CHAPTER 2

2484 Words
TWO: "Kuwentong gawa-gawa." “SI Lapu-Lapu, ang dating magiting na lider sa Mactan, ang siyang naging unang bayani ng bansang Pilipinas. Pinangunahan at pinaumuan niya ang pagkakapanalo laban sa dayuhang Portuguese na si Ferdinand Magellan na noo’y tinagurian ding “explorer” sa Pilipinas. Sa tapang at lakas ni Lapu-lapu , nagawa niyang paslangin si Magellan sa kanilang naging madugong labanan…”   Kasalukuyang nasa klase si Quint at hindi tulad ng nakasanayan sa taong 2018, purong Filipino ang ginagamit na lenggwahe ng history teacher sa klase dito sa taong 1990. Professors on 2018 prefer the English language when discussing kahit pa Philippine History, samantalang dito sa makalumang mundo ay purong Filipino lamang talaga.   Nasa loob siya ng silid-aralan at nasa klase, nakikinig din ang kanyang tenga, ngunit lutang siya. Malayo ang tingin at nakatulala sa kawalan kaya walang pumapasok na anuman sa kanyang isip sa mga sinasabi ng prof. sa harap. Iniisip pa rin kasi niya kung paanong bigla siyang napunta dito sa nakaraan.   The last time he remembered, he went to his father’s locker and read his letter, tapos hayun, bigla siyang napunta dito sa mundong ‘ni hindi pa nga siya ipinapanganak noon.   Bigla siyang napaayos ng upo at nag-iisip-isip pa din. Paano siya makakabalik sa taong kasalukuyan?   “Ginoong Theodore Angeles, malalim yata ang iniisip mo’t hindi mo naiintindihan ang mga leksyon ko?”   This isn’t probably his world and his time… kailangan niyang makabalik sa year 2018 sa lalong madaling panahon!   Nabalik lamang ang pag-iisip niya sa klase nang mahinang sipatin siya ng kanyang kaklaseng katabi. Nginuso nito ang titser sa harapan na mukhang umuusok na ang ilong sa galit habang masamang tinititigan siya.   Kinabahan siya bigla. Kanina pa kaya nito napapansing wala sa klase nito ang kanyang atensyon at pag-iisip? Nalagot na! Mukha pa namang ito yung common na tradisyunal na guro sa taong 90's na sobrang istrikto. Nakasalamin at malaki ang tiyan na may edad na. ‘Yon bang tipong kapag hindi ka nakikinig at nagpapasaway ka lang ay talagang mabibigyan ka ng korporal na klase ng punishment.   “Nakikinig ka ba sa aking mga sinasabi?” mariing tanong nito.   “Ha? Ah, oo. Opo, Prof,” aniya na sinabayan ng sunod-sunod na pagtango.   “Kung gano’n ay tumayo ka,” utos nito.   Unti-unti nga siyang tumayo. Lahat sa klase ay nakatingin sa kanya at tahimik, mukhang kabado din sa ipapataw na parusa sa kanya oras na nakumpirma ng guro na hindi nga talaga siya nakatuon sa kinaklase nito.   “Ayon sa aking salaysay kani-kanina lang, sino ang sinasabi kong tinaguriang unang naging bayani ng bansang Pilipinas?”   Damn. He’s doomed! Hindi niya matandaan kasi nga yung mga leksyur nito kanina ay pumapasok sa isang tenga niya at lumalabas lang din kaagad sa kabila!   “Si- si Dr. Jose P. Rizal po,” hindi pa siguradong sagot niya.   In the modern world, matalino naman si Quint  ngunit sa Science (even most of its branches) at sa Math ang kanyang natatanging galing. He was never interested with History or even language classes. Inaantok siya o madalas siyang lutang kapag ganoon na ang mga subjects niya tulad na nga lang ng ngayon.   Pare-parehong nagulat ang kanyang mga kaklase sa kanyang sinagot at pinanlakihan ng mga mata. Mariing napapikit na lang siya, sa takot sa guro at pati na rin sa hiya. He knows he got it wrong!   “Sinasabi ko na nga bang hindi ka nakikinig at hindi mo pinagtutuunan ng buong atensyon ang iyong mga leksyur!”   Halos pumitik pa siya sa lakas ng boses nito sa disappointment at sa galit. Nang imulat niya ang kanyang mga mata’y nakita niyang hindi na lang ilong nito ngayon ang umuusok kundi pati na rin tenga nito!   “Paano ka na lamang matututo kung hindi ka nakikinig! Wala pa tayo kay Dr. Jose Rizal, nasa unang pahina palang tayo ng librong Kasaysayan ng Pilipinas na ang tinaguriang unang bayani ay si Lapu-lapu sapagkat napagtagumpayan nito ang laban kay Magellan sa Mactan!”   Gusto tuloy na kutusan ni Quint ang sarili, oo nga pala’t si Lapu-lapu iyon. Ilang ulit ‘yon na nabanggit ng guro kanina, talagang nakalimutan lang niya!   “I’m sorry, prof., sa totoo lang ay nakikinig naman talaga ako. It’s just that I couldn’t help but think of-“   Naputol siya sa tangkang pagpapaliwanag nang mapansing lahat ng kanyang mga kaklase ay nakatingin na naman sa kanya na tila alalang-alala ang mga ito na may mali na naman siya nagawa o nasabi.   Oh, come on! What is it this time, folks? I didn’t say anything wrong, ba’t ganyan kayo kung makatingin?   “At sinong Poncho Pilato ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na pupuwede kang gumamit ng lenggwaheng Ingles sa aking klase?!”   Sa muli ay napapikit ng mariin at napapitlag si Quint sa lakas ng boses ng guro.   “Ang klase ko ay tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas kaya mahigpit kong ipinagbabawal ang paggamit ng wikang banyaga, nakalimutan mo na ba iyon ha?!”   “Pa-paumanhin po, prof.,” nayuyukong sinabi na lamang niya.   Malay ba naman kasi niya! Eh, madalas na ginagamit nila ang pinaghalong Filipino at Ingles bilang media of communication sa 21st century eh!   “Lumabas ka ng klase ko ngayon din mismo, Ginoong Angeles,” mariing utos nito.   “Pero, prof.-“   “Lalabas ka o hihintayin mo pang kaladkarin kita paalis ng klase ko?!” sa muli ay pagtaas nito ng boses.   “La- lalabas na po, prof.” Dali-dali nga siyang lumabas na ng silid aralan bago pa siya nerbyusin sa napaka-terror na professor na ‘yon!   Pagkalabas ay napailing na lang siya. Kailangan niyang makabalik sa modernong panahon dahil hindi talaga niya kakayanin ang mabuhay sa mundong hindi niya nakamulatan! Mababaliw siya! Everybody’s polite, traditional, and formal! Idagdag pa itong siya lamang ang nakasuot ng uniporme sa klase, moderno pang uniporme! The usual neatly white collared and buttoned polo with light brown necktie, loose khaki slacks, and black leather shoes.   Malamang nitong mga 2000's na naisipang gawin at maipatupad ang uniform policy, and through time, pabago-bago na din ng mga kulay at style ng uniform. Dito sa 90's, wala pang uniporme! Ang suot lamang ng mga mag-aaral ay bestidang hanggang tuhod ang haba at sa mga lalaki nama’y maong na kupas na pantalon at polo shirt.   Sa kuwento ng mommy niya noong nabubuhay pa ito, sa kapanahunan nila’y mga istrikto umano talaga raw ang mga guro. Purely authoritarian ang karamihan sa mga ito kaya ang mga estudyante ay disiplinado, walang pasaway kapag mismong oras ng klase at talagang mapipilitang makinig ang lahat at mag-aral ng maigi para kapag biglang natukso ay may maisasagot at hindi mapapahiya at lalong para hindi mapatawan ng mabigat na kaparusahan. Ganoon ka-masunurin ang mga estudyante dati.   And I’m definitely over those corporal punishments! Around early 2000's noong nasa elementarya pa lamang si Quint, naranasan na rin niyang mapalo ng titser ng stick sa kamay dahil habang nagkaklase ay nagkukuwentuhan sila ng kanyang mga kaklase. Mayroon ding papupuntahin sila sa harapan para ipahiya at turuan ng leksyon, mag-squat hanggang sa matapos ang buong klase. May biglang lilipad ang chalk at eraser sa mukha, may palalabasin ang buong klase para patayuin sa ilalim ng sikat ng araw bilang kaparusahan sa ingay at pagpapasaway.   Yes, those childhood memories were great and gold but they were already definitely old. Yung mga ganoong gawi ay bawal na simula noong 2010 and the following years. Marami nang mga panukala ang naipatupad at naisabatas na mga layuning protektahan ang mga kabataan, na aaminin din naman niyang nasobrahan din dahil ang labas ay tumatapang na ang mga bata kaysa sa mga guro sa modernong panahon.   Naglakad-lakad siya sa corridor, hindi eksaktong alam kung saan talaga pupunta ngayong napalabas siya ng klase. Sa paglalakad-lakad niya’y namataan niya sa isang silid aralan ang magandang babae na kanina ay kausap niya sa library. Mataman at tahimik itong nakikinig sa nileleksyur ng guro sa harap. Sumandal na lamang si Quint sa may sementong barandilya ng palapag sa labas ng nasabing silid aralan saka pinanuod ang babae mula sa bintana.   Nang matapos ang klase at magsilabasan na’y hindi na siya nagdalawang isip pang puntahan at tunguhin ang magandang dalaga.   “Miss, sandali,” tawag niya rito.   Nilingon siya nito at bahagyang nabigla pa ito nang makita siya. Lumapit siya.   “Ikaw? A- anong ginagawa mo rito?” Tumingin pa ito sa bahagi kung saan siya pumuwesto kanina at sumandal. “Kanina ka pa ba rito sa labas ng aming silid-aralan?”   He couldn’t help but smile as he gently shook his head. She’s amusingly beautiful that even for a second, nakalimutan niya ang ibang mga iniisip basta kaharap ito.   “Hindi naman masyado. Hinintay kasi talaga kita.”   Nabigla na naman ito saka tinuro pa ang sarili. “Hi- hinintay mo ako? Bakit?”   “May importante kasi akong kailangang sabihin sayo. Puwede ba kitang makausap muna?”   Sa huli ay pumayag din ito. They ended up sitting together on one of the benches located at one side of the wide field.   “Ano bang sasabihin mo, ginoo?” tanong nito.   “Ang totoo kasi niyan, may problema ako. Hindi ko sigurado kung matutulungan mo ako, but at least, gusto ko lang talaga ng may makakausap at mapagsasabihan ako nito.”   Hindi ito nagsalita, hudyat na handa itong makinig sa kanya.   He sighed. Hindi niya alam kung paano uumpisahan dahil alam niyang sa sasabihin niya’y hindi talaga ito maniniwala.   “Hindi talaga ako nanggaling sa mundong ‘to. Hindi dapat ako nandito.”   Kumunot ang noo nito, hindi maintindihan ang kanyang umpisa. “Kung gano’n ay taga-saan ka pala? Sa abroad ka ba nanggaling?”   Umiling siya. “Hindi ‘saan,’ kundi ‘kailan,’ kung anong taon ako totoong nanggaling.”   Tila mas lalo pa itong naguluhan. “Anong sinasabi mo?”   “Ang taon sa kasalukuyan ay taong 2018 na. 2018 na tayo ngayon, 21st century. Hindi ko alam kung bakit at kung paano, nagising na lang ako pabalik dito sa taong 1990. I was born 1997 and raised in an innovating world. Moderno na ang lahat, ibang-iba dito sa napuntahan kong old and gray na panahon, sa panahon ninyo.”   Sa sinabi niya’y tinitigan lamang siya nito ng matagal. Nagkatitigan silang dalawa. Ang mga mata niya’y halos magmakaawa rito na kahit imposible, sana ay magawa pa rin nitong paniwalaan siya.   “Maniwala ka sa akin…”   “Imposible ang sinasabi mo,” iling nito. “Paano kita paniniwalaan kung ang laman mismo ng sinasabi mo’y hindi kapani-paniwala!”   “Alam kong mahirap paniwalaan pero ‘yon talaga ang totoo.”   Sa muli ay matagal siya nitong tinitigan sa mga mata ngunit kalauna’y madaling tumayo at umiwas sa kanya. “Kung sinasabi mo ‘yan dahil may binabalak kang paglaruan at lokohin ako, puwes maghanap ka na lang ng iba na handang maniwala at magpauto sa kuwentong gawa-gawa mo.”   Tumayo na rin siya at nagsalita mula sa likuran nito. “Tingin mo ba maghihintay ako ng ilang minuto sa labas ng silid-aralan ninyo na matapos ang klase mo para sayangin lang ang oras mo sa pang-uuto? At sa tingin mo ba, may rason akong gumawa ng kuwento para lokohin ka? Ba’t ko naman ‘yon gagawin, ‘diba? Ano sa tingin mo ang makukuha ko kapag pinaglaruan kita at pinaniwala sa kuwentong sinasabi mong gawa-gawa ko lang?”   Natigilan ito at hindi nakapagsalita. Unti-unti ulit itong humarap sa kanya. Muli silang nagkatitigan sa mga mata ng isa’t-isa. Maaring napagtatanto na rin nitong tama nga siya. Walang rason upang manloko siya’t gumawa ng kuwentong hindi totoo.   “Flor!” Kapwa sila napatingin sa paparating na dalagang malamang ay kaibigan ng babaeng kaharap ni Quint, na mukhang nalaman na rin niya sa wakas ang pangalan. Flor.   “Kanina pa kita hinahanap doon sa silid-aralan, akala ko naroon ka pa’t hinihintay ako. Sabi ko naman sayo, magbabanyo lang saglit ako, ‘diba? Pero ‘yon, no’ng binalikan kita, wala ka na. Naririto ka na pala sa labas ng building,” anang kadarating lang.   Tila bigla namang naalala ‘yon ni Flor. “Ah, oo nga pala. Sorry at nauna na akong lumabas, Lili.”   Ngumiti ang babaeng Lili ang pangalan. “Ayos lang.” Saka nito napansin ang presenya ng binata. “Sino naman siya?” tanong nito sa kaibigan.   Napatingin sa kanya si Flor, hindi rin alam ang isasagot sa kaibigan dahil hindi pa naman sila nagpapakilala sa isa’t isa, kaya nga si Quint na lang din ang nagpakilala sa kanyang sarili sa mga binibini. He smiled with friendliness to both girls and he offered a hand shake to Lili. “Quint. Theodore Quint Angeles, Jr. ang buong pangalan ko pero pupuwede ninyo akong tawaging Quint na lang.”   Palakaibigang tinanggap din ‘yon ni Lili. “Lili. Ito naman ang kaibigan kong si Flor,” ito na rin ang nagpakilala ng kaibigan nito sa kanya sa sobrang mailap at mahiyain ni Flor.   He smiled even sweeter when he turned to the girl who captured his heart from the start, and extended a hand too. “Kinagagalak ko kayong makilala.”   Nahihiya at nag-aalinlangan ma’y tinanggap din iyon ng dalaga at tuluyang nagdantay ang kanyang mga kamay. “Kami din. Kinagagalak ka naming makilala.”   Nang matapos ang kanilang hand shake, napansin kaagad ni Flor na titig na titig ang matalik niyang kaibigang si Lili sa binata na tila nakakunot pa ang noo at tila sinusuri ang buong mukha nito.   “Lili, may problema ba?” nag-aalalang tanong ni Flor sa kaibigan.   Nanatili ang mapanuring titig nito kay Quint. “Ngayon lang kita nakita dito sa eskuwelahan pero pakiramdam ko’y nakita na kita dati sa kung saan, hindi ko lang matanto kung kailan at saang eksaktong lokasyon ‘yon pero napakapamilyar ng mukha mo.”   Si Quint ay napakurap. Maari kayang may alam si Lili sa totoong panahong pinanggalingan niya?   Minabuti ni Flor na umiling saka kumapit na sa braso ng kaibigan. “Nagugutom ka na panigurado, halika na at umuwi na nga tayo, Lili.”   “Teka-“ Wala nang nagawa pa si Quint nang tuluyan nang madaling iginiya ni Flor ang kaibigan para tuluyang umalis. Naiwan tuloy siyang nakatanaw na lamang sa likod ng dalawang magagandang dalaga.   He sighed. Hindi pa siguro ngayon pero sisiguraduhin niyang makakahanap ulit siya ng pagkakataong makausap ang dalawa at nang paniwalaan siya ng mga ito sa kasalukuyang hindi common o normal na krisis na kinakaharap niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD