Kinabukasan Gaya nga ng napag-usapan, nagtungo si Hendrick kasama ang kanyang Lola Celly sa kulungan kung saan nakakulong ang mga magulang ni Alondra. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng kanyang lola sa mga magulang ng kanyang asawa, pero pinagbigyan na lamang niya ito. Umaasa kasi siya na pahihintulutan na nito ang pag-iibigan nilang dalawa ni Alondra. Ilang sandali lamang silang naghintay sa visiting area at maya-maya pa ay kaharap na nila ang mga magulang ni Alondra. Medyo nangangayayat na ang mga ito, hindi katulad dati. Ang Mama ni Alondra na lagi noong nakapustura, ngayon simpleng damit ng preso ang suot nito. Tshirt iyon na partner at maluwang na pantalon. Gano'n din ang ama ni Alondra na kung dati mga mamahalin at branded ang suot na mga damit ngayon at tshirt na lamang ng

