Tamang-tama sa pagbukas ng pinto ng silid ni Hendrick, nakita niya si Alondra na pinipilit maglakad patungo sa silid nito. Tila walang lakas ang mga paa nito dahil para bang sa bawat paghawak ng kamay nito sa pader ay doon ito kumukuha ng lakas. Lalabas na lamang sana siya at doon na ito hihintayin pero mukhang mas mainam na hintayin na lamang niya ito sa silid. Baka ipagkanulo pa siya ng kanyang nararamdaman dito. Andon kasi iyong kagustuhan na lapitan niya ito at tulungan o kaya ay pasaninan niya ito. Pero minabuti niya na huwag na lamang dahil mukhang natatalo na naman siya ng kanyang puso. Lumalambot na naman siya kapag nakikita itong nahihirapan na dapat niyang pag-aralang alisin sa kanyang sistema. Sa kabila ng mga ginawa nitong kasamaan sa kanya bakit ganito parang mas nangi

