“Tang*na! Tiyang Conchita! Anong ginawa ninyo. Nasisiraan na ba kayo ng ulo?!” Galit na galit na sigaw ni Hendrick, sabay lapit sa matandang tiyahin na kapatid ng kanyang Papa. Inagaw niya ang plangganang may munggo at asin na hawak-hawak nito. Napasigaw na lamang kasi si Alondra ng biglang pagbabatuhin ito ng monggo at asin ng kanyang Tita Conchita. “At bakit ako titigil? Dapat nga isang sakong asin at monggo ang ibinuhos ko sa babaeng iyan! Para mawala ang kamalasan dito sa bahay mo. Napakawalang hiya, nagtungo pa talaga dito sa pamamahay mo! Naninindig ang balahibo ko sa tuwing nakikita ko ang walang hiyang babae iyan!Paalisin mo ang babaeng iyan dito ngayon din Hendrick, hindi ka ba nagagalit man lang na sarili mong pamangkin, ginawan ka ng masama ng dahil lang sa pera. Papatulu

