Chapter 10

1529 Words
Ember's POV Lunch break namin at kanina pang alas-diyes ng umaga natapos ang maikling program para kay Dean at sa magulang nito. Hindi din ako nakalampas sa mga tsismisan ng ilang istudyante dahil sa nangyari kanina. Kumakain kami ngayon dito ni Cara sa cafeteria. May ilang napapatingin sa lamesa namin pero hindi ko na sila pinansin. "Ember, ang haba ng hair! Ganda ka te? Ganda ka?" Pang-aasar ni Cara na ikinairap ko. "Tumigil ka nga, Cara. Kaya ako natsi-tsismis, e." Naiinis kong saway sa kanya pero tinawanan lang niya ako. "Hayaan mo 'yang mga tsismosa na 'yan! Wala ka naman ginagawang mali. At isa pa, hindi ikaw ang lumalapit kay Dean, siya! Tingnan mo, susunduin ka raw niya mamayang uwian. Hayy, sana all nalang talaga ako..." Kinurot ko siya sa braso na ikinatawa niya. "Alam mo, Cara.. tama si Miss Venna. Hindi magkaka-gusto sakin si Dean. Mayaman 'yon, ako eto lang ako oh." Tinitigan niya ako bago napailing na parang nadidismaya sa sinabi ko. "Ember, huwag mong tingnan ang sarili mo na mababa dahil hindi. Sa relasyon hindi basehan ang estado sa buhay. Mahirap ka man o mayaman, kapag tinamaan ka ni kupido, aayaw ka pa ba? Parang si Dean lang 'yan. Tinamaan sa 'yo kahit mahirap ka lang. Alam niya 'yon at inayawan ka ba niya? Hindi! Ayan oh, sinasampal na sa 'yo na gusto ka niya at handa niyang gawin ang lahat para sa 'yo," seryoso niyang sabi bago huminga ng malalim at kumagat sa burger niyang hawak. "Ang tao kapag ayaw, aayawan ka niyan. Pero sa nakikita ko kay Dean mukhang malaki ang tama sa 'yo. Walang pakialam kung mahirap ka. Saan nga kayo ulit nagkakilala ng lalaking 'yon?" Pagpapatuloy niya habang ngumunguya. "Naaksidente siya malapit sa amin. Ako ang nakakita sa kanya kaya tinulungan ko siya. Doon nagsimula ang lahat." Tumango-tango siya sa sinabi ko. "Mukhang na-love at first sight sa 'yo si Dean. Nakakaloka kayo!" Tawa niya bago muling kumagat sa burger niya. "Gusto mo ba siya?" May ngiting multo sa labi niya habang hinihintay ang sagot ko. Napailing ako at nagkibit-balikat dahil hindi ko alam kung gusto ko ba si Dean. Bilang kaibigan, oo. "Bilang kaibigan, Cara," sagot ko. Hinampas niya ako sa braso na ikina-simangot ko. "Seryoso ka ba? Wala ka bang ibang nararamdaman kapag nasa paligid siya?" Nangingiti niyang sabi bago ako hampasin ulit sa braso. "Sus, Ember! Ni hindi ka nga makatingin sa kanya ng mata sa mata, e! Wag nga ako! At isa lang ang ibig sabihin nyan, may nararamdaman ka para sa kanya." Tili niya habang kinikilig. Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Hindi ko pa naman talaga alam kung ano itong nararamdaman ko para sa lalaking 'yon. Kailan lang naman kami nagkakilala. Muli niya akong hinawakan sa braso at niyugyog. "Parating na ang prince charming mo.." Kinikilig niyang wika. Napatingin naman ako sa kung saan siya nakatingin at naroon nga si Dean at may kasamang dalawa pang lalaki. Nagtama ang mga mata namin. Nanatili siyang seryoso habang ang dalawa niyang kasama ay mukhang nagkukulitan. Ang ilang istudyante ay napapatingin din sa kanila. Napalunok ako nang papunta sila sa direksyon namin ni Cara. "Hala ka, Ember! Dito sila papunta, salubungin mo dali!" Tulak niya sakin pero matalim ko lang siyang tiningnan. Konti nalang ay mapipikon na ako sa babaeng ito. Nang makalapit sila sa mesa namin ay kinuha agad ni Dean ang isang plastic na upuan at inilapit sakin bago siya naupo. Rinig ko ang eksaheradang pag-ubo ni Cara. "Ember, Cara, these are my cousins, Gustavo and Joaquin." Pakilala niya sa mga kasama niya. Tumango ako sa dalawa habang si Cara ay nakipag-shake hands sa kanila. "Parang ang sarap mag-enroll dito sa school n'yo, Deangelo." Nakangising sabi nung Joaquin habang pinagmamasdan ang mga babaeng nagpa-practice ng sayaw sa gym. Mula sa kinalalagyan namin ay tanaw kasi namin ang loob ng gym at nakikita ang ilang kaganapan doon. Tumawa si Gustavo at tiningnan din kung ano ang tinitingnan ni Joaquin bago sabay napasipol ang dalawa. "Mga batang-bata ang nandito, Deangelo!" Tumatawang sabi ni Gustavo bago bumaling ang mga mata sakin at ngumisi. "Kaya naman pala hindi kana naglalagi sa hideout may nabingwit naman na pala." Tiningnan lang ni Deangelo ang dalawa ng matalim. Si Cara naman ay tahimik lamang at mukhang kanina pa kinikilatis ang dalawang lalaki na pana'y pa rin ang puna sa mga babaeng nakikita. "Ang oras ng uwi mo mamaya ay 6pm, ako na ang maghahatid sa 'yo pauwi," napasinghap ako nang maramdaman ang paglapit niya sakin. Nang tingnan ko si Cara ay hindi siya sa amin nakatingin pero may multo na namang ngiti sa labi niya. Huminga ako ng malalim at umiling kay Deangelo. "Hindi mo naman kailangan akong ihatid. Hindi mo ako obligasyon, Dean," sabi ko. "Wow! Kailan ka pa naging si Dean, Deangelo?" Pang-aasar ng dalawa pero hindi sila kinibo ni Dean. "Ihahatid kita." Napahinga ako ng malalim sa ka-seryosohan niya. "Obligasyon na kita simula nung nakilala kita." Napatingin ako kay Cara nang peke itong nasamid. Ang dalawang lalaki naman ay tila walang pakialam at pana'y pa rin ang pansin sa mga babaeng napapadaan sa harapan nila. "Dean—" Angal ko pero umiling lang siya sakin. "Girl! Madilim sa lalakaran mo kaya hayaan mong ihatid kana ni Dean sa inyo. Isa pa, wala pa naman dyan si Lola Mercedez mo. Hayaan mo na yung mga tsismosang kapitbahay n'yo doon! Hindi na mawawala ang mga 'yan." Pairap na singit ni Cara. Huminga ako ng malalim at hindi nalang kumibo. Ang burger kong kinakain ay mabilis ko nang inubos. "Hindi ka kumain ng kanin?" Kunot ang noo na tanong ni Dean sakin. Napatingin din si Cara at mga pinsan niya sa aming dalawa. Umiling ako, "Hindi na, busog pa naman ako." "Tsk!" Bulong niya bago tumayo. Sinundan ko siya ng tingin at pumunta siya sa isang babae na isa sa tindera sa cafeteria ng school. Kinausap niya iyon bago bumalik sa lamesa namin. "Bro, pwede bang magsaling-pusa kami dito? Hindi kami mag-e-enroll pero papasok kami." Tanong ni Joaquin habang may tinitingnan na babae. "Bahala kayo sa buhay nyo." Tamad na sagot ni Dean sa pinsan niya. "Ikaw, Gustavo?" Pakinig kong baling ni Joaquin dito. "Game!" Natatawang sagot naman ng isa. Nakita ko ang pag-iling at pag-irap ni Cara sa dalawang lalaki bago bumaling sakin. "Malapit na ang klase natin, Ember. Tara na?" Tanong niya. Tumango agad ako at akmang kukunin ang bag ko nang dumating ang babaeng kausap ni Dean kanina. Yung tindera, may kasama pa siyang dalawang babae at lahat sila ay may dalang tray na naglalaman ng ilang pinggan ng kanin at ilang putahe ng ulam. "Kakain muna tayo bago ka pumasok sa klase mo," sabi ni Dean. Kita ko ang pagpipigil ng ngiti ni Cara at muling ibinaba ang bag niya. Napataas ang isang kilay ko sa kanya pero ngumisi lang siya sakin. Naupo na lamang ako ulit habang hinahanda ang mga pagkain sa mesa namin. "Gustavo at Joaquin, kung gusto n'yong mag-sight seeing ng mga babae, huwag dito sa cafeteria dahil kainan dito hindi hanapan ng babae!" Mataray na sabi ni Cara sa dalawang lalaki na ngayon ay nakalingon sa kanya. Inismiran sila ni Cara at nagsimula na kumuha ng pagkain niya. Nagkatinginan lang ang dalawa at  nagkibit-balikat bago humarap na nang tuluyan sa mesa namin. Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Tanging ang dalawa lang na lalaki ang maingay. Sa tuwing may dadaan na magagandang babae ay pinagbubulungan nila at tinatantya kung ano ang mga vital statistics ng mga ito. Napapailing nalang kami ni Cara habang si Dean ay tahimik lang at seryosong kumakain. "Dito nalang kami. Salamat," sabi ko kay Dean nang nasa hagdanan na kami. Ang dalawang pinsan niya ay humiwalay sa amin at lilibutin daw ang buong school. "Hihintayin kita sa parking lot." Sabi niya. Kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. Alanganin akong napatango sa kanya bago siya talikuran. "Uy, salamat! Dito na kami." Nakangiting sabi naman ni Cara bago humawak sa braso ko. Nasa third floor na kami at papasok na sa classroom namin nang harangin kami ng grupo ni Jarred. Alerto agad si Cara na akala mong laging nasa gulo sa tuwing ang grupo nila Jarred ang makikita. "Ano na naman ang kailangan nyo?" Pagtataray niya. Hindi siya pinansin ni Jarred, diretso ang mga mata niya sakin. "Pwede ba tayong mag-usap, Ember?" Tanong niya. Mababa lang ang boses niya na parang nakikiusap. "Hindi pwede!" Angal agad ni Cara. "Pero pwede kapag kasama ako!" Dugtong niya. Kumunot ang noo ni Jarred sa kanya pero muling ibinalik sakin ang mga mata. "Yung tayo lang sana, Ember." Pinagmasdan ko siyang mabuti at mukha namang malinis ang intensyon niya kaya unti-unti akong tumango. "Sige. Saan ba?" Ako. Agad lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. "Kahit sa garden nalang ng school." Sagot niya na muli kong ikinatango. "Tanungin mo muna ang boyfriend niya kung pwede bang sumama sa 'yo ang girlfriend niya." Napabaling lahat kami sa nagsalita. "Kaso siguradong hindi papayag 'yun," si Joaquin habang nilalaro ang isang ballpen na hawak niya. "Sino ba kayo?" Maangas na tanong ni Jarred. Pati ang grupo niya ay mukhang aatake agad. "Bisita?" Natatawang sabi ni Gustavo. Mukhang hindi pa sigurado sa sagot niya. "Oh, ayan na ang boyfriend, magpaalam kana." Nakangising sabi naman ni Joaquin. Lahat naman kami ay napabaling sa bagong dating. Napasigaw ako sa gulat at takot nang hablutin ni Dean si Jarred sa kwelyo at ilapit sa kanya. Akala ko ay susuntukin niya ulit si Jarred. Si Cara naman ay natatawa na naman. At hindi ko alam kung bakit. Malamig at madilim ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Jarred. "Isa pang lapit mo kay Ember, paglalamayan kana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD