"Reid ang dami nila!" Tarantang sabi ko. Nawawala na sa paningin namin ang sasakyan ng tatlong assassin ni Reid. "Shit." Mura niya. Kaagad niyang kinuha ang phone at ibinigay sakin. "Tawagan mo si Ana. Tiyakin mong makukuha niya si Ellen sa mansion." Sinunod ko agad to. Tinawagan ko si Ana at sumagot naman to. Base sa naririnig ko ay nakikipagbarilan to. "Ana?!" sabi ko. Sinabi ko lahat ng sinabi ni Reid. "Okay Copy." Sabi ni Ana. "Ana ano yung naririnig kong putukan? Nasa mansion ka?!" Tanong ko. Sumigaw ng malakas si Reid. "Itakas mo si Ellen. Kapag may nangyareng masama sakanya papatayin kita." Sabi niya kay Ana. "Copy." Sabi nito at pinatay na ang phone. Pinaharurot pa ni Reid ang sasakyan. "Kailangan maabutan natin sila bago tayo maunahan ng mga nasa likod." sabi ni Reid