Chapter 1

3026 Words
"Good morning anak." masiglang bati ng kanyang Mommy ng maka baba na siya sa hagdan. Isang matamis na ngiti ang sinukli niya dito. "Tara na, at sabay-sabay na tayong mag almusal." paalala ng kanyang Mama at nauna na itong mag lakad papunta sa Dining area nila. Hinigpitan niya ang pag kakahawak ng straps ng sling bag niya at tahimik siyang nag lakad para sundan ito. "Good morning Mam Madisson." naka ngiting pag bati sakanya ng kasambahay nila ng makasalubong niya ito. Isang matamis na ngiti lamang ang sinukli n'ya dito at dire-diretso na siyang mag lakad. Nang maka punta na sa dining area, doon siya naka ramdam ng matinding pag kagutom ng makita at malanghap niya ang mabanggo at masarap na almusal na niluto ng kanyang Mama. Naka ayos na sa lamesa ang baso, kutsara, tinidor. Doon niya napansin ang sinanggag, pritong itlog, hotdog, bacon at tinimplang juice na hinanda ng kanyang Mama. Umupo na siya sa bakanteng upuan at nakita niya na perinteng naka upo ang Kuya Elfin niya at abala ito sa pag babasa ng dyaryo. "Si Papa po asan?" Hindi niya maiwasan na maitanong 'yon sa kanyang Mama. Dire-diretsong umupo ang kanyang Mama sa bakanteng upuan na katabi lamang ng kanyang Kuya. "Maaga siyang umalis, dahil maraming hahabulin na trabaho sa kompanya." aniya nitong muli at tumanggo na lamang siya sa sinabi nito. Hindi na bago para sakanya na hindi maka sama at maka salo ang kanyang Papa sa hapag-kainan o mga importanteng okasyon sa kanilang pamilya, dahil parati itong wala dahil inaasikaso nito ang kanyang trabaho. Ang kanyang Papa ay nag mamay-ari ng isang malaki at sikat na kompanya dito sa Pilipinas gumagawa sila ng mga iba't-ibang uri ng mga furniture at 'yong iba ini-export nila sa iba't ibang bansa. Hindi niya maikakaila na may kaya sila sa buhay dahil narin sa napaka laking negosyo na pinapatakbo ng kanyang magulang. Ang kanyang Mama naman ay mahilig gumagawa ng mga paintings at karaniwang ini-export at bine-benta niya ang mga ito. Rinig niya na kwento nito, na mag papatayo ang kanyang Mama ng exhibit para doon ibenta at i-display ang kanyang mga gawa. Kilala ang kanyang mga magulang ng mga sikat at mayayamang angkan sa kanilang lugar dahil narin sa madiskarte at magagaling ito pag dating sa negosyo. Dalawa lamang silang mag kakapatid at panganay ang kanyang Kuya Efrin. He's 26 years old at tini-training na ito ng kanyang Papa na mag trabaho din sa kanilang kompanya. "What are you waiting for Maddie? Hindi kapa ba kikilos at kakain ng almusal mo?" Nabalik siya sa realidad ng marinig nya ang britono at malagong na boses ng kanyang Kuya Efrin. Kinagat niya na lamang ang kanyang ibabang labi at tinignan ang kanyang Kuya na ngayon naka titig na ito sakanya at wala siyang mabasang expression sa kanyang mga mata. Hindi palaimik ang kanyang Kuya pero masasabing strict ito lalong-lalo na sakanya. Pero kahit ganun, ramdam niyang mahal siya nito kahit na paminsan nag aaway sila. "Bilisan mo na kumain, at ihahatid kita sa school niyo bago ako pumasok sa kompanya." malamig na turan nito at tumango na lamang siya. Doon niya napansin na siya na lang ang hindi kumakain. Pilit na lamang ngumiti dito at simulan niya ng kumain dahil ayaw niyang pagalitan na naman siya. Nang matapos na silang kumain at mag asikaso, hinatid na siya ng kanyang Kuya sa kanilang University. Naka upo siya sa katabi ng driver seat at halos maubusan ako ng laway sa kanyang lalamunan dahil walang imik na nag mamaneho ang kanyang Kuya. Nilibang niya na lamang ang kanyang sarili sa pamamasid sa labas ng bintana. "Just tell me, what just happened?" Bigla siyang nanigas ng marinig ang malagong at seryoso nitong tinig sa kanyang tabi. Kahit hindi siya mag salita, alam niyang siya ang kausap nito dahil wala naman na ibang tao sa loob ng sasakyan kundi sila lamang ng kanyang Kuya. "P-Po?" Napa kurap n'yang sambit at wala siyang katiting na idea kong ano ang ibig nitong sabihin. "Nung nangyari no'ng isang araw. Nakita kitang umiiyak, habang nag lalakad ka, papunta sa iyong silid." aniya nito at para bang bigla syang nanigas ng marinig nya ang sinabi ng kanyang kapatid. Sandali? Nakita sya nitong umiiyak? Papaano? Tanda niya kasi ng araw na may nangyari sakanila ni Sir William at pinag tabuyan siya nito. Doon ko binuhos lahat ng iyak at sakit sa kanyang dibdib. Walang humpay siyang umiyak hangga't naka uwi na sa kanilang bahay. Akala n'ya walang makakita sakanya ng gabing iyon pero mali pala siya ng akala, dahil nakita siya ng kanyang Kuya Efrin. Paano niya maipapaliwanag sa kanyang Kuya ang mga nangyari? Hindi n'ya naman pwedeng sabihin na umiyak ako dahil pinag tabuyan siya ng kanyang Teacher nang matapos may mangyari sakanila. Ayaw n'yang bigyan pa ng problema at sakit ng ulo ang kanyang mga magulang kaya, ang gusto niya ibaon na lamang sa limot kong ano man ang nangyari sakanila ng binata. "It's everything alright Maddie?" Pang uusisa nito at sa puntong ito naka titig na sakanya ang kanyang kapatid. Kinagat niya na lamang ang kanyang ibabang labi at kabado akong tunitig sakaniya. "O-Oo okay lang Kuya. Naiyak lang ako sa movie na pinanuod namin ni Julie sa sinehan." Umaasa siyang paniniwalaan ng kanyang kapatid ang kasinunggalingan sa kanyang mga sinabi. Sobrang bilis na ng kabog ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon na tila ba hindi sya mapakali sa kanyang kinauupuan. Nag hintay pa siya ng ilang segundo, pero hindi na muli pa nag salita pa ang kanyang kapatid. Nag papasalamat siya dahil hindi na ito, nag tanong pang muli sakanya. "Maddie, okay ka lang ba?" Napa itlag siya ng marinig nya ang boses ng kanyang kaibigan na si Julie. Tumingin siya sa kanyang kaibigan na ganun na lamang ang pag aalala na gumuhit sa mga mata nito. "O-oo. Okay lang ako," pilit nyang ngumiti kahit sa loob nahihirapan na siya. Nag pakawala lamang ako ng isang malalim na buntong-hiningga at tinignan niya ang bawat estudyante ang narooron sa canteen. Naka upo sila ng kaibigan n'yang si Julie sa isang two seater na upuan na medyo malayo sa entrance. Pansin n'ya din na maraming estudyante ang naroroon, at 'yong iba naman kumakain at nag ku-kwentuhan sa tabi. "Talaga? Sure kabang okay ka lang ba?" Pag uusisa muli nito na, hindi ito naniniwala sa sinasabi niya. "Napapansin ko kasi, na kahapon kapang tulala at wala sa sarili na tila ba napaka lalim ng iyong iniisip." aniya nitong muli at doon na siya natahimik sa sinabi nito. Napakagat na lamang siya sa kanyang ibabang labi dahil sa sinabi nito. Dalawang araw na kasi simula no'ng mangyari sakanila ng kanyang Professor na si Sir William at sa tuwing naalala niya ang bawat sandali na nangyari sakanila, at kong pano siya nito pinag tatabuyan ng paulit-ulit. Doon bumabalik ang sakit at kirot sa kanyang dibdib. Dalawang araw na siyang umiiyak at iniisip ang mga nangyayari, na tila ba hanggang ngayon nandoon padin ang sakit na kahit binabaon niya na 'yon sa limot. Hindi ko inaasahan na pag tatabuyan siya ng binata ng ganun-ganun na lang na tila ba isang basura na matapos gamitin, itatapon na lang ng walang halaga. Masakit at mahirap para sakanya na tanggapin ang bagay na 'yon pero pilit niya na kinakalimutan at mag simula ulit na wala ito sa buhay nya. Gusto niya ng kalimutan ang nararamdaman niya para dito dahil alam ko sa huli, ako din ang mahihirapan at masasaktan. Bakit ganun? Nag mahal lang naman ako, bakit nasasaktan ako ng ganito? Ano bang nagawa kong pag kakamali para ganituhin nya ako? Ramdam n'ya ang pag iinit ng sulok ng kanyang mga mata at nag babadyang mga luha. Bago paman tumulo ang luha sa kanyang mga mata umiwas na siya ng tingin sa kanyang kaibigan na si Julie, dahil natatakot siyang malaman nito ang katotohanan. Ang katotohanan na may nangyari sakanila ng kanilang Professor. Natatakot siyang pagalitan at husgahan syia nito dahil hindi sya nakinig sa payo nito sakanya. Napaka tanga niya dahil nag pabulag siya sa nararamdaman niya para dito. "Okay lang talaga ako Julie, antok lang siguro ako." aniya niya dito at nagulat na lamang siya ng hawakan ni Julie ang kanyang braso. Simula ng mangyari sakanila ng kanyang Professor na si Sir William. Ilang beses niya na ito iniiwasan na kahit narin pumasok at mag-attend sa subject nito. Nagawa niya ng lumiban dahil hindi ko alam 'kong paano niya ito haharapin matapos ng mangyari sakanila. Hindi niya makakaya na maka harap at maka usap itong muli dahil bumabalik ang masasamang ala-ala na nangyari sakanila. "Sure ka lang ba talaga?" tumango na lamang siya dito. "Sandali lang Julie, punta lamang ako sa restroom." paalam niya dito. "Gusto mo bang samahan na kita?" Tumayo na ito at tangka sana itong sasamahan siya pero mabilis naman siyang umiling dito. "Wag na, tyaka mabilis lang naman ako." tumayo na siya at sinabit niya na sa kanyang balikat ang sling bag. Nakita ko sa mukha ng kanyang kaibigan na tila ba gusto siya nitong samahan. "Bilisan mo at sampung minuto na lamang at mag sisimula na ang klase natin." paalala nitong muli at tumanggo na lamang siya sa kanyang kaibigan. "Oo sige," nauna na siyang mag lakad palabas ng Canteen. Tahimik niyang binabaybay ang Corridoor at marami siyang mga estudyante na nakakasalubong. Hinigpitan niya na lamang ang straps ng bag at napatigil ako ng maramadaman ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa. Patuloy siyang nag lalakad habang kinukuha ang kanyang cellphonem Napa tigil ang inog ng kanyang mundo ng makita niya ang unregistered number ang nag text sakanya. Sino 'to? Buong pag tataka siyang napa titig sa cellphone. Walang pang aalinlangan na binuksan niya ang mensahe at kulang na lang atakehin ako sa puso ng makita at mabasa ko ang mensahe na iyon. "Where the hell are you?" It's me William. "Just answer my calls and text. Are you ignoring me now Maddie?" Kulang na lang mabitawan ko ang cellphone na hawak, dahil sa nerbyos at kaba na kanyang nararamdaman. Pakiramdam ko bigla nanlambot ang kanyang mga tuhod na kulang na lang matumba na siya dahil sa kaba at napaka bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Paano? Paano nya nalaman ang number ko? Tumingin sya sa kaliwa't- kanan niya para kompirmahin at tignan kong nandyan si Sir William sa paligid. Natatakot siyang harapin ito lalong-lalo na sa ganitong kalagayan. Doon nuya nakompira na mayron ng sampung missed call sakanya si Sir William at mga ilang mga text mula dito. Sasagutin ko ba siya? Rereplyan ko ba siya? Nilunok niya ang naka barang laway sa kanyang lalamunan at pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Isa pading katanungan sa kanyang isip kong paano nito nakuha ang numero niya. Wala naman siyang natatandaan na binigyan niya ito ng number. Apat lang na tao ang nakaka alam ng number niya, kundi ang kanyang Mommy, Daddy, ang Kuya Elfin at si Julie. Nanginig niyang sinilid ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa dahil hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin sa mga oras na iyon. Hindi niya alam sa kanyang sarili kong bakit ganun na lamang ang saya at sakit sa kanyang dibdib ng magtext ang binata sakanya. Nag aalala ba siya saakin? Narealize n'ya ba na mali ang ginawa saakin? Narealize niya ba na mahal nya6 narin ako? Umaasa ako na mahal niya rin ako ng binata, kaya siguro naalala niya akong i-text, pero ayaw ko ng umasa pa ulit dahil alam ko sa kanyang sarili na kahit kaylan hindi ako magiging priority at mamahalin. Nag simula na naman na uminit ang sulok ng kanyang mga mata at naisip ko na naman ang mga sandali at masasakit na salita na binitawan nito sakanya ng huli silang magkita noon. Tama na. Pagod na siyang umasa, masaktan at umiyak ng dahil lamang sakanya. Tuminggala na lamang siya para pigilan na tumulo ang luha na nag babadyang tumulo sa kanyang mga mata. Nag mamadali siyang nag lakad papunta sa restroom at sa sobrang pag mamadali nya, hindi ko napansin na may nakabangga na pala siya. "A-Aray" rinig niyang daing kong sino man ang naka bunggo niya. "P-Pasensya na. Hindi ko sinasadya." paumanhin nyia at nag vowed siya sa harapan nito para huminggi ng dispensa. Tinignan ko, kong sino ang naka bunggo ko at nakita niya ang magandang babae sa kanyang harapan. Maganda 'yong babae at tantya ko magkasing-gulang lamang sila. Medyo matangkad ito sakanya at mahinhin siyang kumilos at gumalaw. Maputi at makinis ang kanyang balat. Mahaba at maganda ang kanyang buhok na hanggang baywang lamang. Bilugan ang kanyang mga mata, makapal na pilik-mata at kilay. Hugis puso at mamula-mulang mga labi. Napaka ganda at kulay kayumanggi ang kanyang mata. Napaka amo at napaka ganda nya na tila ba isa siyang anghel na nahulog sa langit. "Okay ka lang ba Miss? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya dito pero mistula lamang naka titig ito sakanya na tila ba nagulat itong makita ako. Hindi ko mabasa ang expresyon sa kanyang mga mata, pero ito lang ang masisiguro niya na tila ba may galit sa mga mata nito habang naka titig saakin. Bakit ganun siya makatitig saakin? Ilang segundo n'ya tinitigan ang maano at napaka ganda nitong mukha, at ito lamang ang kauna-unahang pag kakataon na makita niya ito sa kanilang Campus. Hindi siya familiar sa mukha nito pero napansin niyang naka suot ito ng Uniporme na hudya't nag aaral din ito sa Standford. "Pasensya kana talaga," tangka n'ya sana itong hahawakan pero nagulat na lamang siya ng bigla itong umiwas sakanya na tila ba diring-diri ito sa 'akin. Puno ng galit at lungkot sa kanyang mga mata, labis pa akong nag tataka sa inaakto at kinikilos nito. "Okay lang ako!" matabang na lintarya nito at mag sasalita pa sana siya, pero nag mamadali na itong mag lakad paalis na para bang wala itong pakialam sa mga taong naka paligid sakanya. Wala siyang nagawa kundi sundan na lamang ito ng tingin paalis. MADDIE'S POV "Class dismissed!" Anunsyo ng Professor nila at nauna na itong mag lakad palabas sa kanilang silid. Isa-isa na ding nag sitayuhan ang iba niya pang mga kaklase na hudya't tapos na ang kanilang klase sa araw na ito. Tinignan niya ang wristwatch at doon niya napansin na pasado alas singko na pala ng hapon. Isa-isa niya ng sinilid sa kanyang bag ang mga libro, notebook na kanyang ginamit kanina at pansin niya na nag labasan na sa silid ang iba niya pang mga kaklase. "Maddie!" Napa tigil ako ng marinig ang malakas at matinis na boses sa kanyang likuran. Dahan-dahan n'ya itong hinarap at nakita niya ang dalawa niyang kaklase na si Harper at Mariane na naka tayo sa harapan niya. "Bakit?" Maang nyang tanong dito. "Bakit hindi ka pumasok sa Calculus kanina?" Nag aalalang tanong ni Harper, ang mabait at hindi palaimik sa kanilang klase. Malapit niya din itong kaibigan. "Oo nga Maddie, pang tatlong absences kana sa subject natin." sabad naman ni Mariane ang mabait at isa ding matalino sa kanilang klase. Lihim niya na lang kinagat ang kanyang ibabang labi at hindi ko alam kong pano sisimulan na ipaliwang dito kong bakit ba siya lumiban na naman sa subject nila sa Calculus. Gustuhin niya sana na pumasok pero hanggang ngayon iniiwasan niya padin na makita o mag kausap man lamang sila ng Professor niyang si Sir William, natatakot siyang harapin ito matapos ang mga nangyari sakanila ng araw na yon. Hangga't sa makakaya ko, iiwasan niya ang binata pero hindi ko alam kong makakaya ko pa ba itong iwasan lalong-lalo na kailangan niya din maipasa ang subject para dito. Naguguluhan alo sa mga nangyari at pati narin si Julie pinipilit siyang pumasok kanina. Buti naman naka isip siya kaagad ng magandang paraan para hindi na siya kulutin nito dahil nag sinunggaling ako na masakit ang tyan niya, na kahit wala naman katotohanan ang lahat ng 'yon. "Ah 'yon ba? S-sumakit kasi ang tyan ko kanina kaya't hindi ako nakapasok." pag dadahilan niya dito at peke na lamang akong ngumiti sa dalawa. "Ganun ba? Marami kanang na missed na mga lectures and quizzes," dagdag pa ni Harper at inayos niya ang mahaba at maitim n'yang buhok. "Kailangan mo ng pumasok sa next meeting, dahil hinahanap kana ni Sir William." aniya nito na sanhi kumabog ng sobrang bilis ang kanyang dibdib sa huling salita na binitawan nito. Hinahanap siya nito? Bakit? "A-Ako? Hinahanap niya? B-Bakit?" Nauutal niyang sambit na para bang nabalot ng takot at nerbyos ang kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. "Ewan ko," nag kibit-balikat nitong turan. Hindi padin humuhupa ang kaba sa kanyang dibdib. "Siya nga pala, maiwan kana namin Maddie, dahil may dadaanan pa kami. Bye!" Aniya ni Mariane at nauna na silang mag lakad paalis. Nanatili padin siyang tulala habang naka titig sa kawalan, isa pading palaisipan sakanya kong bakit ako hinahanap ni Sir William. Bakit niya ako hinahanap? Kailangan niya talaga maka gawa ng paraan para maka iwas na ng tuluyan sa binata. Bahala na nga. Nag pakawala ako ng malalim na buntong-hiningga at pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili, bago napag desisyonan na lumabas sa naturang silid. Tahimik akong nag lalakad sa may corridor at iilan na lang ang mga estudyante ang mga naroon. Tahimik niyang binabaybay ang daan at medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Bago paman siya maka lampas, napa daing na lamang ako sa sakit ng may marahas na humawak sakanyang pulsuhan. Napaka bilis ng pang yayari at hinila ako nito ng marahas at walang pag iingat. Tumama ang kanyang likod sa matigas at malamig na pader, at doon na lamang bumalik ang takot at kaba sa kanyang dibdib "A-Aray. Ano ba——" hindi ko natapos pa ang kanyang sasabihin ng makita niya ang nakakatakot at nakakapanindig balahibo na kanyang nasaksihan. Naka tayo ito sa harapan ko at naco-corner siya nito na sanhi hindi lamang ako maka galaw at maka kilos. Para siyang kinain ng langit at lupa habang naka titig sa nanlilisik at nakakatakot nitong mga mata. "S-Sir W-William?" 'yan na lang ang lumabas sa kanyang bibig. P-Papaano? Paano nya nalaman kong asan ako? Jusko, tulungan niyo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD