Angela I: Troubled

2651 Words
Gamit ang kanang palad ay panay ang paypay ni Angela sa sarili dahil sa alinsangang nararamdaman. Tila nais niyang pahintuin sa pagmamaneho ang kasamang sundalo at sabihing ibalik nalang siya sa Maid Cafe kung saan siya sinundo nito may kung isang oras na ang nakalilipas. She looked up and tried to glare at the glowing sun behind her limited edition Dolce and Gabbana sunglass. Na tila sa pamamagitan nun ay maipararating na kung nais nitong magtago sa maiitim na ulap na unti-unting tumatakip sa kalangitan ay gawin na nito kaysa ganoong nakasungaw lang. Dumagdag pa sa pagkairita ng dalaga ang puro traffic na nadadaanan. She sighed at the feeling of inconvenience.  Tumanaw siya labas ng bintana. Hindi parin mapigilan ni Angela ang mapaisip kung bakit biglang nagbago ang isip ng kuyang si Aaron at pinayagan siyang magtungo sa Quezon. Pagkatapos siyang tawagan at i-remind ng kaibigang si Gail one week before their supposed trip ay sinubukan niyang magpaalam sa panganay na kapatid, pero tumangi ito. Well, not totally tangi pero sinigurado nitong wala siyang choice. Nungka ba naman sabihin nitong papayag lamang kapag nagsama siya ng dalawang bodyguard! Abay nagpaka-tangi tangi talaga siya. Masyadong overprotective ang pamilya niya dahil sa insidenteng nangyari eleven years ago. Napakatagal ng pangyayari iyun at halos hindi na nga niya maalala. Ngunit tila hindi pa nakaka-move on ang sambahayang Martinez. Well, may isang parte ng naturang insidente ang siya man ay hindi kailanman makakalimot. Ang siyang pinaka-dahilan kung bakit talaga siya magtutungo ng Quezon. Muling napabuntong-hininga ang dalaga at umayos sa pagkakaupo. Looks like her four brothers up to something again. Kung hindi pa niya alam na halos kaladkarin siya ni Aaron kanina papuntang Maid Café mailayo lang sa siyudad pansamantala. Maybe she had gone too far this time? But having Joaquin right now in her life, kahit papano'y naka-cope up siya sa mga pangyayari lately. Joaquin is the main vocalist sa bar kung saan nangyari ang gulong kinasangkutan niya nitong nakaraan lang. A man without direction ayun sa mga kapatid na labis niyang kinontra. Tinawag pa niyang judgemental ang mga ito nang minsang komprontahin siya sa pagsama sa racing session ng binata. Sandaling pumasok sa isip ang eksena nang datnan siya ni Aaron at Anthony sa presinto kasama ng ibang anak mayamang tulad niya na marahil ay sakit din ng ulo ng mga magulang. “It’s not about being judgemental, Angela. We are only worried about you.”si Anthony na hindi napigilang pasadahan ang itsura ng kapatid. Naka-super tight fitting jeans at tube na crop top. Well, she didn’t look bad knowing that she’s a model. Pero ang makita ito sa ganoong lugar sa ganoong kasuotan ay labis na nagpapasakit sa ulo ng binata. Good thing she decided to call Aaron. Kapag nakita ito ni Aurora sa ganoong lugar ay baka himatayin ito. “Until when will you worry about the things I do?” “Hanggang sa magtino ka.” Si Aaron ang sumagot. Hindi maipinta ang mukha nito. “Hindi ka dating ganito, Angela. Anong problema mo and you are acting like this.” Because of you guys, gusto niyang sabihin. Buo ang paniniwala niyang ang mga kapatid ang dahilan ng biglang paglayo ni Dennis. She gritted her teeth in anger but she decided not to speak up. Hindi niya gustong magka-sagutan silang magkapatid. Lalo na ni Aaron. Alam niyang galit ito sa ngayon, at kapag galit ito ay galit talaga ito. Hindi kasi dapat siya kasali sa mga nahuli, pero dahil sa sobrang panic nang dumating ang mga pulis at sa naramdamang pagkahilo sa kaunting nainom ay naiwan siya ng sasakyan. Mabuti na nga lang at nakaalis si Joaquin. Ayaw niyang magpang-abot ito at ang dalawang kuya niya. “I am telling you Angela, stop hanging around with him…” “Or else what?”matalim ang matang sinalubong niya ang mata ni Aaron. Naningkit ang mata nito. Hinawakan ito ni Anthony sa braso upang awatin. “She’s drunk.” “We’ll talk at home. We will keep this thing between the three of us. I don’t know what is happening to you Angela, but do not worry our parents, especially our mother.” Aaron reminded. She looked away, that, she also doesn’t want to happen. Unang beses niya lang naman ito sumama at hindi niya inaasahang aabot sa ganito ang mga pinaggagagawa niya. Pagkatapos siyang kuhanan ng drug test ay pinauwi na rin siya ng mga pulis. Si Anthony na ang bahalang mag-follow up ng result. After that incident ay nakatanggap siya ng sermon kay Andrew at Arthur dahil hindi siya nais kausapin ni Aaron. Medyo matampuhin kasi ang kuya niyang iyun. And before she knew what happened, pupunta na nga siya ng Tagong-bato sa labis niyang pagka-gulat. Aaron managed to settle everything. He even talked to her friend Gail. He must be very persistent on exiling her dahil nagawa nitong kitain ang dalaga. And he made sure that she doesn't have an option but to do so.  Pinahid niya ang tigbing pawis sa noo at sinulyapan ang lalaking nagmamaneho. Wala itong reaksyon habang naka-pokus sa harap ang mga mata, na tila anytime ay may inaasahan itong tatambang sa kanya at tatangayin siya. Oh well, papunta nga naman sila ng Quezon. And that's a province not a city. At kung saan mang lupalop man naroon ang Tagong-bato na ito. It's so hot she wanted to complain pero pinigil niya ang sarili. Kung bakit kasi hindi airconditioned ang sasakyang ipinang-sundo sa kanya. Maliban sa ilang bako-bakong nadaan nila kanina'y aspaldo naman ang kalsadang tinatahak.  Sa halip ay isang lumang ford ranger truck na kinakalawang pa ang ilang parte ang kinalululanan. Nakabukas pa ang bintana kaya tumatama sa mukha niya ang mainit na hampas ng hangin dala ng tirik na tirik ang araw.  Right   ! This is the best day of my life!!! Paniguradong sun-burn ang abot niya nito. Ramdam na niya ang paghapdi ng mukha dahil sanay siyang nasa loob lang ng aircon ng hotel na pagmamay-ari nila. Oh! she will have a break with all those paperworks and inventories. And controversies she added. Lihim siyang napaungol. Bukod kasi sa pagiging modelo, siya ang katuwang ng magulang sa chain of hotel business nila kapag wala siyang mga fashion shows at pictorial. Her parents, Aurora and Augusto Martinez, can't be considered super duper-rich. Mas mayaman pa ang magulang ni Gail dahil sa galing sa negosyo ng ama ng kaibigang si Lorenzo Sebastiano. It's just that the entire family preferred to have a low-profile. Ang sa kanila lang ay connections and fame dahil sa inang si Aurora na dating beauty queen at kabilang sa alta-sociedad bago pa mapangasawa ang amang galing sa angkan ng mga hotelier. Na sa tingin niyang siyang dahilan ng lalong pag-asenso ng magulang. Dumagdag pang puro successful ang apat na nakatatandang kapatid on their chosen profession. Her four older brothers na paboritong topics sa mga society pages dahil sa pagiging bachelors ng mga ito. Siya nga lang ata ang maituturing na failure ng pamilya. Totoong at twenty, she became one of the famous faces in modelling industry. Salamat sa kuya Aaron niya na ilang beses siyang kinuhang modelo para sa mga ads ng kompanya nito, na kung itinuloy-tuloy lang sana niya ay baka mas malayo ang narating sa larangang iyun. And then scandal's followed through. Kung sino-sinong anak ng mga kilalang tao ang nalilink sa kanya kahit walang katotohanan. Her reputation of dumping mens kahit wala naman siyang relasyon sa mga ito dahil lang sa pagiging approachable niya. She is a self-proclaim spoiled brat, pero never a snob. Well, aminado siyang lately ay medyo may problema siya sa aspetong iyun. She dated some, ang ila'y medyo lumalim ng kaunti pero sa bangdang huli'y siya din ang umaayaw. Pakiramdam niya'y pare-pareho lang ang mga ito. Ang tanging nakikita lang sa kanya'y ang pangalang dala niya. Angela Yuri del Castillo Martinez, the sole heiress of Martinez hotels and restaurants , and a model. That's it. Kung hindi man artista'y mga anak ng mga kilalang taong kabilang sa sirkulong ginagalawan. And of course, people would believe the false rumor. Some tried to tame her but never succeeded. Ang ilan nama'y tila lalong pina-pamper ang pagiging spoiled niya. Ang ending nagiging tila nagwawala siya sa paningin ng iba sa papalit-palit ng lalaking dini-date. Good thing her family believed whatever she says. Opinyon lang naman ng mga ito ang mahalaga sa kanya. Kebir sa sinasabi ng ibang tao. But everything changed after Dennis’ incident. Upang libangin ang sarili'y inilabas niya ang latest Canon EOS 5DS at nag-umpisang manguha ng mga tanawing nadadaanan nila. Nang magsawa'y pinagtuunan ng pansin ang cellphone. Naghihintay siya ng mensahe mula kay Joaquin. She left him a message before they left Maid Café. Para magpalipas ng oras, naroong maglaro siya, makinig ng music, maidlip at kung ano-ano pa.  "Are we there yet?" naiinip na tanong niya sa minsang pagdilat ng mata. "We'll be there in no time Ms. Martinez." Tipid na sagot ni Lt. Amigable na ikina-impressed ni Angela. In fairness naman kasi, hindi ito jologs mag-english. Pinasadahan niya ang kabuuan nito sa kawalan ng magagawa. Makinis ang morenong mga palad nitong nakahawak sa manibela. May hitsura din ito kahit papano sa kabila ng may kalahating pulgadang pilat ito sa kanang bahagi ng kilay nito. Hindi siya kailanman naging fan ng mga tipo ng binata pero nakuha nito ang atensyon niya. Kung marahil kinakausap siya' baka mapagtyagaan niya ito. Pagkatapos nitong magpakilala sa kanya nang sunduin siya at igiya sa sasakyang paglululan nila'y hindi na ito nagsalita pa. Sayang, malakas sana ang dating ng lalaking-lalaking aura nito idagdag pa ang unipormeng suot. Pero dahil sa malamig na tugong nakuha niya sa binata'y mas pinili nalang niyang manahimik. Isinuot ang sunglasses at humanap ng komportableng pwesto. Hindi niya  na namalayan ang pagbagsak ng talukap ng mata at napaidlip.     Nag-mulat ng mga mata si Angela nang maramdaman ang paghinto ng sinasakyan. Kasalukuyang palabas si Lt. Amigable nang mapansin ang pagkakagising niya. "W-What happened?" Nagusot niya ang mata at  tinanggal ang suot na salamin. Kagyat niyang inikot ang paningin sa paligid. And she was amazed by how for an instant they were like in totally different place. Puro puno ang paligid at wala na ang alinsangang nararamdaman kanina. Nasa Quezon naba sila ng binata? Sa unahan ay walang hanggang daan at puro puno ang paligid. She would appreciate the scent of fresh air kung hindi lang siya naunahan ng pagtataka. Tumaas ang isang kamay nito with sign of 'be still'. "May titignan lang ako. Dito ka lang Ms. Martinez." Nasundan niya ito ng tingin at tuluyang lumabas ng sasakyan. Dahan-dahang naglakad papunta sa unahan, ang isang kamay na may hawak na tila radio ay nakatapat sa bibig nito. Nagsalubong ang kilay ni Angela nang mapansin ang ilang piraso ng namumutok sa hindi niya malaman kung anong laman na sako sa bandang unahan. Parang nagmadali ang may-ari niyon at basta nalang iniwan sa gitna ng daan ang dala. Mula sa kinaroroonan ay natanaw niyang maingat na sinuri ni Lt. Amigable ang mga iyun. Biglang sinagilan ng takot ang dalaga, what if patibong ang mga iyun? Tapus mula kung saan ay magsisilabasan ang mga goons at kunin siya. Mag-isa lang ni Lt. Amigable hindi nito kakayanin kung sakaling palibutan ito ng mga masasamag tao. Saka siya kukunin at gagawing kidnap for ransom.... Pilit iwinaksi ni Angela ang mga kaisipang iyun. Boredome plus her wild imagination, result hallucination. Marahan siyang bumaba ng sasakyan at tangkang lalapitan si Lt. Amigable ngunit inagaw ng tunog ng cellphone ang atensyon niya. Si Clare ang tumatawag, ang banquet coordinator sa Martinez hotel at malapit ring kaibigan sa kanya.  Galak niyang sinagot iyun ngunit putol-putol ang sinasabi nito. “I don’t understand, Hello, Claire?’  hanggang sa tuluyang maputol ang linya. She redial ngunit walang signal.  Angela cursed in silence. Itinaas niya ang cellphone upang makasagap ng signal ngunit tila nasa patay na lugar siya. Napilitan siyang maglakad upang magbaka-sakali. She needs to talk to her at baka maari nitong kontakin si Joaquin para sa kanya. She'd been trying to call him since yesterday upang ipaalam sana rito na tuloy  na nga siya sa Quezon at kung maari nitong ipadala ang address ni Dennis. Kasalukuyn siyang nagda-dial nang biglang makarinig ng kaluskos mula sa kabilang direksyon ng pinanggalingan. Huminto siya at nakiramdam. Saka lang napansin na medyo napalayo siya sa kinaroroonan ng sasakyan. Maging si Lt. Amigable'y tila hindi napansin ang paglayo niya. Muli siyang nakiramdam. Sigurado siyang narinig niya ang tila tunog ng nabaling sanga mula sa loob ng kasukalan. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay siyang paglingon niya sa isang panig ng talahiban. And it came all of the sudden. Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot ang mundo. Sandaling huminto sa pagsayaw ang mga dahon sa mabining ihip ng hangin nang lumitaw mula sa malalagong talahib ang isang matangkad na lalaki. Tanging ang naramdaman ni Angela ay ang hindi matatawarang pag-dagundong ng sariling dibdib. She was dumbfounded. The man in front of her mirrored her own reaction. Kung hindi niya lang nakikitang lalaki ito'y maipagkakamali niyang sarili ang nakikita dahil sa reaksyon ng gwapong mukha nito. Ang tanging kaibahan lang marahil ay ang dahilan ng pagtaas-baba ng dibdib nito. Halatang galing sa pagtakbo ang lalaki, samantalang ang sa kanya'y dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Did she put herself in danger? Pero nire-reject ng isip na kayang gumawa ng masama ang ganoong klase ng mukha. Not because he's handsome!!! There was something that is more durable than his classic good looks. Hindi ito yung tipo na masasabi mong artistahin ang dating. Maybe in his early thirties. A strong nose and a droll, downward tilt to the eyebrows collude with an upward twitch to the lips to produce a highly adaptable blend of melancholy and mischief.' Whatever the angle, whatever the expression, his face is an endless source of mystery and intrigue, as well as wonder and delight. He was dark and is definitely attractive sa kabila ng kasuotan nito. More attractive than Lt. Amigable himself. Nagtangka itong lumapit sa kanya. "S-Stop please!!!" paos na sabi na tila hindi pa sapat ang natural ng malamyos na boses. Awtomatikong tumaas ang dalawang kamay niya. Her face showing terror. Tila may kakaibang emosyong nagdaan sa mga mata ng kaharap. Sandali lang iyun na ipinagkamali niyang malik-mata lang. Nakita niya kung paanong nag-shift mula sa labis na pagka-gulat hanggang sa maging blanko ang ekspresyon ng mukha nito kasabay ng pagsasalubong ng kilay. Nag-alis ito ng bara sa lalamunan bago magsalita. "Ano ang ginagawa ng isang sibilyang tulad mo dito." Sandaling hindi nakatugon ang dalaga. Is he a soldier? Na-recognize niya ang pang-ibaba nito. Tulad ng suot ni Lt. Amigable. Pero plain caumoflague shirt lang ang pang-itaas nito. Are they on the same team? Bahagyang nabawasan ang kabang nararamdaman sa kaisipang iyun. Pero nanatiling hindi makaapuhap ng salitang maaring isagot. "Inuulit ko anong ginagawa mo sa lugar na ito?" bakas ang awtoridad sa tinig nito, his eyes surveying her entire face na tila natatakot na baka sa isang iglap ay maglaho siya sa paningin nito. "I---!!!"Bumuka ang bibig pero hindi magawang lumabas ng salita sa mga labi. "Ms. Martinez...." Hindi natapos ni Lt. Amigable ang sasabihin na bigla nalang lumitaw kung saan ng mapadako ang mata sa kaharap. Sandaling nagpalitan ng makahulugan tingin ang mga ito. "You know each other?" Naguguluhang pinaglipat-lipat ang mata sa dalawang lalaki. "Halika na Miss Martinez. Kapabayaang hinayaan kitang manatili rito."sa halip ay sagot ni Lt. Amigable. "Pero..." naguguluhan siya sa nangyayari? May gulo bang nangyayari o gyera? Bat parang lulusob sa laban ang itsura ng mga ito. Nalilito man ay ipinagpasalamat ng dalaga na hindi masamang tao ang nakaharap. Iginiya siya pabalik ni Lt. Amigable papuntang sasakyan. Hindi niya maintindihan ang tila urgency sa tinig ng lalaki. "Humihingi ako ng paumanhin sa inconvenience na naranasan mo. Sa pagmamadali ko'y nakaligtaan kong mahalagang bisita pala ang kasama ko." Imbes na sagutin ay mas pinili nalang ng dalaga ang manahimik at tapunan ng huling sulyap ang kinaroonan ng estrangherong lalaki. And her heart almost jumped out of her chest nang makitang hindi inalis ng lalaki ang mata sa kanya.    It was raining when they reached their destination to Angela's horror. Kanina'y ninamnam niya ang sariwang hangin nang tuluyang takpan ng maitim na ulap ang araw. Pero papasok palang sila sa ikalawang baryo mula sa base ng mag-umpisang pumatak ang ulan. At tuluyan iyung bumuhos ng makapasok sila sa entrada. She could have appreciated the place kung hindi siya biglang nairita sa biglang pagbabago ng panahon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD