Walang imikan sa kanilang biyahe si Alondra at Hendrick, panaka-naka pa rin ang paghikbi ni Alondra dahil hindi talaga niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi masaktan. Lalo na at para bang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga binanggit ng kanyang Mama at Papa. Sobrang sakit para sa kanya ang bawat katagang binigkas ng mga ito. Parang pinipiga ang kanyang puso, para siyang binuhusan ng malamig na tubig kanina sa presinto. Talagang nagawang magsalita ng ganong bagay ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang mama sa harap ng kanyang Uncle Hendrick pati na sa mga ibang tao pa na nandoroon. Kitang-kita niya ang mga matang nakatuon sa kanya, mababanaag ang pagkaawa at sobrang pagkahabag para sa kanya. Kaya hiyang-hiya siya kanina sa mga nakarinig. Ano na lamang ang iisip

