"Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina pa kaya ako nagtatanong," nakangusong sabi ni Jarra kay Vaughn. Nakahinto sila ngayon sa isang gasoline station at napapa-full tank si Vaughn. Ang sabi nito ay malayo-layo raw ang kanilang pupuntahan. Nang tanungin niya naman kung saan nga, ngumisi lang ito sabay sabing 'secret'. Napapairap na lang siya rito. Bukod sa gutom na siya, the suspense is killing her! Di niya tuloy alam kung tama iyong suot niya. Though casual lang din naman ang suot ni Vaughn na isang khaki shorts at simpleng white polo shirt lang tapos puting sneakers. "Chill out, Jarra, you'll see." Kumindat ulit ito sa kanya. Napailing na lang siya rito. “Whatever, bahala ka,” sabi niya na lang at hindi na rin ito pinilit. Tumawa pa si Vaughn at kinuha ang isa niyang kamay. He li