"Sari samahan mo ko please gusto kong makita si Reid." Sabi ko. Kahit pa paulit ulit ako at alam kong nasa kritikal siyang kundisyon ay pinipilit ko padin sila na makita ang asawa ko. Tumingin si Sari kay Stepen. "Pwede na ba natin puntahan si Reid?" Hindi pa sumasagot si Stepen ng may pumasok na nurse. "Mrs. Ford gising na pala kayo. Nasa katabing kwarto lang ang asawa niyo pwede niyo na siyang bisitahin pero hanggang 10mins lang dahil hindi pa siya nakakarecover." Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at tinahak ang kay Reid. Kasunod ko sina Sari. Hindi ko mapigilang mapaiyak lalo ng makita ko siyang nakaratay sa kama at halos wala ng buhay kung tignan. Napakadami niyang sugat at tahi dulot marahil ng matinding laban niya. Ngunit nananaig padin ang kagwapuhan niyang taglay kahit