Ellen: "Lilinisin ko na ang sugat mo." Matigas ang ulo ni Juana, wala itong pinagkakatiwalaan bukod sa kapatid na si Rafael. "Hindi naman ako baldado. Hindi ka naman siguro bulag?" Painis na sagot nito sakin. Pinagpasensiyahan ko na lamang ito dahil sa alam kong hindi pa siya makapaniwala sa mga nangyayare. "Pasensiya kana. Itatabi ko nalang itong gamit pang linis ng sugat mo. Kunin mo nalang." sabi ko. Hindi ko alintana kahit na nakahubo si Juana, ikukuha ko lamang siya ng damit sa silid ko. "Ano kaba dito?" Tanong niya. Natigilan ako sa paglalakad at lumingon. "Asawa ko si Ford at kaibigan ko ang kuya mo." She rolled her eyes. Mataray siya mukhang mahihirapan ata ako magpasensiya sakanya. "Asawa ka ng lalaking yon? Buti nakakatagal ka." She added. "Mabait naman si Reid kung