Ang Classmate kong Siga
AiTenshi
Chapter 6
"Ikaw pala, anong pinaka masamang hangin ang nag dala sa iyo dito? Alam mo ba na bawal ang kriminal dito sa bahay namin? Gusto mo tumawag ako ng pulis?” ang tanong ko habang papalapit sa kanya.
Ngumiti siya na parang walang nangyari.
"Huwag mo akong daanin sa ngiting ganyan. Mukha kang demonyong umahon sa ilalim ng lupa. "Kamusta kana?” ang tanong niya habang naka tingin pa rin sa painting sa aming pader. "Isa ito sa pinaka paboritong painting ko ang Les Demoiselles d’Avignon ni Pablo Picasso na isang spanish painter. Naka feature dito ang limang babaeng naka hubot hubad at ang mga mukha nila ay hango sa Iberian sculpture at sa ibat ibang uri African masks. Maganda.." ang wika niya.
“Ok naman ako, buhay pa naman. Si papa ang mahilig sa paintings. Mainam naman at sa kabilang ng pagiging isang diablo mo ay mayroon paring art appreciation sa utak mo." ang sarcastic kong sagot sabay irap sa kanya.
“Mabuti naman. Ayaw naman talaga kita makita at dalawin dito.Nag aalala kasi lahat ng mga classmate at mga guro natin dahil hindi ka pumapasok, kaya naisip ko na bisitahin ka dito sa bahay nyo at mag pasalamat na rin sa pag sasama sa akin sa mga research work.” Ang sabi nya habang iniikot ng tingin ang aming buong bahay
“Anong problema mo? Ano bang binabalak mo Mr. Sanchez? Alam mo sa susunod pa pag tangkaan mo ulit ang buhay ko ay ipapakulong na kita or more baka lumaban ako ng p*****n sa iyo. Umalis kana nga dahil nakaka irita iyang mukha mo."
Hindi niya ako pinansin, parang walang narinig..
“Hmmmm medjo maliit ang bahay nyo kumpara sa bahay namin, pero mukang comfortable naman dito” ang sabi nya habang lumalakad lakad na walang paki alam sa mundo.
Parang nayabangan ako sa aking narinig. Kung tutuusin nga ay malaki na ang aming bahay, 2nd floor ito ay may maluwang balkunahe sa itaas. “Sabagay isang hambog at mabayang na pambasang bully ba naman ang kausap mo. Ano pa bang ine expect mo!!??” ang bulong ko sa sarili
“Oh bat ganyan ka makatingin?” ang sabi nya habang nahuli nya akong naka tingin sa kanya.
“Wala!! Mayabang ka kasi! Umalis kana nga dito! Tinantanggap ko yung pasasalamat mo, ito ang pinaka magandang bagay na nangyari sa buhay nating dalawa. Sige na alis na.” ang tugon ko sabay tulak sa kanya palayo. "Teka, bakit biglang change of hearts nito ginawa mo? Anong binabalak mo?"
"Wala, naisip ko lang na bigyan ng chance yung sinabi mong gusto akong maging kaibigan."
"At ang kapal ng mukha mo, talagang ako pa ang parang lumalabas na atat na atat maging kaibigan ka? Hoy Mr. Sanchez pinapaalala ko lang na sinusuka kana ng planet Earth noong sabihin ko iyon. Ayaw na kitang maging kaibigan ngayon."
"Alam mo ang ingay mo, para kang babaeng talak ng talak. Pwede tumahik ka muna? Hmmm nagugutom ako, wala bang pag kain dyan?? Hindi pa kasi ako kumakain, tamad yung mga kasambahay namin." wika niya sabay lakad patungo sa kusina ng walang paalam.
“Teka teka” ang pag pigil ko sa kanya. “Bahay mo na to? Masyado ka yatang Alphakapalmukz!"
“Mr. Kim hindi ganyan ang tamang pag trato sa bisita. Akala ko intsik ang lahi niyo, korean pala kayo? Yung papa mo purong koreano." ang sabi nya habang nakatingin sa larawan namin.
"Oo, purong korean si papa pero 10 years old ay dito na siya lumaki kaya parang pinoy na rin siya. Every year umuuwi kami Korea para mag bakasyon sa ancestral house namin doon." ang sagot ko, maya maya narinig kumalam ang sikmura niya, mukha hindi nga siya nag bibiro. Gutom nga ang gago. "O, sige na, maupo kana muna dito sa sala at mag papahanda ako ng pag kain mahal na hari!"
Agad naman siyang naupo sa sofa at inangat ang kanyang mga paa na animo hari. “Hay iba talaga ang ugali nitong tao na to” ang sabi ko sa sarili ko.
“O, bakit nanaman?” ang sabi nya habang nahuli nanaman nya kong naka tingin sa kanya. “Nababakla kana yata sakin eh” ang sabi nya
“Hindi no. Antipatiko ka kasi, maangas ka, at mayabang din, naisip ko lang kung pano puputulin yang buntot ang sungay mo!”
“Takot ako sayo. So guardian angel kita?”
“Tado, kumain kana nga!!” ang sabi ko habang inaayos ang plato sa harap nya
Nagulat ako ng punuin nya ng kanin ang kanyang plato at nilagyan ito ng maraming ulam.
“Turn off ako!! Ang takaw nya grabe!!” ang sabi ko sa sarili ko, barakong barako siya kung kumain, parang hindi anak ng mayamang tao.
Nagulat nalang ako ng iaabot nya sakin ang isang kutsara
“Oh kunin mo!” ang utos nya
“Bakit naman?” ang tanong ko sa kanya na may halong pag tataka.
“Sabayan mo kong kumain dito sa plato.” ang utos nya
“Isang plato lang ang gagamitin natin? Kukuha nalang ako ng sakin."
“O bakit may problema ka? Maselan ka ba? Ito ang magiging iniation natin bilang mag kaibigan, kakain tayo sa isang plato at pag susuluhan ang laway ng isa isa." ang sabi nya naka ngisu.
“Salahula ka naman, ang pag kain ay iginagalang dahil biyaya ito."
"Kumain kana dito, ito ang simbolo ng pag tanggap ko saiyo bilang kaibigan ko."
"At ikaw pa talaga Mr. Sanchez? Parang ako ang nag hahabol na maging kaibigan ka." reklamo ko at wala akong nagawa kundi kumain kami sa iisang plato. Para kaming mag jowa na nag sasalo sa ulam sa isang pinggan.
Tahimik kaming kumakain.. isa.. dalawa... tatlong minuto,, walang imikan, kahit mag kasalo kami sa plato ay parang wala pa rin kaming pansinan..
“nag alala ako sayo alam mo ba yun?” ang sabi nya habang namumuwalan ang bibig
“malamang hindi. Mga tauhan mo ba naman ang bumugbog sakin eh.” Ang sabi kong naasar
Bigla siyang huminto sa pag nguya at tumitig sa akin. Nag kabanggaan ang aming mga mata..
“pogi ka pa rin naman eh, pero wag mo asahan na matatalo mo ang kapogian ng isang adonis at mala anghel na katulad ko.” Ang sabi nya
“anghel ka jan!! May buntot ka nga eh saka sungay.. ayan oh limang sungay walang mapaglagyan.” Ang sabi ko
Pag katapos namin kumain ay bumalik sya sa sasakyan nya at may kinuha duon. Agad naman siyang bumalik na may hawak na isang kahon.
“ano naman iyan?” ang sabi ko
“edi kahon! Bulag na ba Lee?” ang sabi nya
“Ummmpp!!” hinampas ko siya ng saklay ko
“arayy!! Ano ba? Pilay kana nga katapang mo pa.” Ang sabi nya
“alam mo kung titingnan ka man, hindi ka naman mukang mamatay tao eh.” Ang sabi ko.
“sira ulo, hindi pa ko nakaka patay ng tao no” ang sabi nya
“hindi daw.eh dibat pinatay nyo yung taong binubug bog nyo sa bakanteng lote?” ang sabi ko sa kanya
“hindi patay iyon. Tinuruan lang siya ng leksyon dahil halos 3 taon nyang ninanakawan si Papa.” Ang paliwanag nya
“fine!!! So ano ang laman ng kahon iyan? Baka naman bomba na iyan at balak mo naman pasabugin itong bahay namin? Grabe ka ha.. “ ang sabi ko parang nanunuya
“heh!! Hindi to bomba!!” ang sabi nya sabay bukas nag kahon
“dyyyyarrrrannn!!!” ang sabi nya habang hinarap sakin ang laman ng kahon
Isa pala itong box ng assorted at imported na chocolate. “oh para sayo.” Ang sabi nya habang naka ngiti.
Hmmm parang may kilig at saya akong naramdaman sa ginawa nya. C Gerald na pambansang bully ng Pilipinas ang bibigay ng chocolate?
“baka naman may lason to? Gusto mo kong lasunin para malinis ang pag kaka gawa mo no?” ang biro ko
“um! Tado!” para sa iyo talaga yan
“arekup!!” ang sabi ko. “salamat ha.. cge bye ingat ka pag uwi, sobrang naappreciate ko to."
“anong sinasabi mong uuwi ako?” ang sabi nya
“Mr. Sanchez alas 5 na po. Baka may appointment ka pa o bubugbugin dyan sa kanto puntahan mo muna.”
“Tado ka ah, gusto mo ikaw ang bugbugin ko?” ang sabi nya habang inangat ang kanyang kamao
“Sobra ka naman sa pagiging basagulero mo. Kailangan na talaga putulin iyang mahabang mong sungay!! Capricorn ka!!” ang sabi ko
“Hindi ah!! Gemini ako!” ang depensa nya
“Sunga talaga to! Hindi nagets ang sinabi ko, hayaan na nga.” Bulong ko sa sarili. Pag harap ko ay wala na siya sa aking paningin. Nakita ko nalang siya na umaakyat na sa hagdan patungong 2nd floor. “Arrghh!! Sira ulo talaga! Saan ka ba pupunta? Wag diyan sa kwarto ko!" pag habol ko. Pero biglang nadulas ang mga saklay ko at nahulog ako sa hagdan..
Agad naman siyang bumaba para tulungan ako.
“Ano nasaktan ka ba? Habol ka kasi ng habol e. Siguro may itinatago ka sa kwarto mo. Okay ka lang ba talaga?" nakita kong bakas sa mukha nya ang pag aalala.
“Ay hindi, hindi ako nasaktan!! Masarap nga eh. Gusto mo gawin ko iyon sayo?” ang sabi kong naasar
“Ito naman napaka taray mo, para kang babaeng nireregla alam mo ba iyon? Parang kulang ka sa kantot."
Inalalayan nya ako patungo sa hagdan. Sa totoo lang gulat din ako dahil may mabuting puso rin pala ang mokong nato. Nang marating namin ang pintuan ng kwarto ko ay iniwan nya ako at bigla siyang pumasok.
“Bwiset na to nauna pa sakin” ang sabi kong pabulong
“Narinig ko yun! At hindi ako bwiset!” ang sabi nya habang pinapaki alamanan ang mga gamit ko
“Paki alamero ka Sanchez! Ano ba bitawan mo nga iyan!” ang sabi ko habang naiinis sa kanya.
“Pahiram naman ng extrang tshirt at short, pati brief na din, maliligo kasi ako.” ang sabi nya habang nag aalis ng damit
“Napaka presko ng taong ito. Ang kapal ng face nya..” ang sabi ko sa sarili habang tinungo ko ang cabinet at kumuha ng gamit na kasya sa kanya. "Bakit di ka kasi umuwi ha?"
"May party si papa ngayong hapon, ang sabi niya huwag akong umuwi doon baka mapahiya siya sa mag bisita niya." ang wika niya sabay hubad sa kanya saplot.
Laking gulat ko ng makita ko siyang wala ng saplot sa katawan. Nakaganda ng katawan nya. Makinis siya at halatang agalang alaga ito. Naka labas ang mga dib dib at naka bakat ang abs. Walang kataba taba ang katawan at halatang lagi ito sa work out..
“Anong tinitingnan mo dyan? Bakla ka no?” ang sabi nyang naka ngisi
“Eto damit mo!!” sabay balibag sa mukha nya..
“Arekup.Iabot mo nga nang maayos hindi ganyan ang trato sa bisita.. ano ba? Ang sabi nya habang umiiwas sa mga binabato kong damit
Maya maya pa ay pumasok siya sa cr ng aking kwarto at doon ay naligo. Ako naman ay nag aayos ng mga gamit na pinaki alamanan nya at inayos ko rin ang mga damit nyang hinubad na animo ahas na nag palit ng balat.. kung saan saan ito iniiwan.
Napansin kong mga branded at mamahalin ang mga damit nya na hinubad, inayos ko ito at inilagay sa hanger na sabitan.
Lumabas siya sa cr na suot ang aking damit. At nakita kong bagay na bagay ito sa kanya. Napansin ko rin na “ITIM” na ang kulay ng kanyang buhok. Iba sa nakita ko nung nakaraang linggo. Di ko kasi napansin iyon kanina dahil naka sumbrero siya. Bumagay sa kanya ang itim na buhok. Lalong tumingkad ang kagwapuhan nya.
“ Anong tinitinganan mo dyan?” ang sabi nya sabay balibag ng basang tuwalya sa aking mukha.
“Bwiset ka talaga! Bully!!” ang sabi ko sabay hampas sa kanya ng aking saklay
“Hindi na ko nabibigla, ganyan talaga pag nakikita akong naka hubad, natutulala ang lahat,” ang mayabang nyang sabi
“Ang hanggin ahh”
“Mahangin pala ha.” sabay ihip sa aking mukha.
“Yuckkk ang baho ng hininga mo!!” ang sabi ko
“nag toothbrush ako!!” ang taas noo nyang sabi
“Nag toothbrush?? Wala ka namang toothbrush dito no?’ sabi ko
“Mayroon kaya at iyon ang pinaka masarap na toothbrush sa buong mundo.” ang punta siya sa Cr at kinuha ang isang toothbrush “eto ang ginamit ko” ang sabi nya sabay angat ng hawak na toothbrush
“hhhhaaaah??? Arggggg!!! Toothbrush ko yan bakit mo ginamit??” ang sigaw ko
“Sayo pala to? Kaya pala masarap!!” ang sabi nya sabay subo sa toothbrush ko
Para kong maduduwal sa pinag gagawa nya.. grabe tong tao na to. Kakaiba talaga siya sa lahat..
Maya maya pa ay naka ramdam ako ng kirot sa aking likod. Napansin kong nag durugo ang likod ko, marahil ay dahil iyon sa pag kaka bagsak ko sa hagdan kanina. Bumuka ang sugat ko.
Agad naman nag panic si Gerald at tumakbo palapit sa akin ng madapa siya at nahalikan ako sa labi.
Itutuloy.
*****
Author's Note: Katulad ng sinabi ko sa inyo 2013 ko pa itong ginawa kaya hindi ganoon kapulido. Classic ito kaya iappreciate niyo nalang. Lol