Seira Anthonette's P. O. V. Nagising ako nang maamoy ang kakaibang amoy. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Jairus at Wayne na nakatayo sa harapan ko, suot ang pajamas nila na terno pa. Ang alam ko ay nakatulog akong naka-lock ang pinto, ngayon ay narito na sila? "Good morning, mahal ko. Sorry na sa nangyare kagabi." Inilagay ni Jairus ang table in bed. "We prepared a breakfast for you. Papa cooked a fried rice and it's so delicious!" masayang-masaya ang mukha ni Wayne, halatang gusto akong suyuin. Napabuntong hininga ako hanggang sa ipinatong na ni Jairus ang pagkain sa harapan ko. Nang maamoy at makita ko iyon ay tila ba bumaliktad ang sikmura ko. "W-Why, Seira?" nag-aalalang tanong ni Jairus. Mabilis akong tumayo para pumunta sa banyo. Yumuko ako sa lababo at halos maduwal