SUE'S POV....
.
.
.
"Kanina ka pa pasilip-silip diyan sa cellphone mo, ah?" puna sa akin ni Ivee. Nakiupo siya sa bench na kinauupuan ko sa silong ng malaking akasya. Tapos na siguro ang klase niya.
Kapag nakikita ako ni Ivee rito sa campus ay nilalapitan niya talaga ako at kinukumusta. Sa tingin ko nga ay minsan sinasadya niya akong hanapin para i-check. Siguro utos ni Papa.
Takot na takot sila sa sakit ko. Akala mo'y anytime ay mangyayari sa aking masama. Ang healthy ko nga, eh.
"Hindi pa rin kasi siya nagti-text. Kahapon ay hindi ko na siya ma-contact pagkatapos ng ilang text namin," ang haba ng nguso ko na sagot. Puwede nang talian ng pangkalabaw.
"Sino?"
"Si Edz," sagot ko.
"Textmate na talaga kayo?" Namangha si Ivee.
Kiming tumango ako. Kinikilig ako.
"Pasalamat ka kay Jaroh kung gano'n."
"Oo naman," sang-ayon ko. "Kaso hindi pa kami nagkikita ulit ng mokong na 'yon."
"Eh, kasi nagseselos. Baka tama ako na napilitan lang siya na ipakilala ka niya kay Edz, kasi nga makulit ka."
"You know what, try mong maging novelist baka may talent ka sa pagsusulat. Taba ng utak mo, eh. Ang galing nga mga plot twist mo, eh. Pang non-fiction story."
"Seryoso ako, insan, okay? Hindi mo kaya nasasaktan ang bestfriend mo dahil diyan sa pagpipilit mo na maging close si Edz?"
"Insan, pag-uusapan ba na naman natin 'yan? Wala nga siyang pagtingin sa'kin, okay? Patunay na 'yung panlalakad niya sa akin kay Edz, kaya imposible ang sinasabi mo."
"Pero gano'n naman talaga ang bestfriend 'di ba? Tulad sa mga telenovela? Tulad sa mga nobela?"
Umasim ang mukha ko. Mas naniniwala akong walang gusto sa akin si Jaroh, dahil walang kakikitaan ang paratang ni Ivee. kahit saang angulo ko tingnan ay imposible talaga.
At lalo naman ako, wala rin naman akong gusto kay Jaroh. Sure na sure ako dahil kay Edz lang ako may gusto. Iisipin ko pa lang na magkakagusto ako kay Jaroh ay tumatayo na ang mga balahibo ko sa katawan. Yay, para na rin siyang nagkagusto sa kanyang nakakatangdaang kapatid kapag gano'n.
"Ipupusta ko puri ko. Hindi man ngayon, eh, balang araw mari-realize niyo rin ni Jaroh na kayo ang nagmamahalan," giit pa ni Ivee sa kanyang pinaniniwalaan.
"Kadiri ka!" Binato ko nga siya ng unan. Kung anu-ano ang sinasabi, eh.
Wait lang siya, dahi ipapakita ko sa kanya na ang mga iniisip niya ay para sa mga telenobela lang, in reality ay hindi pwedeng mangyari.
"Speaking of the devil," bigla ay parang change topic ni Ivee.
"Huh?" Nagtaka naman ako.
May ininguso siya na aking sinundan ng tingin.
"Sue," tawag ni Edz sa pangalan ko nang magtagpo ang tingin namin.
As usual, awtomatiko na namula ang aking magkabilang pisngi sa pagkakita ko sa aking crush. Ngiting-ngiti kasi si Edz habang palapit sa akin, at first time ito na makita ko siyang nakangiti rito sa campus.
Ayiee! Gustong magwala ang kinikilig kong puso. Who'd ever thought na mangyayari ito. Ang maging close ko ang snob na campus crush dito sa Sanchi University. Pwede na akong kunin ni Lord, promise. Natupad na ang pangarap ko, eh.
"Hi, Edz," bati ko rin kay Edz nang nakalapit siya sa akin.
"Papasok ka na sa klase mo?" tanong niya sa akin.
"Oo, ikaw? Papasok ka na rin?" Alam ko kasi ang oras ng mga subject ni Edz dahil same sila ni Jaroh.
Wait, nasaan ba si Jaroh?
Gumala saglit ang mga mata ko para hanapin si Jaroh, kaso wala talaga siya. Nakapagtataka na hindi kasama ito ni Edz, gayung mula nagkasama sa team ng basketball sina Edz at Jaroh ay hindi na mapaghiwalay, to the point na muntik na akong magselos noon dahil feeling ko ay napalitan na ako ni Edz as bestfriend ni Jaroh. Hindi lang natuloy ang selos ko na iyon nang unti-unti ay nagkakagusto na ako kay Edz. Doon rin nagsimulang nabuo ang plano ko na gamitin si Jaroh para malapit din ako kay Edz.
"Yeah, sabay na tayo," anyaya sa akin ni Edz. Pwede iyon kasi magkalapit lang ang building na pupuntahan namin. I think alam na rin ni Edz ang time ng mga subject ko. Maybe he asked Jaroh.
Gumiwang-giwang na naman ang puso ko.
"Oh, siya dito na ako, insan," paalam ni Ivee na nakalimutan kong kasama ko.
Nagtanguan lang sila ni Edz. Buti naman, dahil ayaw ko silang ipakilala sa isa't isa. Syempre kung maganda ako ay maganda rin si Ivee. Actually, parang model nga si Ivee, eh. Mahahaba ang mga biyas, slim ang katawan na may kurba at maputi. Mas maputi lang ako konti.
"Ba't di ka nag-ti-text? Tapos hindi mo man lang ina-accept ang friend request ko sa sss," tanong ko kay Edz habang naglalakad na kami papunta sa kanya-kanya naming klase. Kinuha pa niya ang bag ko, feeling ko tuloy ay boyfriend ko na siya. At tulad nang inasahan ko ay all eyes ang ibang estudyante sa amin. Mga inggit.
Ang pakiramdam ko tuloy ay ang ganda-ganda ko ngayon. Feeling sikat na rin ako.
"Sorry, hindi pa kasi ako nag-o-online. Ang totoo hindi ko kasi hilig talaga ang social media," sagot niya.
Nasagot na ang mga tanong ko noong ini-stalk ko ang mga socia media accounts niya. Nagtataka kasi ako noon pa kung bakit ang konti ng post niya, bilang ang mga pictures niya, at ang profile picture niya noon pa yatang high school siya. Ang inasahan ko talaga noong unang check ko sa mga accounts niya ay marami din siyang paandar. Sa kagwapuhan niya kasi ay dapat nagpapaka-famous rin siya sa mga social media, tulad ng iba, kaso hindi dahil haunted na ang kanyang mga accounts. Buti pa iyong mga poser niya active sa pagpapasikat.
Mahigpit sampu kasi ang name na Edson Manzano sa f*******:. Iyong iba ay kapangalan lang talaga ni Edz, pero iyong ay iba ay halatang mga poser. Sinadya na maging si Edz para sikat. Magkagayunman ay hindi na ako nagtaka. Gano'n naman talaga kapag sikat kang tao, madaming magpapanggap na ikaw. At kalimitin ay sila iyong avid fan mo. Wala rin namang masama sa pagiging poser, basta gagawin lang para sa ikakabuti ni idol nila, hindi ang ikakasira.
"Okay lang. Basta 'pag may time ka, accept mo ako, hah?"
Madaming tango ang ginawa niya.
Once again, I felt butterflies in my stomach. Ang sarap naman ng ganito, ang kausap mo ang crush mo ta's kasabay pa na maglakad. Nakakaloka.
Kapag makita ko talaga si Jaroh ay ililibre ko siya. Utang ko sa kanya ang moment na ito..........