Ang Classmate Kong Siga AiTenshi Chapter 10 "Mag pahinga ka muna dahil mas stress ka pa sa akin! Wala akong ginawang masama at hindi ko gagawin ang mga bagay na naiisip mo. Alam kong malaki ang selos mo kay Jet pero sana ay maisip mo na may respeto naman ako sa aking sarili. Pumasok ka nalang dito kapag maayos kana." Hindi siya kumikibo, naka tanaw lang ito sa kawalan.. Ako naman ay humiga sa kama at pinikit ang aking mga mata. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tahimik.. Nagising nalang ako sa isang kanta na tumutunog sa aking mga tenga. tama galing ito sa kwarto. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko na si Gerald ang nag papa tugtog nito, ang musika ay mabagal at masarap pakinggan.. The Ambassador Lyrics " Forever " I may burn out like a candle and