Pagdating sa condo unit ni Angelo napangiti ng husto si Liza ng makita niya ang mga halaman na sumalubong sakanila ng buksan nito ang pinto. "Mahilig ka padin pala sa halaman? Ang ganda!" Nilapitan agad niya ang mga halaman sa bawat gilid ng pader. Punong puno ng ibat ibang klaseng halaman ang condo unit nito. Amoy na amoy niya ang fresh air dahil sa mga halaman. "Hoy.. Don't touch anything.." babala nito sakanya ngunit hindi niya ito pinansin. Bilib na bilib kasi siya dahil napapalago nito ng husto ang bawat halaman sa gilid ng pader. "Grabe paano to na-aarawan?" "Look up.." Napatingala siya dahil sa sinabi nito. Napangiti siya dahil gawa sa salamin ang kisame. "Wow! Edi ang init dito kapag umaga?" tanong niya "Dito lang. Pero pag pasok mo dun hindi na.." tinuro nito ang is