IVEE'S POV... . . . "Ivee, halika na!" Hila sa akin ni Edz. Heto na naman kami sa harap ng bahay nina Jaroh. Anim na araw na ang lumipas pagkatapos ng matinding galit ng daddy ni Jaroh. At mula no'n ay 'di pa nagpapakita si Jaroh, ni hindi siya dumalaw na sa burol ni Sue, at nag-aalala na ako dahil libing na ni Sue mamaya. Sinubukan ko na ring tawagan si Jaroh pero hindi sumasagot. Tapos ayaw rin naman akong papasukin sa bahay. Tulad ngayon na parang dinidedma lang ang paulit-ulit naming pagdu-door bell. Nagpasama talaga ako kay Edz ngayon para masabi na sana kay Jaroh na libing na ni Sue. Sana naman dalawin niya ang kanyang kaibigan kung buhay pa rin ba siya. Hindi naman puwede na hindi siya makipaglibing. Maliban kay Tito Ruel ay alam naming lahat na siya na ang sunod na pinakaim