“WELCOME HOME!” malakas na sigaw ni Alondra pagkababang-pagkababa ng sasakyan ng kanyang Mama at Papa. May pa tarpaulin pa na hawak ang ilang kasambahay nila sa pagsalubong sa mga ito. “Oh Diyos ko! Anak koooo! Anakkkk!” sigaw ng kanyang Mama at mabilis itong tumakbo papalapit sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang ipinagkaloob nito sa kanya, at ganon din ang ginawa niya. Humagulhol ito ng todo habang yakap-yakap siya, at ganon din naman siya hindi niya napigilan ang hindi din maiyak dahil ito ang unang beses na niyakap siya ng kanyang ina na ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito. Ito ang unang beses kaya talagang hindi niya mapigil ang kanyang sarili. Lalo na ng lumapit din sa kanila ang kanyang papa na noon ay lumuluha na habang papalapit sa kanila. Hindi nito mapigilan ang ma

