bc

The Nerd Idol (Filipino)

book_age12+
1.8K
FOLLOW
16.3K
READ
family
aloof
drama
comedy
sweet
bxg
nerd
campus
basketball
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Mary Anne Concepcion o mas kilala sa tawag na Mhean, siya ay isang dalagitang parang hindi makabasag pinggan, isa siyang conservative na babae na nagiging dahilan kung bakit nagmumukha na siyang nerd dahil na din sa pagpapalaki at paniniwala nang kanyang mga magulang, ngunit kahit ganoon ay may isa siyang lihim na labis niyang tinatago dahil hindi niya alam kung paano matatanggap ng mga magulang niya si Alodia Raymundo, si Alodia Raymundo ay isang sikat na cyber idol na halos lahat ng netizen ay kilala at hinahangaan ngunit paano kung dahil sa isang mayabang at guwapong lalaki na nakaaway ni Alodia sa facebook ay malaman nito na ang nerd na si Mhean at ang cyber idol na si Alodia ay iisa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: The Virgin Nerd Mary
-=Mary Anne's Point of View=- Sa totoo lang mabigat ang mga paa ko habang naglalakad papasok ng school, incoming second year collge kasi ako sa private school na malapit sa amin at ngayon nga ay unang araw nang pasukan. I'm taking Mass Communication dahil na din sa kagustuhan ng mga magulang ko. Sa totoo lang mabigat sa loob ko ang pumasok kahit kailan man , well let's say hindi ako ang masasabi mong typical na maganda.. the hell what am I saying... hindi talaga ako maganda. Makapal ang eyeglasses ko dahil malabo ang mga mata ko, ikaw ba naman ang pabasahin ng bible ng mga magulang mo from seven-nine ng gabi araw araw tignan ko lang kung hindi manlabo ang mga mata mo. Masyado kasing relihiyoso ang mga magulang at panata na nila na magbasa kami ng bible gabi gabi para daw malapit kami sa Panginoon, pero hindi doon nagtatapos ang itsura ko dahil maliban sa salamin ko na sobrang kapal ay suot suot ko ang damit na pinaglumaan pa ata ni Maria Clara. Dangan kasi naman sa unang linggo ng pasukan ay hindi pa kami pinapasuot ng uniform kaya ito suot suot ko ang mga damit na gusto nang mga magulang ko at tama kayo isa akong...... NERD Yep! You heard it right or rather you read it right isa akong nerd dahil na din sa sobrang conservative na pinapasuot sa akin ng mga magulang ko na kulang na lang ay hindi na ako makahinga dahil hanggang sa pinakadulong butones ay sarado. Pero alam ko naman na para sa ikakabuti ko naman iyon kaya hindi na lang ako nagrereact kahit na nga ba kahit minsan gusto kong magsuot ng magagandang mga damit iyong tipong uso ba na nakikita sa mga naglalakihang billboard sa EDSA. Pero kahit naman gusto ko ay wala akong lakas nang loob na sabihin sa mga magulang ko ang gusto ko dahil siguradong mapapahiya lang ako kaya mabuti pang itago ko na at sundin na lang ang gusto nila. Ayan sa lalim ng iniisip ko hindi ko na tuloy namalayan na nakarating na pala ako sa school ko, papasok na sana ako nang biglang may humawak sa suot kong bag kaya tuloy natigil ako sa paghakbang at nang tignan ko ay nakita ko ang isang bata na marahil ay nasa eda na onse. "Ano iyon?" nakangiti ko pang tanong dito dahil sa tingin ko bago lang ito sa school. "Mother puwede niyo po bang sabihin sa akin kung saan ang building na ito?" nalilitong tanong nito sa akin at sa totoo lang halos nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito dahil mukhang napagkamalan pa akong madre nang kutong lupa na ito ngunit nagtimpi ako dahil ayoko namang makarma agad dahil ika nga nila digital ang karma. Pinapatakbo kasi ng mga Madre ang school at dati puro babae lang ang tinatanggap ngunit nang magbago ang pamamahala ay nagdecide na din silang gawing coed ang school na wala naman pinagbago para sa akin dahil wala naman nagkamaling manligaw sa akin dahil na nga din sa itsura ko. "Nakikita mo ba ang building na iyon, kumanan ka lang sa building na iyon at makikita mo na ang building ng elementary." nakangiti ko pa ding sinabi dito matapos kong huminga at magbilang nang hanggang sampu para hindi mapikon sa batang lalaki na to. "Opo nakikita ko nga maraming salamat sister." nakangiti nitong sinabi at agad agad na tumakbo palayo. "Narinig niyo ba iyon girls?" narinig kong may nagsalita sa bandang likuran at nahigit ko ang paghinga ko dahil kahit hindi ako humarap dito ay kilalang kilala ko kung kanino ang boses na iyon. "Oo nga Nadine tinawag siyang sister nang bata, biruin mo iyon napagkamalan siyang madre." ang sinabi naman ng kasama nitong si Gigi na tinawanan ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng school kailangan ng bully, mapapababae man o mapapalalaki minsan pa nga mas madaming bully sa mga private school kesa sa public school. "Hi girls." ang nakangiti kong bati sa mga ito kahit na nga ba gusto kong pagbuhol buhulin ang mga ito sa mga pag iismid nang mga ito na para namang kinaganda nila iyon. "Well kahit naman ako mapagkakamalan kong madre siya, I mean my goodness anong taon ang fashion style niya 1960's?" ang sinabi ni Nadine na parang hindi naman narinig ang pagbati ko sa mga ito. "Buti nga hindi siya tinawag na Mama Mary, oh wait ang magandang pangalan niya is Virgin Mary." ang sinabi nang isa pang extra na si Roxane. "Well how about Virgin Nerd Mary?" ang sinabi ni Nadine na agad namang sinang ayunan nang dalawa nitong kampon. "As if naman hindi kayo mga virgin?" sa loob loob ko lang iyon dahil ayoko nang humaba pa ang usapan na ito. Well actually sanay na naman ako sa mga pang aasar ng mga ito dahil noong first year pa ay magkakaklase na kami at hindi sila nagmintis na asarin ako kapag nagkikita kami. "Funny." ang sinabi ko na lamang na sibayan ko pa nang pagtawa at nakita ko na ang pagkaaburido ng mga ito dahil hindi na naman ako nagpaapekto sa mga ito. I decided na huwag na lang pansinin kung ano man ang ginawa nilang pang-aasar, actually may tawag ako sa kanila... sila ang Three Idiots. Oo tama kayo iyon nga iyong movie napaka original ng tawag ko sa kanila no? well napanood ko iyon nang palihim nang may makita akong DVD na basta na lang tinapon sa basurahan kaya napanood ko ang palabas na iyon. Kesa magmukmok ay dali dali na akong pumasok sa unang klase ko, block section kami at sa totoo lang wala akong kaclose ni isa man sa mga ito na puro itsura na lang at kung anong suot ang importante at dahil nga sa ayos ko ay para lang akong hangin sa mga ito, hindi pinapansin, invisible ika nga. Invisible Virgin Nerd Mary...oopps mabuti na lang at hindi sila nakakabasa ng isip kung hindi madadagdagan na naman ang mga pang-asar nila sa akin. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay dali dali akong umupo sa bandang likuran kung saan puwede akong makapagconcentrate nang wala akong maririnig na mga nasty comments sa mga kaklase ko. Finally after ten minutes dumating nag ang unang teacher namin at base sa schedule card na hawak ko ay Math. "Good morning, I'm your teacher for your Math Subject." pakilala nito na agad kumuha ng marker at sinulat ang pangalan sa white board. "Roberto Lim, you can call me sir Lim." ang pagpapatuloy nito. Nauwi ang introduction nito sa pagpapakilala namin isa't isat at dahil nasa dulo ako ay ako ang pinakahuling nagpakilala nang sarili ko. "Hi everyone, Sir. My Name is Mary Anne Conception but you can call me...." ang sinasabi ko ngunit agad naputol nang biglang magsalita si Nadine. "The Virgin Nerd Mary." paubo nitong sinabi na tinawanan naman ng lahat, biglang namula ang mukha ko sa sinabi nito ngunit nagpatuloy ako na parang walang nangyari kahit parang bubuyog ang naririnig ko na paulit ulit ang pangungutya ng mga classmates ko. "You can call me Mhean." tinapos ko lang ang introduction ko at dali dali akong bumalik sa pagkakaupo habang nakatingin lang ako sa bandang sapatos ko na katulad nang suot ko ay napakabaduy. Lumipas ang unang araw ng klase at dahil first day pa lang naman ay pinayagan na kaming umuwi nang maaga ng huli naming teacher pero agad nito kaming binigyan ng project na sinundan nang pagrereklamo ng lahat. Pagkalabas ng school ay dumiretso ako sa malapit na mall sa school para bilhin ang kakailanganin kong materials. Sa paglalakad ko ay hindi ko sinasadyang mapadaan sa isang store ng magagandang mga damit, para akong nahihypnotize na pumasok sa naturang store. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hinahawakan ko ang naggagandahan mga damit na nakasuot sa isang manequin. "Ang ganda." ang nakangiti kong sinabi sa sarili ko habang dinadama ng kamay ko ang iba't ibang klase ng damit sa naturang store na iyon. "Piling ko po bagay sa inyo yan Maam." nagulat na lang ako nang may biglang nagsalita sa tagiliran ko, mukhag masyado akong natulala sa mga damit at hindi ko na namalayan ang paligid ko. "Tingin ko po hindi ate." nahihiya kong sinabi dito sabay baba ng kamay ko na nakahawak pa din sa pulang damit na nakita ko. "Kung gusto niyo po, puwede niyon sukatin." ang nakangiti nitong sinabi na akmang kukuha na ng damit. "Huwag na po, maraming salamat na lang." ang sinabi ko at agad agad akong lumabas ng store at dumiretso na sa National Bookstore para bilhin na ang kakailanganin kong materials sa project ko sa Science. Hindi na din ako nagtagal dahil hindi naman ako nakapagpaalam sa bahay, pagkauwi ko ay sakto naman na dumating na din ang Daddy ko samantalang ang Mommy ko ay nasa kusina at nagluluto ng hapunan namin. Hindi naman kami mahirap at sa totoo lang kaya naming tumira sa isang mas magandang bahay kung saan madaming mga magagarang mga kasangkapan ngunit masyadong simple ang mga magulang ko at tingin nila na kapag naging maluho ka ay isang malaking kasalanan. "Mom nandito na po ako." ang tawag ko sa Mommy ko, nagmano na din ako sa Daddy ko nagsusuot na ng pambahay na tsinelas niya. "Mary mabuting nandiyan ka na, may sopresa ako sayo." ang nakangiting bungad nang Mommy ko na galing sa kusina. Mary ang tawag nila sa akin sa bahay dahil nga pinangalan nga ako kay Mama Mary. "Ano po iyon?" tanong ko sa Mommy ko na halatang excited at hindi ko tuloy maiwasang hindi maexcite sa nakikita ko sa mukha nito. "Ipikit mo muna mata mo." nakangiti nitong sinabi na agad ko naman sinunod at matapos ang twenty seconds ay pinabukas na din nito ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang hawak hawak na kulay green na long sleeve na blouse nito na may mga raffles pa at halatang hindi pinag isipan maigi ang design. "Natulala ka na diyan, ano nagustuhan mo ba?' nakangiti nitong sinabi sa akin. Parang ngiwi ang naging pagngiti ko at mabuti na lang hindi iyon napansin nang Mommy ko. "Uhmm nabigla lang po ako.. uhm wow ang ganda." ang sinabi ko dito at nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito na agad akon niyakap. Sa totoo lang ang pangit na binili nito at pinangako kong hinding hindi ko susuotin ang damit na iyon. "NEVER!" ang paghihimaksik na sinasabi ko sa loob ko. Kumain na kami ng hapunan at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa kuwarto ko para simulan ang project ko. Sa loob ng kuwarto ko ay ako ang boss, hindi sila pumapasok sa kuwarto ko para daw ipakita nila sa akin na hinahayaan ako ng ito na maging independent. Medyo late na akong nakatulog dahil sa tinapos ko at payapa naman akong nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.3K
bc

CLOSER

read
141.6K
bc

His Property

read
947.0K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

He's Cold Hearted

read
160.8K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
550.2K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook