Saturday morning at nagmamadali na naman si Jarra para sa trabaho. Late na naman kasi siyang nagising dahil sa anong oras na silang natapos ni Talia kagabi sa pagpili kung anong susuotin niya bukas. Ewan ba niya at sobrang conscious niya talaga. Nakakapanibago lang para sa kanya lalo na at ilang years na rin simula noong huling date niya. Hindi na nga niya matandaan kung sino iyong naka-date niyang huli, e. “Uy, muntik ka na namang ma-late, Jarra, a,” salubong pa ng isang guard sa kanya pagkapasok niya ng center. Narinig niya pa ang paghalakhak ni Talia na nauna na sa kanya. Tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa guard at dumiretso na papasok. Siniko niya pa si Talia bago ito inunahan papunta sa loob. Nag-rounds lang siya tapos ay dumiretso na sa garden. Itinutulak niya ang wheelchai