CEO 4 MR. ARCANGHEL

2220 Words
Star's POV "Tandaan mo, huwag na huwag kang makipag-usap sa guard." nag-sink in naman sa isip ko ang pinaalala ni Starlet sakin. Ano ba dapat kong gawin? Itikom na lang itong bibig ko? Hindi ako magsasalita? Hindi naman ako pipi para hindi sila kausapin. Ang hirap ng pinapagawa nila sakin. Saan na nga ba ako pagkatapos nito? Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng front yard. Napakalawak at mula sa kinaroroonan ko ay natanaw ko ang pool. Napakalaki talaga nito. Mukhang hindi ko kayang libutin ito sa isang araw. Siguro dahil sa laki nito hindi na kami magkikita ng asawa ni Starlet. Ano nga kaya ang hitsura ng asawa niya? Minsan lang daw ito umuuwi kaya baka hindi na ito makalakad. Inutil na yata kaya ganoon na lang ka-sigurado si Starlet na iwan ito. Pero teka, paano nga ba ako papasok sa loob? Binalingan ko ang guard na sumalubong sa akin. Itatanong ko kaya sa kaniya kung saan ako dadaan para makapasok sa loob. Ano nga ba yung sinabi ni Grey sakin? Nakalimutan ko na yata ang sinabi niya. Ilang beses kong inisip ito hanggang sa maalala ko. "Huwag na huwag kang magtatanong sa mga tao sa loob ng bahay. Kung meron ka man hindi alam tumawag ka lang kay Starlet." naalala ko pang bulong ni Grey sa akin pagkatapos kong magbihis ng maiksing palda. Panay naman ang hila ko nito para lang hindi gaanong ma-expose ang aking mga hita. Paano nga ba ako tatawag kay Starlet kung wala naman silang ibinigay sakin na number. Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Paano na 'to? Ang dami kong nakalimutan. Sumulong lamang ako dito na walang dalang bala. Sa wakas! Nakita ko na rin ang napakalaking pintuan. Huminga akong malalim bago muling naglakad palapit dito. Anong gagawin ko para mag-open ito? Tatayo na lang siguro ulit ako sa tapat nito. Ngunit ilang minuto na hindi ito bumukas. Paano ba 'to? "Paano ba?" na-e-stress ako. Ilang beses na akong napakamot sa ulo. Kung may makakita lang sakin dito iisipin nilang nababaliw na ako. "Ahm! Open!" pasimpleng sigaw ko. Nakikita ko lang naman ito sa mga movies. Mga mayayamang tao kinakausap lang nila ang kanilang pintuan bumubukas na ito ng kusa. Napakamot naman ako ngayon sa aking batok. Ayaw niyang mag-open. Paano ba 'to? Jusko! Bakit napakahirap naman ng trabahong ito? Bakit ko nga ba tinanggap 'to? Ang hirap maging ikaw, Starlet. Pagbukas na nga lang ng pintuan hirap na hirap na ako. Paano pa kaya sa ibang bagay pa? "Code 5949. Pindutin mo lang 'yon magbubukas na yung main door." bigla naman nag-sink in sa isip ko ang sinabi ni Grey. Napasuntok ako sa kawalan. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Nasabi nga pala ni Grey sakin 'to. Ito yata ang ibig niyang sabihin. Napansin kong may mga numero doon. Pipindutin ko na sana ito ngunit napansin kong unti-unti itong bumukas. Nagkasalubong ang mga tingin namin ng isang babaeng nakasalamin. "Senyorita, kayo ho pala." tila ba gulat na gulat siya ng makita ako. Yumuko kaagad ito pagkatapos niya akong batiin. "Magandang araw ho." bati ko sa kaniya. Napatingala ito at tila ba hindi makapaniwala ang mukha nito. "S-senyorita, n-ngayon ko lamang ho narinig na binati niyo ako." nakangiting sabi nito habang nauutal pa. Hindi ba ginagawa ni Starlet 'yon? Natigilan ako ng maalala ang sinabi ni Grey sakin. "Pangalawang dapat mong tandaan, huwag na huwag kang makipag-usap sa mga maids. Hindi 'yon ginagawa ni Starlet." "Naku! Patay!" napangiwi na lamang ako habang nakakamot sa aking batok. "Senyorita, tama ho ba ang narinig ko? Nasambit niyo ang ganoong salita?" tanong nito habang nakatingin sa aking mukha. "Ahm! Huwag niyo na lang intindihin ang sinabi ko. Nasaan ang banyo?" pinilit kong sungitan ito para kahit papaano ay hindi siya maghihinala sakin. "B-banyo, senyorita? H-hindi niyo na alam ang banyo?" litong-lito na tanong nito sa akin. Maging ako ay litong-lito na din sa sarili ko. Nakakalimutan kong nagpapanggap lang ako. Isipin mong maldita yung ginagaya mo, Star. "Ahm! I mean... I need to go to the bathroom." mas lalo ko pang pinasungit ang boses ko. Mapapasabak pa yata ako sa english nito. "Ah." napatango na lamang ang Ginang. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam ang banyo kaya pumasok na lamang ako ng tuluyan sa loob. Pagkapasok ko ay tumambad naman sa akin ang tatlong babae na nakasuot ng maid's uniform. Natigilan ako at napatingin sa kanila. "Si senyorita." narinig ko pa na sabi ng isang babae pagkatapos nitong sikuhin ang kasama niya. Napatingin silang tatlo sa akin. Katulad ng ginawa ng Ginang kanina. Binati rin nila ako pagkatapos ay yumuko. Nagbigay galang sila sa akin. Gaano ba kamaldita ang Starlet na 'yon at ganito na lang ang kanilang reaction ng makita ako. Para bang takot na takot sila. Inalis ko ang aking paningin sa tatlong babae na nasa aking harapan. Nakuha ang atensyon ko ng napakalawak na sala na kinaroroonan ko ngayon. Namangha na lamang ako. Ngunit palihim lamang iyon dahil baka mahalata nilang ito ang first time kong makapasok dito. Napakayaman talaga ng asawa ni Starlet. Siguro nga matanda na ito at hinihintay na lamang niyang mamatay para makuha niya ng tuluyan ang kayamanan nito. Napakasama naman niya kung ganoon. Sana pala hindi ko na lang siya tinulungan sa masamang balak niya. Kung tama man ang hinala ko, para ko na rin siyang tinulungan sa mga balak niya sa kaniyang matandang asawa. "Senyorita, maraming salamat po at umuwi kayo. Akala ho namin ay mawawalan na kami ng trabaho bukas." sambit ng isang babae. Kung ganoon, tumakas lang si Starlet? Hindi ko sila kilala. Dapat ko bang tanungin ang kanilang mga pangalan? Nababaliw ka na ba, Star? Siguradong paghihinalaan ka nila kapag ginawa mo 'yon. Siguro naman kilala ni Starlet ang mga kasambahay nila. Kaya kapag tinanong ko kung ano ang kanilang mga pangalan baka mag-isip ang mga ito. "P-pasensya na, magbabanyo lang ako. Excuse me." iyon na lamang ang sinabi ko at tinalikuran ang mga ito. Narinig ko pa ang bulung-bulungan nila pagkatapos ko silang talikuran. "Totoo ba yung narinig natin? Humingi ng pasensya sa atin si senyorita?" rinig na rinig kong sabi ng babae. "Mukhang sinapian yata ng mabait na kaluluwa si senyorita." sagot naman ng isang babae. Napatakip na lamang ako sa aking bibig ng ma-realized ko ang ginawa ko. Nakalimutan ko na naman na ako nga pala si Starlet. Hindi man lang ba nagagawa ni Starlet humingi ng pasensya sa mga taong nakakasama niya rito? Kung ganoon, napakasama pala ng ugali niya. Ano na ngayon, Star? Saan ka ngayon pupunta? Diretso na lang siguro "Senyorita!" natigilan ako. Alam kong ako yung tinatawag. Napalingon ako. "Kusina po 'yan!" sabi ng isang babae. Hindi pa nga makatingin sa akin. "Sabi ko nga kusina 'to." pilit akong napangiti. Ano ba, Star umayos ka. Hindi ka pa nga nagtatagal mukhang mabubuko ka na. Saway ko na lamang sa aking sarili. "Akala ko ho kasi magbabanyo po kayo." pilit din ang ngiti nito. "S-saan nga pala ang banyo?" hindi ko na napigilan at naitanong ko na ito. "Pasensya na, ilang araw din kasi akong nawala tsaka medyo..." nagawa ko pa ngang magpaliwanag ngunit hindi ko itinuloy. Hindi na rin naman mapinta ang mukha ng babae. Habang ang kasamahan din nito ay tila ba naguguluhan din sa kinikilos ko. "Doon po, senyorita." sa wakas! Itinuro din naman nito. Puputok na talaga ang pantog ko. Hindi ko na nagawa pang magpasalamat dahil tumakbo na kaagad ako. Hindi ko na kaya sasabog na talaga. Pagpasok ko sa loob ay dumiretso kaagad ako. Ang sarap sa pakiramdam. Naagaw naman ang pansin ko ng puting tila na swimming pool dito sa loob ng banyo. "Wow!" napaawang ang labi ko. Kahit pala dito sa loob ng banyo may swimming pool. Nabighani ako kaya naman nagawa kong pumatong dito. Ang sarap sa pakiramdam ng mabasa ako ng tubig. Maligamgam kasi ito. Hindi ako lalamigin. Dapat ko sigurong hubarin ang damit ko. Naalala ko tuloy wala pala akong dalang mga damit. Hindi ko rin alam kung saan ang kwarto ni Starlet. Naku! Patay! Basa na yung suot ko. Paano 'to? Paano ako lalabas ng banyo na basa ang suot ko? Hindi na rin ako nagtagal sa maliit na swimming pool dito sa banyo. Umahon na rin ako ngunit sa paghakbang ko ay nadulas naman ang paa ko. "Aray!" halos mamudmod ang mukha ko sa tiles na sahig. "Senyorita! Ayos lang ho ba kayo? Narinig ko ho kasi kayo sumigaw." narinig kong tanong sa labas ng isa na naman siguro sa mga maids dito "Aray ko." Hindi pa rin ako makatayo. Ang sakit ng paa ko "Senyorita!" "Ang sakit ng paa ko." "Naku! Senyorita, papasok na ho ako." unti-unting umawang ang pinto. Iniluwa mula dito ang babaeng kausap ko rin kanina. Yung matandang may salamin pagbungad ko sa pinto kanina. "Naku po! Anong nangyari sa inyo?" inalalayan niya ako. "Basang-basa pa kayo." dagdag pa niya. "Hindi ko kayang akayin ka papunta sa kwarto mo. Teka lang ho, senyorita tatawag lang ako ng puwedeng aalalay sa 'yo." umalis ang babae at lumabas ng banyo. Habang ako nakangiwi pa rin sa sakit ng paa ko. Napilayan yata ako. "Mr. Butler!" narinig kong sigaw nito sa labas ng banyo. Sinong tinatawag niya. Ang asawa kaya ni Starlet 'yon? Naririnig ko ang pag-uusap nila. Inihanda ko na ang sarili ko. Asawa na yata ni Starlet ang kausap ng babae. Naku! Ang laki ng boses niya. Parang nakakatakot. Umawang ang pintuan ng banyo. Nanlaki ang mga mata ko ng masilayan ang medyo may edad na lalaki. Malaki ang pangangatawan nito na para bang batak na batak. "Naku! Siya na nga siguro ang asawa ko." sa isip -isip ko. "Hindi na nakakapagtaka kung bakit nilayasan siya ni Starlet. Mukhang manununtok." nakangiwing sabi ko at ibinaling sa ibang direksyon ang paningin ko. "Senyorita." sambit nito. Tinawag niya rin akong senyorita. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking mga braso. "Aalalayan ko ho kayo, senyorita." sabi nito. Bakit niya ba ako tinatawag na senyorita? Akala ko ba siya ang asawa ko? Tuluyan na nga akong nakatayo. Inalalayan niya ako palabas ng banyo. Nakasunod naman sa amin ang babaeng may salamin. Dadalhin yata nila ako sa kwarto. Nang matapat kami sa may hagdanan ay binuhat niya na ako. Ang lakas niya, hindi man lang nga ito nahirapan na buhatin ako. Habang buhat niya ako ay hindi ko mapigilan na tingnan ito. Jusko! Kung siya ang asawa ni Starlet. Paano na? Hindi ko man lang naisip ang gabing magkatabi sila? Bakit hindi ko naisip na magtatabi kami? Puwede bang maglaho na lang ako? Puwede bang bumalik na lamang ako sa probinsya kung saan ako nanggaling? Pumasok kami sa isang silid. Napakaganda ng silid. Kulay violet ang lahat ng mga gamit at maging ang kurtina. Sa dulo naman ng kama ay may painting. Hindi ako puwedeng magkamali, si Starlet 'yon. Inilapag ako ng lalaki sa malambot na kama. "Senyorita, basang-basa ho kayo. Hahanap lang ho ako ng maipapalit niyo." sabi ng babae tsaka ito umalis sa aking harapan. Ang lalaki naman na nagbuhat sa akin ay napansin kong bumaling sa akin. "Senyorita, magpapaalam na ho akong lumabas." magpapaalam lang pala ito. Teka lang? Bakit ba ang pormal niya? Asawa siya ni Starlet pero mukhang wala man lang siyang lambing. Bakit papayag ka bang lambingin ka niya huh, Star? Napaisip tuloy ako. Maya maya din ay bumalik na rin ang babae dala na yata ang pamalit ko. "Ito na ho, senyorita. Magbihis na ho kayo." inilapag niya sa kama ang mga damit ni Starlet. "Lalabas ho muna ako." paalam nito. Naglakad na ito palabas kaya sinubukan kong tumayo. Masakit ang paa ko ngunit nagawa ko rin naman tumayo. "Yon nga lang, hindi ko magawang maglakad ng maayos. Hindi ko na nagawang tanungin ito tungkol sa lalaking nagbuhat sa akin kanina. Baka maghinala na sila kapag ginawa ko pa 'yon. Ngayon ko pa lang nagawang suyurin ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Malawak rin ang kwarto na ito at mas malaki pa yata ito sa bahay namin. Binalingan ko naman ang mga saplot ni Starlet. Itinaas ko ito sa ere. Napangiwi na lamang ako dahil kinulang yata ito sa tela. "Napakaiksi naman nito." sambit ko. "Parang hanggang pusod ko lang yata ito." Isa pa sa nakaagaw ng pansin ko ay ang panty na parang kinulang sa tela. Parang sinulid na nga lang ang nipis nito. Jusko! Matatakpan pa kaya ang kiffy ko dito? "Huwag ka ng mag-inarte, Star. Nilalamig ka na kaya magbihis ka na." saway ko sa sarili ko. Wala na akong choice kundi magbihis na lang. Naghubad ako ng aking mga saplot. Tinitigan ko pa ang panty na hawak-hawak ko. Hindi ko kasi alam kung saan ba ang harapan nito. Paano ba kasi ito isuot? Bahala na. Wala na talaga akong choice kundi isuot ang napakanipis na panty na ito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maisuot ko ito ng tuluyan ngunit panay naman ang hila ko sa manipis nitong tela dahil sumusuot sa kanal ko. "Ano ba kasi na panty 'to?" pakiramdam ko hindi ako komportable. Sinunod ko na lamang isuot ang bra at maong na shorts. Magdadamit na sana ako ng marinig kong nagsalita ang babae sa labas ng silid na ito. Nasa pintuan lang pala ito. "Parating na ho si Mr. Arcanghel!" sigaw ng babae sa labas. Mr. Arcanghel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD