Chapter 15

2332 Words
Ember's POV Ang mga mata ko ay nasa pagkain na nasa harapan ko at iyon ang pilit kong binibigyan ng pansin, at hindi ang taong nakaupo sa harapan ko na walang ginawa kung hindi ang titigan ako. Sa bawat galaw ko ay ramdam ko ang pagsunod nang mga mata niya na dahilan para kumalabog ang dibdib ko. Nang hindi ko na makayanan ay huminga ako ng malalim, at ibinaba ang kubyertos na mga hawak ko bago sinalubong ang mainit niyang titig. “Pwede bang huwag mo kong titigan ng ganyan?” Mahina pero may kalakap na inis na sabi ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya bago umayos ng upo at nginisihan ako. “Iba talaga ang epekto ng karisma ko sa’yo,” mayabang niyang sabi na ikina-irap ko sa kanya. “Sige na, hindi na kita tititigan. Ubusin mo na ‘yang pagkain mo. May tatawagan lang ako sandali.” Paalam niya bago ako iwang mag-isa sa lamesa. Napairap akong muli sa kawalan at sinundan na lamang siya ng tingin na naglalakad palayo sa akin. “Ember!” Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Cara habang nakasunod sa kanya ang mga pinsan ni Dean. Mabilis silang lumapit sa lamesa kung nasaan ako. “Oh, bakit mag-isa ka? Nasaan si Dean mo?” Pang-aasar  ni Cara na mabilis nakaupo sa tabi ko. “Cara, hindi siya sakin. Umalis lang siya sandali dahil may tatawagan lang daw,” sagot ko pero nginisihan lang niya ako. Pinandilatan ko siya pero tinawanan lang niya ako. Ano pa aasahan ko sa kaibigan ko? “Kumain kana ba?” Pag-iiba ko. “Oo, kasama ko ‘tong mga babaero kumain.” Biglang seryoso niyang sagot na ikina-kunot ng noo ko. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Gustavo. Magtatanong sana ako pero dumating na si Dean at mukhang nagmamadali. “Nakausap ko si Gunner, manganganak na si Azariah,” sabi niya habang nakatingin sa mga pinsan niya bago inilipat ang tingin sa akin. “Kailangan namin pumunta sa hospital at kasama kayo.” “Ha?! Bakit kasama kami? Hindi ba pwedeng maiwan nalang kami rito ni Ember para makapag-enjoy?” Ramdam ko ang pagka-dismaya ni Cara. “After natin sa hospital ay didiretso na tayong pauwi,” sagot ni Dean at muli akong tiningnan. “Are you done?” Napatango nalang ako bigla dahil ramdam ko na hindi siya mapakali. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya. “Let's go. Pack your things now. Magkita-kita nalang tayo sa lobby mamaya,” sabi niya kila Gustavo na mga tumango lamang at mukhang pati sila ay seryoso na ngayon. “Eh, sila mommy mo? Si Miss Venna?” Tanong ko nang naglalakad na kami. "Maiiwan muna sila rito.” Napatango-tango nalang ako at nag-iwas na ng tingin sa kanya. Si Cara ay dumiretso sa kwarto niya habang ako ay hinatid ni Dean sa kwarto ko. “Salamat sa paghatid. Aayusin ko lang mga gamit ko na nasa loob,” sabi ko bago hawakan ang seradura ng pinto. “Hihintayin na kita rito.” Sagot niya na ikinatango ko na lamang bago tuluyang buksan ang pinto. Pumasok ako at hindi na inabalang isara ang pinto. Tutal ay mabilis lamang ako. Inayos ko ang mga gamit ko na nagkalat sa ibabaw ng kama bago kumuha ng mga damit ko at dumiretso sa banyo. Nagpalit ako ng isang summer dress. Wala akong choice kung hindi ito na ang suotin dahil ito na lamang ang tuyo kong damit. Ipinusod ko ng mataas ang buhok ko at tumingin sa salamin. Namumula ang pisngi ko dahil nababad sa init. Tinampal ko ng mahina ang magkabila kong pisngi bago tuluyang lumabas ng banyo. “Ito lang ba ang mga gamit mo?” Napahinto ako sa gulat at napahawak sa ibabaw ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya ng masama. “Alam mo ba kung paano kumatok?” Inis kong sabi sa kanya. “Iniwan mong bukas ang pinto kaya ang akala ko ay ayos lang na pumasok ako kahit hindi ako kumakatok?” May pagtataka ang mga mata niyang tanong sakin. Natampal ko nalang ang noo ko. May punto naman siya pero kasi... Inirapan ko na lamang siya na ikina-salubong ng kilay niya bago ko siya lagpasan. Dumiretso ako sa gilid ng kama at kinuha ang bag ko para tingnan kung wala akong naiwan na gamit. “Hey? Are you mad?” Pakinig kong tanong niya at ramdam kong nasa likuran ko lamang siya. Nag-uumpisa na namang kumalabog ang dibdib ko sa tuwing malapit siya sakin. Ipinagpatuloy ko ang pag-check sa mga gamit ko at hindi siya sinagot. Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay nawawala ako sa kontrol sa tuwing siya ang nasa harapan ko, nawawala ako sa sarili at nadadala sa mga emosyon. Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi pwede at bawal ay alam ko at ramdam ko na mas lumalalim ito. Habang pinipigilan ko ay para namang mas lalo akong nananabik. “Ember?” Mabilis akong napalingon sa kanya at hanggang ngayon ay may pagtataka sa mga mata niya. “W-wala! Halika na,” anyaya ko sa kanya dahil parang biglang nagbara ang lalamunan ko. Kinuha niya ang bag ko at ang isang paper bag bago inilahad sakin ang daan. Sinunod ko na lamang siya at lumabas na kami ng kwarto. Nang makababa kami sa looby ay naroon na sila at naghihintay na sa amin. Nakita ko rin si Miss Venna na nasa tabi ni Mrs.Mondego. “Anak, gusto raw sumama ni Venna sa inyo.” Bungad na sabi ng Mommy ni Dean. Umiling agad si Dean na ikinatawa ni Cara. Pinandilatan ko siya dahil nakakahiya sa mga magulang ni Dean. “Ah, eh, nakakatawa po kasi si Gustavo kanina. Sorry po!” Ngiting ewan ni Cara sa mga magulang ni Dean na ikinayuko ko lamang dahil sa hiya. Nakita ko pa ang pag-irap ni Miss Venna kay Cara na ipinagpasalamat kong hindi nakita ng huli. “Mom, sorry, pero hindi pwedeng sumama si Miss Venna sa amin.” Seryosong sabi ni Dean. “And why not, Deangelo? I want to see Kuya Gunner too and his wife!” Iritableng protesta ni Miss Venna. “Pwede mo silang makita sa susunod na araw, Venna. Mauna na kami.” Malamig na sabi ni Dean at ‘tila hindi talaga mababago ang desisyon. Nabigla ako nang hilahin niya ang braso ko. Napatingin na lamang ako sa mga magulang niya na tinitingnan kami. “Maraming salamat po! Mauna na po kami.” Kaway ko na lamang, ganoon din ang ginawa ni Cara habang nakasunod sa amin. “Ba-bye po! Nag-enjoy po kami.” Masayang paalam ni Cara. Nang marating namin ang parking lot ay sumakay kami agad sa sasakyan ni Dean. Ang dalawa niyang pinsan ay nasa ibang sasakyan nakasakay. Sa Manila pa raw ang hospital na pupuntahan namin kaya’t si Cara ay walang ibang ginawa kundi ang magreklamo. Ako na ang nahihiya kay Dean. “Alam mo Dean, bukas nalang sana tayo pumunta sa Manila. Kasi hello? Sa biyahe nating ito, hindi na natin maaabutan yung manganganak kasi malamang na nanganak na ‘yon.” Ungot na naman ni Cara na nasa backseat. “Cara...” Banta ko dahil baka mainis na sa kanya si Dean ay masipa na siya palabas ng sasakyan. “I’m sorry, babawi nalang ako sa susunod. I promise.” Seryosong sabi ni Dean habang ang mga mata ay nasa daan. “Kailangan lang talaga kami ngayon ni Gunner para mabantayan ang mag-ina niya.” “Narinig mo, Cara? Importante yung pupuntahan natin kaya manahimik kana dyan.” Sabi ko. Wala na akong narinig na sagot kay Cara. Nang silipin ko siya ay nakaidlip na pala siya. Hindi raw nag-enjoy sa lagay na ‘yan huh? Sa buong biyahe ay tahimik lamang kami ni Dean. Panaka-naka rin akong nakaka-idlip ngunit nagigising din kaagad. Nang huminto ang sasakyan ay napalibot ang mga mata ko, nasa hospital na kami. Si Cara ay gising na rin at mukhang nag-iinat pa. Inayos ko lang saglit ang sarili ko bago lumabas ng sasakyan dahil nakababa na si Dean. Si Cara naman ay bumaba na rin. Sabay kaming naglakad ni Dean papasok ng hospital, kasunod si Cara at mga pinsan niya.  Tahimik lamang kami hanggang marating namin ang isang pinto. Binuksan iyon ni Dean at bumungad sa amin ang dalawang lalaki na nag-uusap. Nagtapikan sila ng balikat. Nakita ko pa ang paglapit ni Gustavo at Joaquin at nakipag-tapikan din sa dalawang lalaki. Si Cara ay tumabi sa gilid ko at tulad ko ay nakikiramdam lang din kami sa nangyayari. Nakita kong nilingon kami ni Dean bago kami nilapitan. “Alas, Gunner, ito nga pala si Ember at Cara. Ito naman si Gunner ang pinsan ko, at ito ay kaibigan namin si Alas.” Pakilala niya sa amin sa dalawang lalaki. “Hello po!” Masayang bati ni Cara sa dalawa, tinguan lamang nila kami at ipinagpatuloy na ang pag-uusap. “Ang susungit ha!” Bulong ni Cara pero naririnig naman namin siya. Hinila ko siya sa tabi ko at pinandilatan na manahimik siya. Umirap lang siya at inayos ang buhok. “Hindi sila masungit, ganoon lang talaga sila bumati.” Sabi ni Dean na natatawa sa reaction ni Cara. “Type ko sana yung Alas kaso wag nalang!” Iritang sabi ni Cara na ikinatawa ko na rin. “Di ka magugustuhan ‘nun, may asawa’t anak na ‘yon.” Si Dean. Napanganga si Cara pero nakabawi rin. “Type ko lang pero hindi ko naman sinabing jojowain ko no! Ayoko maging kabit!” Masungit na bawi ni Cara. Nailing na lamang ako sa kanya. Sabay-sabay kami napalingon sa pinto nang may kumatok. “Gunner, andyan ka ba? Pwedeng paki-bukas ‘tong pinto? May mga dala kasi ako para kay Riah.” Babae ang nasa labas pero imbes na buksan nung Gunner ang pinto ay nilapitan niya ito at sinenyasan si Alas. Nagtaka ako nang pumunta si Alas sa isang sulok kasunod sila Gustavo. Hinawi nila ang makapal at malaki na kurtina bago itinulak doon si Alas at mabilis na isinara. Chineck pa nilang mabuti kung nakaayos iyon at hindi makikita si Alas. Kami ni Cara ay nanonood lang sa kanila. Pansin ko rin na parang pinagpawisan sila Gustavo habang si Gunner ay seryoso lamang. Binuksan niya ang pinto at isang magandang babae ang naroon. Sinalubong siya ni Gunner at kinuha ang mga dala. “Maraming salamat, Gunner. Kumusta na si Riah?” Pinanood ko ang pag-ngiti at paglakad ng babae, sobrang ganda niya at para siyang model. “She's still sleeping but she's fine now.” Seryosong sagot naman ni Gunner. “Ember, Cara, maupo muna kayo rito.” Si Gustavo at inilalahad sa amin ang isang sofa. Napatingin sa amin ang babae at ngumiti ng bahagya bago ibinaling ang tingin sa babaeng natutulog sa kama. Ngayon ko lang nakita ang asawa ni Gunner. Napakaganda rin niya kahit natutulog. Naupo kami ni Cara kung nasaan ang nasa likuran namin ay ang kurtina na pinagtataguan ni Alas. “Maria, sino ang kasama mo? Nasaan si Atlas?” Tanong ni Joaquin sa babaeng maganda. Maria pala ang pangalan niya, bagay sa maamo niyang mukha. “Ako lang mag-isa ang nagpunta rito, si Atlas ay naiwan sa mother-in-law ko.” Sagot ni Maria. Umupo sa tabi ko si Dean na hindi ko na nalingon dahil kinalabit ako ni Cara. “Bakit?” Tanong ko. “Siya yata ang asawa ni Alas, nakaka-tomboy!” Natawa ako sa sinabi niya. “Pero bakit tinataguan ni Alas?” Nagkibit-balikat ako dahil ako pa ang tinanong niya, eh, wala naman akong ideya kung bakit nga ba nagtatago si Alas sa asawa niya. Ngayon ko lang naman nakilala at nakita ang mga taong ito. “Nagugutom na ba kayo? Pwede tayong lumabas at kumain sandali.” Si Dean. Iiling sana ako pero naunahan na ako ni Cara. “Oo, nagugutom na kami. Kung okay lang, kain muna tayo?” Hindi ko rin alam kung paano kami nagka-sundo na dalawa. Nagpaalam muna kami sa mga taong nasa loob ng kwarto bago kami lumabas ni Cara ng kwarto, si Dean ay kinausap lang saglit yata si Gunner. Sa paglabas namin ni Cara ay siya ring salubong namin sa isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon. “Ember?” “L-lola?” Unti-unting kinain ng takot at kaba ang dibdib ko. “Anong ginagawa mo rito? Paano kayo nakarating dito na dalawa?” Puno ng pagtatanong at pagtataka ang nakikita ko sa mga mata niya. Ang mga tuhod ko ay nararamdaman ko na ang unti-unting pangangatog. “Let’s go.” Napapikit na ako sa takot dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. “EMBER ROSE?! Ano ‘to?!” Halos gusto kong tumakbo para magtago dahil sa nakikita kong galit sa mukha at mga mata ni Lola. “L-lola—” nanginginig kong sambit. “Anong ginagawa mo rito?” Sa bawat bigkas niya sa mga salita ay may diin. “Bakit kasama mo ang taong ‘yan?” “Lola, kaibigan po namin ni Ember si Dea—” “Hindi ikaw ang tinatanong ko, Cara!” Singhal niya kay Cara kaya’t natahimik ito. “Magsasalita ka o kakaladkarin kita pauwi sa atin?!” “Ma’am—” si Dean. “Layuan mo ang apo ko!” Tuluyang tumulo ang mga luha ko nang mabilis na hawakan ni Lola ang braso ko at hilahin ako palayo kay Dean. “Ito na ang huling magkikita kayo ng apo ko! Hindi mo na siya maaaring lapitan!” Napatingin ako kay Dean at kitang-kita ko ang pagdilim ng mga mata niya at ang paglamig niyon. Napanganga kami ni Cara nang lumaban siya ng titig sa Lola ko at bahagya pang lumapit sa amin. “Sorry, Ma’am. Pero hindi ko mapagbibigyan ang sinasabi ninyo. Ipahahatid ko na po kayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD