakuha ng pera. Kung saan puwedeng magtrabaho para meron akong pang-araw-araw na pambayad sa araw-araw ni Lola sa hospital. Ilang araw na rin kasi kami dito kaya sigurado akong malaki-laki na ang babayaran namin. Ang sabi pa naman ng doctor, pauuwiin daw nila si Lola kapag umabot ang isang buwan na hindi pa rin kami nakakapag-una ng bayad. Habang naglalakad ako palabas ng hospital ay naagaw kaagad ng pansin ko ang isang babaeng naka-side view mula sa kinaroroonan ko. Ang tangos ng kaniyang ilong at blonde ang kaniyang buhok. Maiksi ang suot nitong palda at white sleeveless crop top naman sa pang-itaas. Hindi ko alam kung bakit napatitig ako roon ng matagal. Hindi rin nagtagal ay ibinaling ko na rin sa ibang direksyon ang aking paningin. Naglakad na lamang ako hanggang sa makarating ako ng bahay. Pawis na pawis ako ng makarating sa sira-sira na naming bahay. Ilang minuto rin bago ako nakarating. Mabuti na lang at malapit lang ang hospital dito sa bahay namin. "Star! Magaling na ba ang Lola mo?" sigaw ng kapitbahay namin ng matapat na ako sa pinto. "Hindi pa ho, Aling Nita!" pabalik ko rin na sigaw sa kaniya. "Naku! Kawawa naman si Lola Stella." sabi naman nito. "Hintayin mo ako riyan Star at mayroon akong ibibigay sa iyo." Natigilan na lamang ako at hindi na muna pumasok sa loob ng bahay. Naglakad ito palabas sa kanilang bakuran. Hinintay ko naman ito na makalapit sa akin. Ano kaya ang ibibigay niya? "Ito oh tanggapin mo na itong two hundred pesos. Pasensyahan mo na wala din kasi ako ngayon. Alam mo naman pare-pareho tayong hinampas ng bagyo." "Naku! Aling Nita maraming salamat ho. Malaking tulong na ho ito sa amin. Lalo pa ngayon at hindi ko alam kung may bigas pa ba kami ngayon na maisasaing." "Sige, pagtiyagaan mo na muna iyan. Gagaling rin ang Lola mo ipanalangin natin." "Salamat ho, Aling Nita." "Walang ano man." Nang makaalis si Aling Nita ay tuluyan na akong pumasok sa loob. Pagpasok ko pa lang ay nakikita ko na kaagad ang alaala nila Inay at Itay. Ang mga alaala nilang sariwa pa sa isip ko. Napahinto ako ng mapako ang aking paningin sa sofa namin. Kung saan paborito umupo ni Inay habang nanunuod ng TV. MULING pumatak ang aking mga luha. Hanggang alaala na lang ang mga 'yon. "Inay, Itay, bigyan niyo pa po ako ng lakas para malagpasan ko ang lahat ng ito." napasandal na lamang ako sa pader. Ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko pasan ko ang mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD