Seira Anthonette's P. O. V. Mababaliw na ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jairus kagabi, at hindi rin ako makatulog kakaisip kung anong dapat kong gawin. Nakakaiyak, gusto niya maging ama ni Wayne pero hindi niya alam na siya talaga ang ama nito. "Sh*t, mababaliw na talaga ako!" sigaw ko. "SEIRA, GOSH! THE IRON! WAYNE'S UNIFORM IS BURNED!" sigaw ni Dorothy. Agad akong napaatras. Tinanggal ni Dorothy ang plantsa sa uniporme ni Wayne. Napaawang ang labi ko nang makitang nasunog ko ito. "S-Shocks... Hindi ko napansin," bulong ko at kinuha ang sunog na uniform. "It looks like you're out of your mind. Ano bang tumatakbo sa isip mo? Look at your big eyebags, halatang napuyat ka, pero sabay lang naman tayo nahiga at natulog, right?" aniya. "O-Oo..." napayuko ako. Hindi ako na