Ellen: "Natatakot ako sa pwedeng mangyare. Wala na bang katapusan to?" Sabi ko habang nakatingin lamang si Reid sa kawalan. Narito kami ngayon sa aming kuwarto. Hindi nag salita ito at palakad lakad lamang. Nagiisip ng malalim. Kinuha ko ang atensiyon nito dahil labis na akong nag aalala para sakanya. Kilala ko si Reid at alam kong problemado ito. "Reid, please wag kang mag alala kaya ko ang sarili ko. Kakayanin ko lahat. Kaya kong maging katulad niyo." Napatingin ito sakin. "Kailangan natin mag handa Ellen. Tuturuan kita." Kaagad akong sumang-ayon sa asawa ko. Alam kong ito lang ang paraan para mapagtanggol ko ang sarili ko. Ayoko namang palagi nalang nag aalala sakin si Reid. Ayokong maging pabigat sakanya. "Ana ihanda mo ang training room." Utos nito kay Ana. Kaagad naman itong