PART 18

1413 Words
I'VEE's POV... . . . "Umalis kayo! Umalis kayong dalawa rito! Kayo pala ang pumatay sa pinsan ko! Kayo pala ang dahilan bakit siya nawala!" pagtataboy ko kina Jaroh at Edz. Galit na galit ako. Hindi ko kasi sinasadya na narinig ko ang usapan nila. Yayain ko lang sana silang kumain dahil alam ko gutom na sila. Lahat kami ay naging busy sa pag-aasikaso sa unang gabi ng burol ni Sue, mabuti na lang at naalala ko pa sila. Napakadami agad nakiramay. Lahat kami, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kapitbahay ay sobrang hindi makapaniwala na wala na si Sue. Sino ba naman kasi ang mag-aakala gayong ang sigla-sigla ni Sue. Kahit pa alam naming lahat na may abnormalities ang kanyang puso ay hindi namin inakala lahat na mangyayari ito. Pagdating nga kanina ng kabaong ni Sue ay bumuhos ang mga luha namin. Pare-parehas malamang ang nasa isip namin na ang bata pa ni Sue para mawala. Malinaw naman ang paliwanag ng Doctor. Na lumala na pala ang sakit ni Sue kaya bigla na lang itong kinuha ng sakit. Hula namin ni Tito Ruel ay alam iyon ni Sue, inilihim lang niya. Malamang may mga nararamdaman na si Sue noon pero pinili ng pasaway na babaeng iyon na hindi sabihin. Nagkunwari na masigla kahit na hindi na pala. At siguro ay para hindi mag-alala ang kanyang dad sa kanya. Naiinis ako kay Sue, sa totoo lang. Dahil bakit pati ang tungkol sa sakit niya ay ginawa niyang tila biro. Bakit hindi niya siniseryoso? Akala niya kasi lahat ng bagay ay madadala sa kakulitan niya. Ganito tuloy ang nangyari. Sobarang sakit sa damdamin ko na wala na si Sue. Hindi ko lang siya pinsan, kapatid ko na siya. Parehas kami ni Jaroh na ginagawa namin ang lahat para hindi siya sumpungin ng sakit niya pero siya naman pala ang nagpabaya sa sarili niya. Kapag dumating ang time na muli kaming magkikira, babatukan ko talaga siya. Isa siyang dakilang pasaway. "Ang sama mo Jaroh! Hindi ko akalain na ikaw pa ang dahilan ng pagkawala ni Sue!" bulyaw ko pa kay Jaroh. Disappointed talaga ako sa kanya. Dito ko nakita sa terrace ng bahay nina Sue sina Edz at Jaroh. Tatawagin ko na sana sila kanina para nga kumain na pero kasi ay narinig ko na seryoso ang usapan nila. Pinipilit ni Edz si Jaroh na umamin daw kay Tito Ruel. Dapat daw malaman ni Tito Ruel ang nangyari sa bahay nila dahilan para sumpungin si Sue ng kanyang sakit. Baka hindi raw matahimik si Sue. "Hindi ko pa kaya. Ayaw ko pang malaman nina Tito Ruel at Daddy ang kabaklaan ko. Lalo na ang tungkol sa ating dalawa. Sigurado ako na isusumpa nila ako," sagot kanina ni Jaroh kay Edz. "Nawala na sa akin si Sue, ayaw kong pati sina Dad at Tito Ruel. Baka atakehin din sila sa puso." Literal na nalaglag ang panga ko at lumuwa ang mga mata ko. Malinaw pa sa sikat ng araw ang narinig ko. At kahit hindi na ako magtanong ay na-gets ko na ang nangyari. Sigurado ako na nalaman ni Sue ang sekreto nina Jaroh at Edz na mga bakla sila at magkarelasyon. Dahil do'n ay sobrang nagulat at nasaktan si Sue, hanggang sa sinumpong siya sa sakit niya at napunta sa cardiac arrest. "Ivee, bago ka magalit makinig ka muna sa akin please? Hindi ko iyon sinasadya," pakiusap ni Jaroh sa akin.   "Malinaw na sa'kin ang lahat! Ang sama niyo! Niloko niyo si Sue! Pinaglaruan niyo ang damdamin niya! Lalo na ikaw, Jaroh! Pinagkatiwalaan ka pa naman namin! Pero ikaw lang din pala ang magpapahamak kay Sue! Nakakadiri kayo!" sigaw ko. Hindi ko sila mapapatawad. "Sa tingin mo gusto ko ang nangyari kay Sue?! Sa ating dalawa, ako ang mas nagmamalasakit sa kanya! Alam mo 'yan!" tumaas na rin ang boses na sabi ni Jaroh. "Mahal na mahal ko Sue! Higit pa sa kapatid! Higit pa sa kaibigan! Higit pa sa buhay ko! Alam ng Diyos na bata pa lang ako ay hinihiling ko na Sa Kanya na sana ako na lang ang may sakit at hindi si Sue! Sana ako na lang ang namatay at hindi siya!" "Sinungaling!" Ang lakas din ng sigaw ko. "Ivee, Jaroh, mag-usap kayo ng mahinahon," awat ni Edz sa aming dalawa. Gusto ko rin sanang sigawan si Edz dahil