Kabanata 1

2392 Words
Kabanata 1 Dance "Come on Liz, hindi ako magtatagal! I just wanna check some bags and shoes here." Pinakita sa'kin ng sales lady ang dala n'yang pares ng sapatos pati na rin ng mga kasama nito. Sa bandang kaliwa ko naman ay ilang bags na dala ng limang sales lady. "You are wasting your money again for that stuff?!" Sinenyasan ko ang mga ito na kukunin ang lahat ng iyon. Bago sagotin si Liz. "Alam mo namang ito lang ang pang stress reliever ko," sagot ko. "I don't buy it. Ilang araw ka bang nagwawaldas ng pera kaka-shopping?!" Nilayo ko nang bahagya ang cell phone sa aking taenga. Liz for sure is really pissed. Siya kasi ang pinagagalitan ni Dad at hindi ako. "What do you want? Do you want me to buy you a bags or shoes? Gusto mo ba yung bagong labas ng LV? Or Channel?" "Come on, Midori. Hindi ako nakikipabiruan dito!" A wide smile appeared on my lips. Alam ko kasing malapit na 'tong bumigay. "Sayang naman hindi ka magkakaroon ng limited edition nila." Pangbubuyo ko pa. Isang butong-hininga ang pinakawalan nito sa'kin kaya mas lalong lumuwang ang ngisi ko. "I'll be home after dinner. Tawagan mo ako kapag nakaalis na sila ha?" Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil mabilis ko nang pinatay ang tawag. I know Liz very well, hindi ito makakatanggi kapag inalok ko na siya ng Channel bags and LV. Ito ang palagi kong panapat sa kanya kapag gusto kong takasan ang ilang dinner gathering ng family. Liz is Dad's long time secretary. Hindi lang si Dad ang pinagsisilbihan n'ya, kung minsan ay kasama ko siya sa ilang business trip. Loyal din ito sa'kin dahil nabibigay ko ang luho na gusto n'ya. Hindi ito makatanggi dahil tempting talaga ang mga inaalok ko sa kaniyang suhol. Matapos ibalik sa akin ang card ko ay umalis na ako at sumakay sa aking kotse. Dumaan ako sa salon sandali para magpakulay ng buhok at magpa-massage na rin bago tumuloy kina Zandy. Birthday kasi ng kuya nitong si Arc. His brother is actually hot. I'm kinda attractive to him. Iyon nga lang ay may girlfriend na ito. Isa sa campus queen ng school namin si Fina. Pero walang hindi nakukuha si Midorri. "Kaya kong maagaw si Arc sa kaniya kung gugustohin ko. Pero dahil mabait ako at walang toyo. Pagbibigyan ko muna sila at hahayaang mag-enjoy. "You look so gorgeous, Veron!" Sumulyap ako sa full sized mirror at binisita ang bagong kulay kong buhok. Kulay ash blonde iyon na may konti pang high lights. Ngumiti ako at sumang-ayon naman sa kaniyang sinabi. Sawa na kasi ako sa puro black hair. Ayaw kasi ni Dad na magpakulay ako ng buhok kahit pa naiirita na ako sa bagsak at walang buhay kong buhok. I smiled widely. This is the start of my rebellion. Ngayon lang ako susuway sa mga gusto nila dahil ilang buwan na lang ay mag 18 years old na ako and I can do whatever I want in this age, right? Kahit pa nagpapatakbo na ako ng sarili kong negosyo ay hindi ko pa rin talaga hawak ang mga desisyon ko. Not until I heard a news last night. Dad wants me to marry someone I barely know. Isa pa he's older than me, if I'm not mistaken, nasa 25 na daw ang lalaki na gusto niyang ipareha sa'kin kaya hindi ko matanggap. Isa iyon sa mga tradisyon ng pamilya, kahit pa gasgas na ang tradisyon na iyon ay tila linta pa rin nakadikit sa pamilya namin ang pakikipagkasundo sa mga malalapit na kaibigan ng pamilya. And I hate being part of this tradition. Bakit hindi sasama ang loob ko, bukod sa ako ang pinakabata sa magkakapatid ay ako pa ang naisipan nilang magmana ng sumpa. My older sister Mira got married last year sa long time boyfriend nitong half spanish. Ang isa ko pang kapatid na si kuya Dan na nasa New York dahil doon niya mas piniling palaguin ang lingerie company nila girlfriend nitong si Shontelle. Ang sumunod naman sa akin ay si Rosy na siyang mas matanda lang sa akin ng tatlong taon. Bakit hindi na lang si Rosy ang ipakasal nila sa lalaki na iyon. Tutal ay graduate na si Rosy at nagsisimula na rin mag trabaho sa kompanya. Isa pa single pa 'yon at alam kong ready tumingle anytime. Naiinis na sinulyapan ko ang cellphone na tumutunog. It was dad. Tiyak na aabisuhan na n'ya ako sa palapit na dinner. Pero ni-cancel ko ang tawag at tuluyan na iyon pinatay. Matapos kong magbayad ay tuluyan na akong lumabas ng salon. Sa kotse sa parking area ko na rin piniling magpalit ng damit. Matapos ay hinila sa car phone storage ang isa ko pang cellphone. Binuhay ko iyon at mabilis na dinial ang number ni Zandy. "My God, finally tumawag ka rin. Anong oras ka pupunta?" Umpisa ni Zandy. "I'm on my way na d'yan my dinaanan lang ako." "Sus, if I know tumakas ka na naman sa dad mo. Bakit kasi hindi ka nagpaalam kay tito? Tiyak naman na papayagan ka no'n kapag nalaman niya na dito ang punta mo." I rolled up my eyes. Ayoko na lang magpaliwanag kung bakit kailangan kong tumakas kay dad ngayon. Ang mahalaga ay nagawan ko na ng paraan ang lahat. Tinawagan ko si Rosy kanina at sinabing maaga umuwi dahil may mga investors na intresadong makipag collab kay dad. Isa na rin sa kompaniyang bagong tayo lang n'ya. Sigurado akong uuwi ito ng maaga para asikasuhin ang lahat. I smiled devilishly. Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang magiging reaksyon ni daddy kapag nalaman niyang si Rosy ang haharap sa mga bisita at hindi ako. Baka nga magbago pa ang isip nila at si Rosy na lang ipalit para iapakasal sa mayamang negosyante na iyon. Maluwang ang ngiti kong nakarating sa venue. Luckily, hindi sa mansion nina Zandy ginanap ang pagdiriwang. I know dad has a lot of tentacles and in just one order, kayang kaya niya itong pagalawin kapag sinabi lang n'ya. Pero bago pa n'ya ako mahanap ay sisiguraduhin ko nang nakapag-enjoy na ako sa party na ito. "Veronica? Is that you?!" Salubong sa akin ni Zandy. Halos manlaki ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin. I rolled up my eyes for an answer. "Grabe hindi agad kita nakilala. You are stunning with that hair color and of course, you're perfectly gorgeous in that dress!" Nakipag-beso ito sa'kin. "Alam mo naman na matagal na akong boring sa itim kong buhok saka birthday ni Arc ngayon kaya pinaghandaan ko." Tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko kaya para hindi na humaba ang usapan ay hinila ko na ito papasok sa bulwagan. And as I expected, they turned their heads on me. Halos nakasunod rin ang leeg ng mga bisitang lalaki na nadaraanan namin. I'm wearing a tube red dress na tadtad ng sequins sa bandang harapan. Bakat ang pisngi ng aking dibdib dahil sa heart cut shape nito. "Tingnan mo si Ponce, halos tumulo ang laway kakatingin saiyo," Zandy whispered to me, matapos ay humagikgik sa aking tabi. "I'm sure, balak na akong ipakulam ni Nexcy dahil nabulag ko na naman ang boyfriend n'ya," kumento ko sa girlfriend nito na ka schoolmate namin. "Hundred percent sure." Dahil pareho kami ng iniisip ni Zandy ay sabay kaming nag flaunt ng suot namin, kulang na lang ay mag posing kami sa harapan ng mga ito para fashion show na ang dating. "Ayon si kuya," bulong sa akin ni Zandy. Natanawan ko ito na may kausap na ilang kaklase sa pinapasukan naming eskwelahan. Katabi niya mismo ang nobyang si Fina. Hinawi ko ang takas kong buhok at walang lingon na naglakad palapit dito. Malayo pa lang ay naagaw na nila ang pansin namin, lalo na ang ilang estudyante na kasama nito. "Happy Birthday, Arc..." malambing kong bati dito. Alam kong katabi n'ya ang girlfriend na si Fina, but I don't care. I kiss Arc on the cheek and hugged him in front of the guests. Matapos ay bahagya pa akong naglambaras sa leeg niya at tumingala dito. "Happy Birthday, hope you like my gift for you." Inabot ko dito ang isang maliit na paper bag. Alam kong hindi niya matatanggihan ang regalo ko sa kanya. "Salamat, dito. Veronica." Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko na para lang isang kapatid ang turing niya sa'kin. Ngumuso akomatapos ay inirapan ito. "Grabe ibang klase ang blooming mo ngayon Mido, may nagpapatibok naba ng puso mo?" tanong ng isa nitong ka eskawela sa'kin. "Single kaba ngayon, Veronica?" singit pa ng isa. Gustohin ko man silang i-entertain ay nakay Arc lamang ang buong pansin ko. Ramdam ko rin ang matalim na tingin sa'kin ni Fina na tila hindi napapansin sa tabi ni Arc. "Ako na maghahatid saiyo pauwi." Presinta naman ng isa pa. Isa sa mga varsity player ng school namin. Isa rin kasi sa mga team captain ng varsity si Arc kaya talagang marami itong kakilala at malakas ang impuwensya, lalo na malakas ang dating sa mga babae tulad ko. "Zandy, ikaw muna ang bahala kay Mido, huwag mong gugutumin 'yan!" Halos ipagtulakan kami ni Arc palayo sa grupo nila. "Ang killjoy mo," reklamo ni Zandy dito. Paano'y kausap nito kanina pa si Julio isa rin sa mga baskeball player na balitang nanliligaw sa kanya. "Sige na..." Tulak niya sa kapatid. Sumulyap pa sa'kin si Arc at kumindat bago ngumiti. Tiyak kong ginawa lang n'ya iyon para ilayo kami sa mga kaklase nitong nangungulit sa amin. Ngunit bago umalis ay humarap akong muli kay Arc. I kissed him again on the cheek and lastly niyakap ko siya ng mahigpit. "Happy Birthday again," I whispered to him. Narinig ko ang buyo ng kaniyang mga kaibigan kaya ngumiti ako bago lumayo dito. Sumulyap pa akong muli kay Fina na siyang matalim pa rin ang tingin sa'kin. "Nice dress," sambit ko dito bago ko siya talikuran. Matapos nun ay sabay pa kaming nagkatinginan ni Zandy matapos ay tumawa. "Grabe, nakita mo 'yon? Ang cheap ng suot, parang a-attend ng binyag," wika ko kay Zandy bago humagikgik ng tawa. "Sssh... Baka mamaya marinig ka!" Suway nito sa'kin bago ako hilahin sa buffet section. "Maganda nga iyon para magkaalaman na kung sino talaga sa amin ang mas deserving sa puso ni Arc." Tumaas ang kilay ko at umangat pa ang mga labi. "Syempre saiyo ang boto ko, ewan ko lang si kuya." I rolled up my eyes. Gusto pa sanang patulan ang sinabi n'ya ngunit gutom na kasi ako. Sa dami ng nilakad ko ngayong araw ay nakalimutan ko na ang kumain. Hindi ko rin masyado nagalaw ang pagkain ko dahil panay ang aya ng ilan na makipagsayaw sa'kin. Ngunit pili lang ang pinaunlakan ko, lalo na ang basketball team nina Arc. Hindi ako mapakali dahil tanging si Arc na lang ang hindi ko pa naisasayaw. Nang makakuha ng tiyempo ay binalak ko na sanang tumayo ngunit tumunog ang cell phone ko sa aking dalang purse. I rolled up my eyes, alam ko na kung sino ang tumatawag, walang iba kundi si Liz. Ngunit nang tingnan ko ang ang aking cellphone ay numero ni Dad ang rumehistro doon. I sighed. Hindi ko naman pwede i-cancel ang tawag niya. Kahit kailan ay hindi ko pa ginawa iyon kay dad. He's very important to me, isa pa ayokong pagsisihan sa huli kung bakit hindi sinagot ang tawag n'ya, importante man ito o, hindi. Muli akong bumalik mula sa pagkakaupo para lang muling tumayo. Mabilis lumipad ang tingin ko sa entrada ng gate doon ay namataan ko ang mga body guards ni daddy. "Dad, don't make a scene here," mariin kong bulong sa telepono. "Alam mo na kung ano ang gusto kong mangyari hija," sagot niya sa kabilang linya. "Just give me ten minutes, okay?" Binaba ko na ang tawag matapos ay diretsong naglakad sa direksyon ni Arc. Kahit pa katabi niya ang nobyang si Fina ay hindi ako nagpatinag. Buo ang loob na humarap sa mga ito at ayain siyang sumayaw. "Dance with me, Arc." Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil lakas loob ko na itong hinila maula sa pagkakaupo. Narinig ko ang hiyawan ng kaniyang basketball team at ang tuksuhan ng mga ito na siyang mas nagbigay ng lakas ng loob sa akin. "You are totally unbelievable, Veronica" Umiling sa akin si Arc matapos kon isampay sa leeg n'ya ang aking dalawang braso. I move closer too as he grabbed my waistline using his warm hands. "Veronica always gets what she wants... At gusto kita, Arc," I said in a soft tone. Tumingala pa ako dito at iniyakap ng mahigpit ang aking braso sa kaniya. Sa ganitong anggulo ay mas lalo kong napagmasdan ang mapupula niyang mga labi, ang mapipilantik niyang mata at matangos na ilong. Saka kung paano n'ya ako titigan ngayon ay nagbibigay sa akin ng isang ibong boltahe sa puso. D*mn he's so hot and gorgeous man. I had a crush on him since childhood days. Simula nang makilala ko si Liz at maging bestfriend ay si Arc na ang palaging laman ng aking mga panaginip. Marami na rin akong past relationship pero nag-iisa lang si Arc sa puso ko. "Thanks, hindi mo ako pinahiya sa mga barkada mo." I pouted my lips while staring hard at him. "You are too special to ignore." Tila nabuhayan ako ng loob sa sinabi n'ya kaya nangunyapit pa ako sa leeg niya at sinandig na ang katawan dito. "Don't make my girlfriend jealous of you, little bunny," he now whispered to me. I twitched my lips. Hindi pa siya nagseselods sa ayos namin na ito? Manhid na lang ang hindi magseselos sa gagawain ko. "Then i will make her jealous." Bago pa ito makaiwas ay hinalikan ko na siya sa mga labi. Ramdam ko ang bahagya niyang paghapit sa bewang ko kaya lakas loob kong ibinuka ang aking mga labi. Inaasahan kong tutugon ito ngunit bago pa mangyari iyon ay kumalas na ako. "Happy Birthday!" Bahagya ko pang pinunasan ang lipstick kong kumalat sa gilid ng kaniyang labi bago ko siya talikuran na natitigilan. Narinig ko pa ang hiyawan nila at tuksuhan matapos ko siyang iwan sa gitna ng bulwagan. Now I know what he really feels about me. Alam ko na rin kung paano siya magiging akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD