Ellen: Tanghaling tapat, kasalukuyan kaming kumakain ni Reid sa glass house nito malapit lang din sa mansion niya. Kumakain lang kami ng tumigil ito. "Bakit?" Tanong ko agad. Hindi ako pinansin nito at inikot lang ang tingin sa paligid. "Hello? May kausap ba ako?" Sabi ko. "f**k they're here." Sabi nito tsaka mabilis binunot ang b***l. Nanlaki ang mga mata ko dito. Ibig bang sabihin nito e magbabarilan nanaman? Hinila niya ako pababa at hindi nga siya nagkamali dahil pinaulanan ng bala mula sa labas ang glass house niya. "Aray!" Sabi ko ng magpagulong gulong kami sa sahig. Diyos ko hindi paba matatapos to?! Nagpapanic nanaman ako sa mga nangyayare. Nakita ko naman ang pagsipot ng tatlo nitong assassin at nakikipag barilan na kung sino man ang mga nasa labas. Puro bubog na ang sa