Seira Anthonette's P. O. V. Tumatakbo ako patungo sa E.R kung nasaan daw ngayon si Jairus base sa sinabi ni Clara. Natagpuan ko sa upuan sa hallway si Clara na nakaupo habang umiiyak. "Clara!" Hindi ako mapakaling tumakbo sa kaniya at hinawakan ang balikat nito. "Iniwan ako rito ng secretary ni Sir Jairus, sinundo niya ang parents ni Sir tapos sabi ng nurse na wala na si Sir Jairus. Kahit hindi ko close si Sir, sobrang sakit malaman na wala na siya!" sigaw ni Clara at napatakip ng kaniyang mukha. Dahan-dahan akong napaluhod. Parang may kung anong humigop ng kaluluwa ko, wala akong magawa kundi ang umiyak. Hindi na maibabalik si Jairus, kahit ano pang gawin ko. Huli na ang lahat. "Jairus..." Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi na natigil sa pagpatak. "Jairus!" Hindi ko n