PART 5

1768 Words
Hindi sana papansinin ni Faith ang singsing niya dahil nakatuon ang pansin niya sa lalaking pumasok sa bahay ng mga magulang niya. Ngunit panay kasi ang vibrate at naiirita na siya. "Yes?!" sagot niya nang hugutin niya ang singsing at ilagay sa tainga niya nang naging hikaw iyon. Hindi inaalis ang tingin sa pinto ng bahay na kanina pa niya binabantayan. "Faith, where are you?! May message ang Dad mo sa 'yo! Naku lagot ka!" Si Jhie pala ang kumukontak sa kanya. "Dito lang sa tabi-tabi. Why?" "Bumalik ka na rito dahil in two hours ay may pupuntahan ang Dad mo at kailangang escort-an niyo siya ni Ate Len mo!" Her beautiful face creased. Kapag gano'n kasi ang lakad ng Dad niya na dapat sila ng kapatid ang magiging alalay ay siguradong mapanganib iyon o kaya mapanganib ang taong katatagpuin nito. At hinding-hindi puwede na wala kahit sino man sa kanila ni Len. She let an exhausted sigh before answering Jhie eventhough ayaw niya pa sanang umalis sa lugar. "Okay! I'm heading back there now!" Pinatay na niya ang tawag ni Jhie at nagmamadali ang kamay niyang may pinindot siya sa laging suot niyang relo parehas ng kanyang hikaw. Tinutok niya iyon sa motor ng lalaking pumasok sa bahay ng mga magulang niya. At nang pinisil niya ang maliit na button ng aakalain mong ordinaryong relo lang ay may tumalsik doon na maliit na bagay at dumikit sa isang bahaging tago ng motor. Saglit lang ay nagblink-blink ang ilaw n'on na green kasabay ng pag-blink-blink din sa relo niya. Isa iyong tracking device. Na hindi basta-basta mahahalata ng mga ordinaryong mga tao lamang. Pagkatapos ay mabilis nang pinaharurot niya ang kanyang sasakyan paalis. Hindi siya puwedeng ma-late sa lakad ng kanilang Dad. Sayang dahil hindi na niya nakita ang humahangos na si Rey na lumabas sa bahay na iyon at tarantang naghanap ng taxi. "Pare, patulong ako!" Paghihingi rin ng saklolo ni Rey sa mga nakatambay na mga kalalakihan sa tabi-tabi. "Pre, bakit?! " "May nahimatay sa loob!" sagot ni Rey. Wala nang tanong-tanong pa ang mga kalalakihang tinulungan si Rey. Dinala nila sa ospital si Aling Felisita, ang nanay ni Faith. ••• Nagtataka na si Faith dahil hindi na umalis pa ang tracking device niya sa kinaroroonan nito. Kanina pa nanatili iyon sa location, sa location na General Hospital. Ibig sabihin nanatili rin ang lalaking nagmamay-ari ng motor na iyon sa location. Pero bakit sa ospital? Anong ginagawa ng lalaki ro'n mula sa bahay ng mga magulang niya?! She's feeling worried already. What the hell is going on?! "Mukhang may sinusundan kang tao, ah?! Pinapalakad ba 'yan ni Dad?" Nagulat siya nang biglang magsalita sa likod niya ang Ate Len niya. Agad niyang pinatay ang relo niya at kunwa'y inayos-ayos niya ang mukha niya at buhok niya sa salamin. Narito siya sa banyo, nagbanyo muna siya kunwari pero para i-check pala ang kinaroroonan na ngayon ng lalaking nilagyan niya ng tracking device ang motor. "None of your business," she said as calmly as possible. Nuknukan talaga ng pagkapakialamera ang kapatid. Humarap din sa salamin si Len at sinipat-sipat din ang hitsura nito sa salamin. Sa mga repleksyon nila sila nagkakatinginan. Parehas silang maganda at matangkad. Pagkakamalan mo silang modelo kapag iyong nakita. At parehas ding magaling sa lahat ng bagay. Ang pinagkaibahan lang nila ay may puso pa siya kahit paano hindi tulad ni Len na wala na yata, bato na 'yata ang puso nito. "Just be careful, Sis. Dahil kapag may nasilip ako sa 'yo na hindi ikakatuwa ni Dad ay--" Sinadyang binitin ni Len ang sinasabi dahil hinarap muna siya nito. Kinakabahan man ay taas noo pa ring hinarap din niya ang kapatid niya. Nagngisian sila. "--ay alam mo na ang mangyayari!" tapos ay dugtong ni Len sa sinasabi saka sopistikadang tumalikod na. Unti-unting nawala ang ngisi sa mga labi niya nang wala na ang kapatid niyang mayabang. Napaharap ulit siya sa salamin at napahawak ng mahigpit sa sink. Alam niyang hindi lang 'yun babala ng Ate Len niya, dahil kapag nagsalita iyon ay totoo talaga! Gagawin nito talaga! However, She's not afraid. Nga lang ay naisip niya ulit ang mga magulang niya. Alam niyang hindi mga sasantuhin ng kanyang kapatid ang mga ito. Lalo na kung magiging sagabal sila sa kanyang pagiging assassin. Kinalma niya muna ang sarili bago siya lumabas ng washing room. Ngumiti sa kanya ang ama nang makita siya nito. Nasa likod nito si Len at muli ay makahulugang nagkatinginan silang magkapatid. "Let's go," sabi na ng Dad nila. Halatang kampanteng-kampante ito dahil sila ang mga escort nito. Dahan-dahang nagpatiuna na ito ng lakad dahil nakatungkod na ito gawa ng katandaan. Tungkod na hindi rin basta-basta. Dahil anytime ay pwede kang patayin ni Don Savillano gamit lang ang simpleng tungkod na iyon nang hindi mo namamalayan. Ilang sandali pa ay pumasok na silang mag-aama sa mamahaling restaurant kung saan daw magkikita ang Dad nila at ang matagal na nitong hindi nakikita na kaibigan. Mailap ang mga mata nila ni Len. Lalo na nang pinapasok sila ng isang waiter sa isang secret room ng restaurant. "Savillano, long time no see!" bati agad ng may edad na ring lalaki na mataba sa kanilang Dad. Punong-puno ito ng ginto sa katawan at may mga nakabantay sa likod nitong mga lalaki na malalaki ang mga katawan. "Graciano, kumusta?" natuwa namang balik bati ng Dad nila rito. Inalalayan agad nilang magkapatid ang ama na umupo. "Umupo rin kayo," utos sa kanila ng Dad nila. Alinlangang sinunod nila ang Dad nila dahil gusto sana nila ay sa likod lang sila ng Dad nila. Nase-sense kasi nilang may binabalak na hindi maganda ang kaibigan ng Dad nila. Magkabilang side na lang ng Dad nila sila umupo. Tumatawa lang ang lalaking mataba. "Sila na ba 'yung mga batang---" sasabihin sana nito pero natigil nang um-interrupt si Don Savillano. "Huwag kang mag-alala. Mga anak ko sila Graciano. So, ano ba ang dahilan at pinapunta mo ako rito?" Tumawa ulit si Don Graciano tapos ay sumeryoso. "Savillano, alam mo naman na bobo akong tao. Hindi ako katulad mo na maraming alam na paraan para magpayaman." "Alam ko 'yun," pagak na tumawa rin si Don Savillano. "Oo alam mo na talaga 'yon. Kaya sana huwag mong pinakikialaman ang mga diskarte ko!" Dumiin ang boses ni Graciano. "Hindi kita maintindihan, Graciano!" gayundin ang Dad nila. Ngumisi si Don Graciano. Saglit lang ay isang patalim ang biglang pumuntirya sa ulo ni Don Savillano. Na agad namang napigilan nila ng Ate Len niya gamit lang ang mga daliri nila. Para silang kidlat kung kumilos ng mabilis. Napakabilis! Siya ay naipit ang patalim sa daliri niya sa may bandang dulo at si Ate Len niya naman sa may bandang gitna. At sabay ring pinatamaan nila ng knife ang lalaking nagpakawala ng patalim. Doon sa may kurtina! "Urgh!" sambit ng lalaking tinamaan ng tinidor. Natamaan ito sa lalamunan at sa noo. Tumba sa harapan nila ang lalaki na agad nawalan ng buhay. Naalarma ang ibang mga lalaking nasa likuran ni Don Graciano. Agad silang tinutukan ng baril na magkapatid. Naningkit naman ang mga mata nila. Pumusisyon sila ng pangkarate. Magkatalikod sila, nasa pagitan nila ang Dad nila. Dikawasa'y biglang pumalakpak si Don Graciano. "Ibaba niyo 'yang mga 'yan!" tapos ay utos nito sa mga tauhan. "Sabi ko na nga ba, Savillano!" Sinenyasan na rin ni Don Savillano ang dalawang anak. Ni hindi ito nakaramdam ng ano mang takot dahil sa mga anak nitong mga dalubhasa. Ayaw man ay umupo ulit sila ng Ate Len niya. Kung sila sana ang masusunod ay patutumbahin na lang nila ang lahat ng nasa harapan nila. Ang lalakas ng mga loob na pagbantahan ng mga ito ng buhay ang kanilang Dad! They deserve to die and rot in hell! "Sabi ko na nga ba at isa sa mga anak mo ang nagpatumba kay Kyahon!" wika ulit ni Don Graciano. Ang tinutukoy nito ay ang bilyonaryong pinatay niya kahapon lang. Napangiti na rin si Don Savillano. "Iyon ba? Hahahaha!" Tapos ay natawa ng malutong. "Alam mo bang malaking pera sana ang makukuha ko ro'n!" Dumiin ulit ang boses ni Don Graciano. Galit na. "Pagpasensiyahan mo na. Nagkataon lang siguro na kailangan ko na siyang ipatumba. Hindi 'yon sinasadya," mahinahon pa ring sabi ni Don Savillano. Madami pang napag-usapan ang dati raw na magkaibigan. Nakinig na lang sila na magkapatid. At wala naman nang sumunod na nangyari na 'di kanais-nais. Actually nagkahiwalay pa ang dalawa na nagtatawanan. Pero bago sila naghiwalay na mag-a-ama ay may sinabi sa kanila ang Dad nila. "Darating ang araw na kailangan ding iligpit ang kaibigan!" Naunawaan nila iyong magkapatid. Ngumiti lang sila sa Dad nila. Pero nang hindi na nakatingin ito sa kanila ay nagkatinginan na naman ng masama sila ni Ate Len niya. Alam kasi nila na darating din 'yung araw na magkakabanggaan din silang magkapatid. Sa ayaw man o gusto nila dahil alam nilang nakatadhana na 'yon sa kanila noon pa! Nakahinga na lang siya ng maluwag nang makapasok siya sa bahay niya. "Kumusta ang lakad?" tanong agad sa kanya ni Jhie na naabutan niyang nagmimiryenda sa harap pa rin ng mga computer. "Ito buhay pa naman," she answered dryly habang hinuhubad ang relo niya. At inabot kay Jhie. "Ano 'to?" "Kayang mong pasukin ang system ng Generel hospital?" she asked seriously. "Yun lang?! Oo naman! Pero bakit?" "Good! Ayon kasi sa tracking device ay hindi na umalis ang taong nilagyan ko sa hospital na 'yon! I badly need to know why?" "Tapos?" She crossed her arms. "Because I have this strong feeling na... na baka nanay ko o tatay ko ang tinakbo ng lalaking 'yon sa hospital!" Biglang nailapag ni Jhie ang hawak nitong high tech na relo. "Diyos ko ka naman, Faith! Pumunta ka kanina sa mga totoong magulang mo?!" She nodded with a small smile. Alam naman niyang hindi siya ilalaglag ni Jhie sa Dad niya. "Ay diyos ko!" naisambit ni Jhie na napaantada. Takot na takot na naman ito. "Huwag ka ngang matakot. Maingat naman ako pagdating sa bagay na 'yon. Kaya sige na tulungan mo na lang akong pasukin ang system ng hospital na iyon. At alamin mo kung may Felisita Sarajena na naka-confine roon!" "Ayoko!" ismid ni Jhie. "Ano ka ba naman?! Ito lang ang favor ko sa 'yo, eh!" "Basta ayoko!" kaso ay giit ni Jhie na humalukipkip. Alam kasi nito na oras na ginawa nito ang pinag-uutos ni Faith ay parang naghukay na rin ito ng magiging libingan ng kaibigan. This time, si Faith naman ang walang nagawa. Hindi niya talaga napilit ang kaibigan kaya siya na ang gumawa n'on..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD