Seira Anthonette's P. O. V. Napatingin ako sa kotse ni Jairus na nakaparada na sa harapan ng bahay namin. Gusto kong umatras, pero hindi ko na magawa pa dahil sa anak ko, na anak niya rin. "Seira, tara na." Binuksan ni Jairus ang gate. Hindi ako sumagot, nauna pang tumakbo si Wayne. Naupo siya sa backseat. Habang ako ay iniisip kung saan ako uupo dahil kaming tatlo lang. Lumakad ako patungo sana sa tabi ni Wayne pero hinawakan ni Jairus ang kamay ko. "Dito ka ulit," nakangiting sabi ni Jairus. Napatingin ako sa passenger seat, binuksan niya ang pinto. Wala akong imik na sumakay doon. Sino pa ba ako para magreklamo, ako lang naman ang nabuntis niya. Siguro kung hindi siya nag-propose kay Vinalyn, baka inamin ko pa ang pagbubuntis ko. Kung naramdaman ko lang talaga na hindi niya papakas