FIVE: "Paraan."
SUMAPIT na lang ang selebrasyon ng Buwan ng Pagpapahalaga sa Kalusugan ay hindi pa rin nakakabalik si Quint.
Naglalakad-lakad siya nang umagang ‘yon nang mamataan si Flor na nasa isang booth ng mga naghihilerang booths ng mga may panindang mga masusustansyang gulay at prutas.
“Flor!” masiglang tawag niya rito nang makalapit siya.
Tumigil ito sa pag-aayos ng mga display ng ibinebentang produkto para tingalain siya saka masigla rin itong napangiti nang makita siya. “Quint, nandiyan ka pala!”
Tumango siya. “Anong ginagawa mo?”
“Ito at nagdi-display ng mga paninda. May minor Science subjects pa kasi ako, eh, kaya heto at ni-require kami ng aming mga professor na lumahok sa ganitong mga programa ngayong Kulminasyon ng Buwan ng Pagpapahalaga sa Kalusugan.”
He suddenly remembers his early years in college, ganito pa din kahit na sa makababagong panahon. Talagang some of the Science-related teachers would be requiring students to participate on Nutrition Month Culmination, and if the student failed to do so, pasensyahan na lang sa Grades, kaya nga todo effort din siya noon kasama ng kanyang mga kaklase.
Naisip kaagad niyang tumulong kay Flor. “Gusto mo bang samahan at tulungan na kita rito? Tutal ay wala naman akong gagawin sa buong araw, wala na rin akong minor Natural Sciences na subjects kaya libre ako all day long.”
“Talaga? Ayos lang sayo? Tutulungan mo ‘ko rito?” Hindi ito makapaniwala ngunit bakas din sa mukha ang tuwa sa kanyang alok.
Walang pag-aalinlangan siyang tumango. “Oo naman.”
“Sige, kung ganoon. Maraming salamat.”
“Si Lili nga pala, may sariling booth din ba siya? Bakit hindi kayo magkasama?” tanong niya kalaunan nang tumulong na rin sa pag-aayos ng display.
“Individual booths lang kasi ang allowed, hindi pupuwedeng pair or group, saka na-assign kasi si Lili sa ibang task. Nasa palaro siguro siya ngayon at nagle-lead doon.”
Tumango-tango siya, napatango na lang din ang dalaga. Kalauna’y may biglang naisip si Quint na pakulo. Sinabit niya sa kanyang katawan ang ibang mga gulay, ang mga alugbati at kulitis ay ginawa niyang mga kuwintas tapos ang mga talong at amplaya’y pinagtatali ng lubig para isabit palibot sa kanyang baywang. May mga ginawa pa siyang pulseras at ang iba’y nagmistulang palamuti sa kanyang katawan.
“Ano ‘yang ginagawa mo, Quint?” mayamaya ay natatawang tanong ni Flor sa kanya nang mapansin ang ginagawa niya.
Pinalibot niya ang isang bungkos ng patani sa kanya namang noo. Nakangiti niyang binalingan ang dalaga. “Tutulungan kita. Ibebenta natin ‘tong mga paninda mo.”
Kalauna’y lumabas siya’t tumayo sa tapat ng booth tapos ay nag-umpisang magsasasayaw ng funny disco dance and some steppings na natatandaan niyang ginamit pa nila sa Mass Dance Entry nila noong first year college palang siya at Intrams nila no’n.
May pahawak-hawak pa sa laylayan ng uniform niya si Quint habang sexy’ng sumasayaw kaya hayun, sa wakas ay napapansin na ng mga dumaraang kapwa nila estudyante ang booth ni Flor lalo na ng mga babaeng nagsilapit at kilig na kilig na pinanunuod si Quint. May ibang natatawa, natutuwa, nangingiti pero karamihan talaga’y kinikilig. Sino ba namang hindi kikiligin? Bukod sa may sense of humor sa paraan palang ng pagda-damoves ay ang guwapo din kaya ng maamo at masiyahing mukha ni Quint!
“Bili na kayo! Bili na kayo ng mga masusustansyang mga gulay dito sa Flor’s Booth! Bili na, yoo hoo!”
‘Yon na nga, nag-umpisa na ring dagsain ang mga paninda ng dalaga. Natutuwa na natatawa na lang siya na hindi na halos maisa-isa ang mga customer na nagtatanong kung magkano ang ganito at ganire, and at the same time, sobrang nagagalak siya sa pagtulong ni Quint sa kanya. Kahit nga maraming customers na ina-accommodate at sobrang na-busy siya sa pag-e-entertain sa kanila, hindi iilang beses na magiliw na sinusulyapan pa rin niya si Quint na patuloy sa marketing strategy nito, which seems very effective.
“Ha! Kapagod pala ‘to, ah!” hinahapong ani Quint matapos ng halos isang oras sa ginawang entertaining number for marketing, saka isa-isa nang tinanggal ang mga natirang gulay na nakasabit sa katawan.
IIlan na lang kasi mga natira dahil partida mga gulay na nakasabit sa katawan niya kanina ay hindi na rin pinalampas ng babaeng customers na nagmistulan nang fans niya sa sobrang aliw at kilig sa kanya.
Natutuwang tinulungan na rin siya ni Flor sa pagtatanggal ng ibang mga tali na nasa noo niya.
“Ang galing mo palang magbent,a ah? Sobrang effective ng marketing strategy mo na halos naubos itong mga paninda ko,” anito pa sa kanya.
“Hindi naman masyado, slight lang,” pa-humble pa niyang tugon. “May ganito din kasi kami noong early years ko sa college pati na no’ng high school kaya medyo may experience lang, saka medyo may kaalaman lang sa marketing na ideya din ng mga kaklase kong silang pasimuno nito dati sa amin.”
Tumango-tango ang dalaga. “Napagod ka din malamang, mag-iisang oras ka din kayang pasayaw-sayaw diyan sa tapat nitong booth. Ito nga pala, tinirhan kita ng vegetable cake at fruit juice na ginawa ko. Madaling naubos kasi kanina, eh, kaya naisipan kong magtago na lang kahit papaano ng sayo, at matikman mo naman ‘tong gawa ko.”
Bahagya pang nabigla pero agad ding natuwa si Quint. “Tinirhan mo talaga ako? Wow! Salamat, Flor!”
Cheerful na tumango si Flor saka kumudlit ng isang tinidor ng vegetable cake. “Eto, tikman mo.”
Hinayaan niyang subuan siya nito at halos magningning ang kanyang mga mata sa sarap ng cake.
“Ano? Masarap, ‘diba?” proud nitong tanong.
Ngiting-ngiti siyang tumango. “Ayos ‘to, ah! Parang makakalimutan ko pangalan ko sa sarap ng cake na gawa mo.”
Mayumi namang napahalakhak ito saka marahan siyang hinampas sa kanyang braso. “Grabe ka naman! Hahaha!”
Hindi niya maiwasang magiliw na titigan na lamang ito habang tumatawa. Walang kasingganda talaga ng babaeng ito!
“Eto pa, ubusin mo. Para talaga sayo ‘yan.”
Tinanggap niya ang inabot nitong isang slice ng vegetable cake saka inumpisahan nga'ng lantakan ‘yon. Sa dire-diretsong pagkain niya’y bigla ba naman siyang nabilaukan kaya naubo siya nang naubo. Dali-dali naman siyang dinaluhan ng dalaga at pinainom ng isang baso ng fruit juice.
Umayos na pakiramdam niya pero sapo-sapo pa rin niya dibdib niya, kamuntikan na siya doon!
“Maghinay-hinay ka naman kasi sa pagkain!” tatawa-tawang sinabi ulit nito.
Natawa na nailing na lang din siya sa sarili. “Pati ‘yang fruit juice na gawa mo, ayos din, ah!”
Malalim na ang gabi’y hindi pa rin magawang makatulog ni Quint sa kanyang higaan. Panay pasok pa din kasi si Flor sa isip niya at kung gaano ito kasayang kasama kanina no’ng tinulungan niya ito sa booth nito. Well yes, surprisingly, in this era, Quint found out na naka-boys dorm din pala siya kaya heto may nauuwian siya kahit papaano kapag pagkatapos ng klase sa eskuwela.
Ito na nga’t papatulog na siya pero hindi pa rin siya makatulog, ngiting-ngiti siya habang nakatingala sa kisame ng kwarto niya at naaalala si Flor. Ang mga ngiti at tawa ng dalaga. Nabighani na yata ang kanyang puso kahit sa madaling panahon palang silang nagkakasama!
Kinabukasan nagising siyang tila nagkaroon na ng sagot sa kanyang katanungan. Napanaginipan kasi niya kung paano siyang napunta dito sa panahong ito.
He was reading his father’s letter at his locker, and then the old gold clock! He turned the hands of the old gold clock at exactly 12:00 kaya bigla siyang napadpad sa maling panahon! Naalala na niya! Baka yung gintong orasan din na ‘yon ang magiging susi para muli siyang makabalik sa panahong 2018!
Dali-dali siyang naglakad sa hallway papuntang classroom nina Lili at Flor para hanapin ang dalawa at mabanggit sa mga ito ang naging panaginip niya, at tamang-tama namang mukhang kararating lang din ng mga ito at sabay na naglalakad at tinutungo din ang silid aralan ng mga ito.
“Flor! Lili!” tawag niya sa dalawa.
Agarang lumapit ang magkaibigan sa kanya.
“May sasabihin ako sa inyo.”
“May sasabihin ka? Ako din ay may kailangang sabihin sayo, Quint,” ani Lili.
“Ano ‘yon, Lili? Sige, mauna ka na.”
“Quint, ngayong umaga lang, bago ako magising mula sa magdamag na pagkakahimbing, may nagpakita sa balintataw ko. Isang salitang 'REVERSE,' hindi ko eksaktong alam kung para saan iyon pero malakas ang kutob kong may malaking kinalaman ‘yon sayo at sa muling pagbabalik mo sa panahon ninyo.”
Napaisip siyang bigla. REVERSE.
Hindi kaya ay konektado din ‘yon sa kanyang naging panaginip? Reverse… Old gold clock… Reverse…
“Ikaw? Ano nga palang sasabihin mo, Quint?” tanong naman ni Flor.
“Naaalala ko na, napanaginipan ko ang buong pangyayari sa kasalukuyang panahon bago ako napunta dito sa nakaraan. I was reading my father’s last letter to me, and he told me about the old gold clock. I turned its hands to 12:00 the way I was instructed on the letter to do so, kaya heto ang naging resulta. Napunta ako dito sa maling panahon, dito sa panahon ninyo sa nakaraan.”
“Kung konektado ang panaginip mo sa nakitang salita ni Lili sa kanyang balitataw, hindi kaya ay ‘yon na ang tuluyang susi sa pagbabalik mo sa panahon ninyo?” malalim na palaisipan ni Flor at tila bumubuo ng puzzle sa utak. “Reverse… mysterious clock… Reverse, mysterious clock—“ Seryosong tinitigan siya nito nang tila may nabuo ito sa wakas. “Reverse could mean counterclockwise. Tama ‘yon nga! Counterclockwise! Kung nagawa kang papuntahin ng orasan na ‘yon dito sa nakaraang panahon, ang pagbabalik mo sa panahong totoong pinanggalingan mo’y nakasalalay din malamang sa orasan na ‘yon. Subukan mo kayang pihitin sa pabaliktad na direksyon ang orasan na naging daan mo, baka ‘yon na yung paraan na hinahanap natin, Quint, para makabalik ka na.”
Natutulala na lang siya. Flor has a huge point. Kung yung orasan ang naghatid sa kanya dito sa nakaraan, ang pagpihit din siguro sa pabalik na direksyon ang muling maghahatid sa kanya sa modernong kasalukuyan!
“Tama si Flor, Quint! Natatandaan mo ba kung saang bahagi nitong paaralan naroon ang locker ng ama mo?” si Lili.
Tumango siya sa tanong ng huli. “Oo, natatandaan ko. Sa may loob ‘yon ng school’s library.”
“Kung gano’n, pumunta ka na do’n ngayon, Quint. Subukan mo lang at baka tuluyan ka na nga'ng makabalik sa inyo katulad ng palagi mong inaasam magmula nang mapadpad ka dito sa maling panahon. Hangad namin ang tagumpay mo.”
He smiled softly at the woman who seriously captivated his heart. “Salamat.” Pati kay Lili ay labis din siyang nagagalak. “Maraming salamat din sayo, Lili. Salamat sa tulong ninyong magkaibigan, sana nga’y makabalik na ako sa panahon kung saan ako nanggaling.”
Positibong tumango ang dalawa, tumango din siya bago tuluyang tumalikod at tumakbo na para madaling tunguhin ang library.
Pumasok siya’t hindi nabigo nang makitang naroon nga ang locker ng daddy niya. He immediately searched the key in his bag’s pocket and succeeded finding it there. Binuksan niya ang locker at nakita kaagad ang gintong orasan. He reversely turned its hands to exactly 12:00 and closed his eyes.
Few seconds and he could already hear the laughters of his schoolmates inside this library.
“I really love this Youtube vlogger talaga, super funny and may sense ang mga content niya. Nakakaaliw din ibang pranks niya sa mga kaibigan niya. Highly recommended. Try niyo din subscribe and watch sa vlogs niya, guys!”
Napakunot ang noo ni Quint habang nakapikit pa rin ang mga mata, bakit ganoong mga salita na ang naririnig niya? Ang ibig bang sabihin ay… ang ibig sabihin, nakabalik na nga siya?
Slowly, he opened his eyes, and saw himself standing right in front of his father’s closed locker. Nang sumungaw siya sa glass windows ay nakita nang muli niya ang pamilyar na mga mukha ng uniformed schoolmates and classmates niya walking and chilling on the school’s ground. Moderno na din ulit ang nakikita niyang paligid ng mga buildings…
Nakabalik na nga ako!