Kabanata 73

1521 Words

Isang buwan ang matuling lumipas. Halos mabaliw-baliw na sa kakahanap si Hendrick sa kanyang asawang si Alondra. Pero wala talaga siyang idea kung saan ito nagtungo. Hinanap na rin niya ito sa mga kamag-anakan nila pero wala talaga. Maging sa mga magulang nito ay nagtanong na rin siya kung saan maaaring magtungo ang kanyang asawa pero ang sagot ng mga ito ay hindi daw nito alam. Hindi niya talaga akalain na mahihirapan siya ng ganito sa paghahanap sa kanyang asawa kahit ang numero nito parang hindi na nito binubuksan. Maging f*******: account nito ay naka-deactivate din at pati na ang account nito sa pagsusulat na si Malaya ay wala ring update. Sobra sobra na nga ang pag-aalala niya sa kanyang asawa, buntis pa naman ito at hindi pa ito gaanong malakas. Kailangan pa nito ng pahinga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD