Madaling araw na ng makarating sa taytay si Alondra at Manang Connie, agad silang dumiretso sa ospital kung saan naka confine ang kanyang Papa. Alalang-alala na kasi siya sa kanyang papa lalo pa at hindi na niya ma-contact pang muli ang numerong tinawagan ng kanyang mama. Pagkadating nila sa ospital ay agad na nagtanong sila kung anong room number ng kanyang papa. Matapos na mag-search ng lalaking staff ng hospital ay agad na sinabi sa kanila ang numero ng silid na inuukopa ng kanyang papa. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil nasa private room na ito, ibig sabihin ligtas na ito sa panganib. Kaya naman taimtim siyang nanalangin at nagpasalamat sa pagkakaligtas ng kanyang Papa. Pagdating nila sa pribadong silid nito ay tulog na tulog ang kanyang papa at mukhang walang nagbabantay dit

