CHAPTER ONE
"WALA akong kasalanan! Alam n'yo iyan!" sigaw ni Marco Lorenzo.
"Ano'ng akala mo sa amin mga walang utak?! Kung alam naming wala kang kasalanan ay bakit ka parurusahan?!" ganting-sigaw ng kaniyang madrasta.
"Hindi ako ang nagsabi niyan kundi ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang ina ko! Kaya't huwag kang sabat nang sabat---"
"Stai zitto, bastardo ingrato!(Shut up, you ungrateful bastard!)" Malakas na pamumutol ng half-brother niya.
Tuloy!
"Bastard? Sino kaya sa ating dalawa ang walag-hiya? Ako na sinusubukang depensahan ang sarili dahil wala naman akong kasalanan o ikaw na halatang kinakabahan kaya't sabad nang sabad?!"
Kung nakakamatay lamang ang uri nang pagtitig niya rito ay bumulagta na ang mga ito.
"Manahimik kayong dalawa kung ayaw ninyong makulong parehas!"
"Ikaw, Marco Lorenzo, sa iyo nakaturo ang lahag ng ebidensiya sa nagawa mong pagkakamali. Ngunit ayaw mo pa ring umamin!"
"Ganoon ka rin, Damien! Kung wala kang kasalanan ay manahimik ka. Ngunit kung patuloy kang daldal nang daldal ay pinatunayan mo lamang ang akosasyon ng kapatid mo!"
Naging maagap si Don Gabriel sa dalawang anak. Dahil kahit ano'ng gawin niya ay ayaw maniwala ng puso niyang magagawa ng panganay na anak ang akusasyon na ginahasa nito ang isa sa katulong nila at minumulestiya umano ang pangalawa niyang asawa.
"Honey, sa pag-aakala mo ba ay magagawa ng anak natin ang bagay na iyan? Kung ang ambisyosong iyan ay baka maniwala pa ako. Wala na yatang ginawa kundi ang mag-umaga sa club. Kung hindi naman ay sa car racing." Pagitna pa ni Madam Anna.
Kaso sa tinuran nito ay nawala na ng tuluyan ang kaunting respeto ng binata sa step-daughter.
"Go on! Kunsintihin ninyo ang sira-ulo n'yong anak! Ibato n'yo sa akin ang lahat! Ngunit ito ang tandaan ninyo, kahit ano man ang gawin ninyong paninira sa akin ay wala kayong mapapatunayan!" sigaw niya saka tumalikod at akmang aalis na sana.
Subalit ang half-brother niya ay muling nagwika kaya't napatigil siya.
"Wala ka na ngang modo ay mataas pa rin ang pride mo, Marco Lorenzo! Tingnan natin kung saan ka pupulutin sa iyong kayabangan! Tsk! Tsk! Ingrato!" anito.
Kaya naman!
Nagmistula siyang nasa training ground na basta pumaikot at tumapat sa nagwika. At bago pa may makahula sa nais niyang gawin ay dumapo na ang sunod-sunod na suntok sa mukha ng tunay na ungrateful bastard. Hindi pa siya nakuntento kahit ano'ng pag-awat sa kaniya ay walang nagwagi. Kulay ube na ito ng tinigilan niya sa pagsipa!
"Ngayon ay masasabi mo ng ungrateful bastard ako. Ngunit sa susunod na marinig ko iyan sa iyo, kahit iisa ang ama nating kapwa mo walang kaalam-alam ay matuluyan na kita! Stay out of my way, you son of a b*tch!" Ngitngit pa niya bago tuluyang umalis kahit sno pang pagtawag sa kaniya ng ama.
"ANO'NG HINIHINTAY ninyo?! Habulin ninyo ang hay*p na iyon! Oras na makalabas sa mansion ay hindi n'yo na naman malalaman kung saan nagtatago! Move!" Ngalaiti ni Don Gabriel.
"Sa palagay ko ay huli na para sa bagay na iyan, honey. Kilala mo naman nag taong iyon. Parang multo na basta na lamang naglalaho. Instead, bilinan mo silang manmanan ang bawat lugar na paborito nitong tambayan. Sa bagay na iyan sh mas mapadali ang paghanap natin sa kaniya," sabat ni Madam Anna.
"Tama si Mommy, Daddy. Kilala ko ang ilan sa mga kaibigan ng gag*ng iyon---"
"Shut up! Close that f*ck!ng mouth of yours! Kung wala ka na talagang magandang magawa sa iyong buhay ay mas mabuting manahimik ka! Kahit nakaturo ang lahat ng ebidensiya sa Kuya Marco Lorenzo mo ay huwga mong kalimutang matalino ang taong iyon!"
"At ikaw naman, Anna! Imbes na lagyan mo ng apoy gasolina ay manahimik ka na lang! Wala akong magagawa kung ang taong iyon ang bubuwelta sa inyong mag-iina!"
Galit na pinaglipat-lipat ni Don Gabriel ang paningin sa anak ay asawa. Hindi na nga niya pinansin ang pagtawag ng mga ito sa kaniya.
'D@MN that f*cking old man!' Kuyom ang kamaong ngitngit ng Ginang. Ngunit umabot naman sa pandinig ng anak.
"Mom? May nalalaman na ba si Daddy? Sa reaksyon at pananalita nito ay may alam na." Tinig ng anak an pumukaw sa nagsimulang mamasyal na diwa.
"Talagang may malalaman siya oras na hindi ka pa manahimik, Damien! Oras na makarating sa ama mo ang lahat ay katapusan na natin ng mga kapatid mo. Kaya't ayus-ayusin mo ang iyong kilos huwag kang kampante!" Mahina man ang pagkasabi ngunit kulang naman ay mapisa ang kaharap dahomil sa diin.
SAMANTALA, "Ito na iyong sinasabi ko sa iyo, Pare. Sa iyo na itinuro ang lahat ng kahay*pan ng mag-ina," wika ng isa sa mga kaibigan ni Marco Lorenzo nang naikuwento niya ang kaganapan.
"Pare, lusubin na lang natin ang mansion ninyo. Ano'ng silbi ng pagka---"
"No, Pare. Problema ng pamilya ito. Kaya't hindi ko kayo maaring hilain pabulusok. Ang mailabas ko ang sakit ng aking kalooban ay malaking bagay na." Umiling-iling na pagsalungat ni Marco.
"Tsk! Tsk! Grupo tayo, parekoy. Maaring hindi nanggaling sa iisang dugo. Ngunit sworn brothers naman. Ang laban mo ay laban natin lahat. Kaya't huwag mong solohin ang laban. Wait and see, parekoy!" Pagitna ng isa sa kanila.
"Tama si Edwin, Pare. Huwag mo sanang isiping nakikialam kami ngunit sworn brothers tayo. Kaya't kung ano ang laban o problema mo ay maari mong sabihin at matulungn ka namin." Pagsegunda ni Jayson.
Alam naman niyang nag-aalala lamang sila para sa tulad niya na wala na yatang kapayapaan ang buhay. Walang araw na hindi siya dinedemonyo ng pangalawang pamilya ng ama.
"Thank you, brothers. Pero sa pagkakataong ito ay masasabi kong ako muna ang kikilos. Sangkot ang madrasta ko na halatang mastermind ng lahat. At umaasa akong patuloy n'yo akong pagkatiwalaan. No matter what happens in the end. Huwag kayong mag-alala dahil kayo ang unang-una kong lalapitan pagdating ng araw," pahayag niya saka iginala ang paningin sa mga kaibigan.
"Kung iyan ang desisyon mo ay wala na kaming magagawa kundi ang suportahan ka. About trust? Natural dahil magkakapatid tayong apat. Sa ngayon ay nararapat na umuwi ka muna at harapin sila. Ngunit huwag na huwag mong iisipin ang tatakas dahil admission of guilt iyon, brother. Bagkus ay ipakita mo sa kanilang lahat na inosente ka." Lumapit si Jayson sa kinauupuan ng kaibigang binalot ng kamalasan sa buhay sa kabila ng kayamanan saka ito tinapik-tapik sa balikat.
Kaso!
Bago pa man may makapagsalita sa kanilang tatlo ay dumating ang pang-apat sa kanila at habol-habol ang hininga. Subalit hindi iyon ang nakapukaw sa kanilang atensiyon kundi ang dala-dala nitong balita!