"Sige po Manang, pakisabi lalabas na kami." Wika niya sa kasambahay, dahil mukhang naghihintay ito ng sagot niya. "Okey Señorita, sabihin ko na lang po." Tugon naman ng kasambahay, kapagkuwa'y narinig nila ang papalayong mga yabag nito. "Hendrick, ano ka ba magbihis ka na, nandiyan daw sina Mama at Papa. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Manang?" Sita naman niya sa lalaki na hanggang ngayon ay sambakol pa rin ang mukha. Talagang hindi iyon maipinta at halatang inis na inis sa pagkakaudlot ng kanilang ginagawa. "Hayyy, kasi naman bakit gabing-gabi na nagtungo pa ang Mama at Papa mo." Naiinis pa na wika nito.. "Ewan ko din po, kaya mag-asikaso ka na diyan. Ayaw mo naman sigurong maabutan ka ng Mama sa ganiyang ayos." Natatawang wika niya dito. Sambakol ang mukha nito pero minabuti