ano pang saysay kung mag-uusap kami ng mahinahon ni Jaroh. Kahit naman anong ipaliwanag nila sa akin tungkol sa kabaklaan nila ay hindi pa rin naman maibabalik ang buhay ng aking pinsan. Tiningnan ko siya ng masama. "Ivee, wala kaming kasalanan. Lalo na ni Jaroh dahil ginawa namin ang lahat para hindi masaktan sana si Sue. Kahit ayaw namin ay pinagbigyan namin ang gusto niya dahil mahalaga siya sa amin," paliwanag na rin ni Edz sa akin sa malumanay at malungkot na boses. Kinalabutan pa ako dahil sino ba ang mag-aakala na hitsurang lalaking-lalaki, campus crush, hinahabol ng mga babae, ay isa pa lang part ng l***q+ community. Nakakaloka. Hindi ko masisisi si Sue kung ikinamatay pa niya ang natuklasan. Imagine naman kasi ay na-inlove siya sa isang bakla pala tapos karelasyon pa ng best friend niya. Kawawang Sue. "Ivee, nakikiusap kami sa'yo. Huwag mo naman sana kami pangunahan. Ako ang magsasabi kay Tito Ruel ang tungkol dito. Utang na loob huminahon ka," sumamo ulit sa akin ni Jaroh. Kay Jaroh naman ako napatitig nang masama. "Waaaaahhhhhh!!" at atungal ko sa loob-loob ko. Bakit sila pa ang mga naging bakla? Juskolord! Aaminin ko na muntik ko nang naging crush noon si Jaroh, buti na lang pala at napigilan ko ang damdamin ko. Naisip ko kasi noon na baka mahal nina Jaroh at Sue ang isa't isa tulad ng pinagpipilitan ko noon kay Sue kaya naman pinigilan ko ang damdamin ko para sa kanya, at nagtagumpay naman ako. Kaysa maging crush siya ay tinurin ko na lang din siyang kaibigan. Ang tanga-tanga ko rin pala dahil hindi nahalata na bakla si Jaroh. Naunawaan ko na ngayon kung bakit umaasim ang mukha ni Jaroh lagi kapag binubuksan ko ang topic noon na baka balang araw ay sila rin ni Sue ang magkakatuluyan. Imposible nga pa lang mangyari. Hindi na nakatiis si Jaroh. Lumuhod na siya sa harapan ko. "Please, Ivee? Unawain mo sana ang sitwasyon ko." Shookt ako. "Tumayo ka, Jaroh!" "Jaroh?!" Kahit si Edz ay nagitla. "Sabing tumayo ka!" Inakay ko si Jaroh. Pinatayo ko siya. Naawa naman ako nang nakita kong lumuluha na siya. "Sising-sisi ako na naglihim ako kay Sue. Sana ako na lang ang namatay," tigmak ng luha na aniya. May kung ano namang humaplos sa puso ko. "Bakit ba kasi naglihim ka pa? Kahit ano ka pa ay alam ko na matatanggap ka niya. Kilala mo si Sue, mahal na mahal ka rin niya, kaya kahit sino ka pa ay sure ako na magiging proud siya sa'yo." "'Di ko naman 'yon gusto. Napipilitan lang ako na maglihim dahil natatakot ako na makaapekto sa sakit niya." "Kung sana sinabi mo na noon ay wala sanang nangyari na ganito," sabi ko. "Sure ako na hindi dahil sa kabaklaan mo ang dahilan kaya hindi niya nakayanan, kundi dahil sa relasyon niyo ni Edz." "I know." Mas nag-unahan pa ang pagpatak ng mga luha ni Jaroh. "Pero ayokong malaman din kasi ni Daddy. Hindi pa ako ready na mag-out sa pamilya ko." Alam ko na bumakas na sa mukha ko ang pagkaawa ko kay Edz. Mahirap nga naman ang pinagdadaanan nito. "Matagal ko nang binalak na sabihin kay Sue ang katotohanan. Pero alam mo naman ang pinsan mo na iyon, hindi mapagkakatiwalaan sa mga sekreto. Nag-alangan ako na ipagkatiwala sa kanya ang sekreto ko dahil baka imbes na tulungan niya akong itago ay siya pa ang unang magsasabi kay Dad na bakla ako." Tumango ako, unti-unti ko na siyang nauunawaan nang lubos. Naunawaan ko na na prinuprotektahan lang ni Jaroh ang sarili sa mismong ama nito na baka hindi rin makaunawa sa sitwasyon nito. "Hindi ko na lang sinabi kahit na kanino maliban kay Edz ang totoong ako dahil ayokong umabot ito kay Daddy. Natakot ako na baka kung hindi man si Sue ang maapektuhan ay baka si Dad naman ang atakehin sa puso," dagdag pa ni Jaroh sa kanyang paliwanag. Binalot kami ng saglit na katahimikan. Wala na akong masabi. Pero anong gulat naming tatlo nang nagsalita si Tito Ruel sa may likuran ko. "Mga bakla kayo?!" salubong ang mga kilayniya na pagpapatotoo sa narinig. Awtomatikong namilog ang mga mata naming tatlo.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD