CHAPTER TWO: Welcome to my house

1781 Words
CHAPTER TWO Busy kaming lahat sa kung anong klaseng video ang gagawin naming, sabi kasi ni tita. Oo tita na ang tawag ko sa mama ni Jaja, well di lang naman ako kasi pati sila rin. Alam na rin ng lahat na anak si Jaja ng may ari ng school dahil sa pag announce ni tita nun! Lahat naman sila eh gulat na gulat samantalang kami? Ayun nakangiti lang. "Video? Kung yun na lang kaya ang ilagay natin na iplay sa graduation natin habang umaakyat tayo" suggest samin ni Jusper "Abah naman Jusper himala gumagana ang utak mo ngayon!" pang aasar ni Jaja "Ano pang silbi at naging Journalist vice president ako kung di ko naman gagamitin? Ikaw nga ang gumamit ng utak mo" sabat naman ni Jusper Ayan nanaman po silang dalawa, lagi na lang silang dalawa nagbabangayan sumasakit na ulo ko kakapigil sa kanilang dalawa. Hayaan ko na nga! Tama naman si Jusper magandang idea yun, kaso nakakapagod din kasi magvideo ng magvideo ang dami kaya naming gagraduate ngayon! "HOY MIYU WALA KA BANG BALAK SAWAYIN KAMI?" sabay nilang sabi na ikinataas ng kilay ko "Gustong gusto nyo talaga na sinasaway ko kayo noh? Sakit nyo sa ulo! Manahimik na muna kayo" sabi ko at natawa naman sila Maya "Ayan kasi" sabi naman ni Chiaka at natawa na lahat. Busy kaming lahat sa pagpapalitan ng suggestion. Sa dulo napagkasunduan naman naming na yung suggestion ni Jusper ang gagamitin naming pero sya din ang magvivideo sa lahat ng graduating, patago! We want them to surprise at there epic face. "So ayun na yun ah!" pagkukumpirma ni Vinle samin at nag nod naman kami "Ang daya daya nyo naman eh ako na nga ang nagsuggest ako pa ang gagawa nun, pano kung mapagkamalan akong stalker nila? T___T" pagrereklamo ni Jusper "Hayaan mo na Jusper bagay naman sa mukha mo ang salitang stalker eh hahahaha" pang aasar pa ni Jaja "Anong sabi mo?" "Bingi ka talaga eh noh?" "Narinig ko yun" "Eh yun naman pala eh bat ka pa nagtatanong?" Ayan nanaman silang dalawa lagi na lang silang ganyan, nagkatinginan kami maliban sa dalawa at nagsitanguan. Tinginan pa lang naming alam na naming ang dapat naming gawin, ayoko na ako ang magsasalita kaya mas minabuti naming si Vinle ang magsalita dahil alam naman naming hindi sila makakaangal dito. "Jaja and Jusper you'll do that work together" malumanay na sabi nito at napalingon naman sila samin "WHAT? WAAAH WAG MO KONG PARUSAHAN NG GANYAN VINLE" pagrereklamo ni Jaja "No complain" sagot naman ni Vinle "Pare nagbibiro ka di ba? Mas okay na sana kung sya lang ang gagawa eh" sabi naman ni Jusper "No" "HOY ANONG AKO? IKAW KAYA ANG NAPAGKASUNDUAN NA GAGAWA NUN KAYA BAKIT PATI AKO? LAH WAAAAAAAH MIYUUUU~" yayakap sana sakin si Jaja ng harangan ni Chiaka. "No complain daw sabi ni Vinle di ba?" sabi ni Chiaka at napapout na lang si Jaja Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa kanilang dalawa at nung tumayo kami bigla na lang may umilaw at Iminulat ko ang mata ko nakita ko ang puting kisame at nakita ko rin ang parang bag na may tubig na nakasabi sa ibabaw ng ulo ko, huh? Tinaas ko ang kamay ko at "Dextrose?" sabi ko habang nakatingin sa kamay ko What happen? Is that a dream? "You're awake too" sabi nung babaeng kakapasok lang doctor ata sya "Its weird" sabi nya pa "Ah why am I here?" agad na tanong ko sa kanya "Last week bigla na lang kayong nawalan ng malay sa park yun ang sabi nung mga nakakita sa inyo" sabi nya sakin "Last week?" "Yes! At kakagising nyo lang" "Nyo?" "Yep, you and your friends" "Where are they?" "At..." "WAAAAAAAAAAAH MIYUUUUUUU~" That voice make me smile, its Jaja I know its Jaja! Nung nakalapit na sya sakin eh bigla na lang syang umiyak habang niyayakap ako. Tiningnan ko silang lahat at nakangiti din silang naiiyak habang nakatingin sakin, ano bang nangyayari? Umalis yung doctor kanina at umupo naman si Jaja sa harap ko. "Akala naming di ka na magigising" sabi ni Jaja habang pinupunasan ang luha nya "Eh?" "Miyu, nanaginip ka ba?" tanong ni Chiaka sakin Naalala ko nanaman ang weird na panaginip nay un, nasa harap kami ng isang lalaking nakaupo sa isang desk pero di naming makita ang mukha dahil sa sinag ng araw mula sa likod nya. Napatango na lang ako sa kanila at mukha naman silang nagulat. "Tell me Miyu yung panaginip mo ba eh may kausap tayong lalaki?" tanong naman ni Jaja na ikinagulat ko "Pa-pano——" Nag usap usap kami at dun naming napag alamang iisa lang ang panaginip namin na ikinagulat naming lahat. Di naman pwedeng mangyari yun eh! One week? So one week pala kaming natutulog? "Ang weird" agad na sabi ni Chiaka at sinang-ayunan din naming "Biruin nyo pare parehas tayo ng panaginip tapos sabi ni doktora eh pareparehas din daw tayo ng oras ng gising" dagdag pa nya "What the hell?" tanging nasabi ni Renji "Di kaya nababaliw lang tayo?" pagbibiro naman ni Jusper "Ikaw lang yun" "Wag muna kayong mag away ngayon" saway ko sa kanilang dalawa at ngumiti naman sila "I don't really sure but I guess our dream is type of lucid dreaming, im not sure of it para kasing hindi tayo ang may kontrol sa panaginip narin." sabi samin ni Maya at bakas sa mukha nya ang kalituhan "Tama si Maya parang sinadyang pasukin ang panaginip natin" sabi naman ni Vinle. "Ang lalaking nakausap natin di man lang natin nalaman ang pangalan nya pati ang mukha nya di din natin nalaman" sabi ni Renji at nag nod naman kami "Ayaw nya atang malaman yun eh! Pero sino kaya yun noh?" sabi naman Rika at sabay sabay kaming napakibit balikat. Nung magising ako agad namang sinabi ng doctor samin na pwede na daw kaming lumabas kaya naman agad kaming nag impake, masakit na ang likod ko siguro dahil sa isang linggong pagkakahiga to di naman kasi ako sanay na nakahiga lang ako. Nandito din ngayon ang mama ko pati ang kapatid ko para tulungan ako, yung mga kaibigan ko naman eh nandun sa ibang room at napagdesisyonan naming kalimutan na yun at wala kaming pagsasabihang kahit na sino man at kami kami lang ang makakaalam kami kami lang! "Ate sigurado ka bang okay ka na?" tanong sakin ng kapatid kong si Miko at nag nod naman ako "Kung di mo pa kaya ate pwede namang ako muna ang tumulong kay mama sa shop eh" sabi nya pa at pinat ko na lang ang ulo nya "Kaya ko na wag ka ng mag alala" sabi ko at ngumiti "Wala pa rin silang kasagutan dun sa pagkakahimatay nyo nila Jaja" singit ni mama sa usapan naming habang nagliligpit sya "Hindi din naman po naming alam kung bakit kami nahimatay eh" sabi ko naman Nung matapos na kami mag ayos ay agad naman kaming lumabas, di na kami nagbayad sa hospital dahil sabi ng mommy nila Vinle tutal naman daw kaibigan ko ang anak nya, nakakahiya nga kaso di talaga nagpatinag ang mama ni Vinle kaya in the end sumuko si mama sa kanya. Magkakakilala na din ang mga magulang namin at di naman naming akalaing magiging ganun sila kaagad kaclose sa isat isa. Paglabas naming sa hospital nagulat naman kami nung nakita naming sila, oo sila kasama ang parents ng mga kaibigan ko. Di lang naman ako ang nagulat pati na rin si mama, di lang pala ang mga magulang naming ang magkakaibigan pati na rin ang mga nakakabata naming kapatid magkakakaibigan din. "Buti naman dumating na kayo" sabi nung mama ni Jaja "Anong meron?" tanong naman ni mama at hinila na ako ng mga kaibigan ko "Kakain na muna tayo bago umuwi" sabi naman nung mama ni Chiaka. Tatlong van na malaki ang gamit namin isa samin, isa kila mama at isa naman sa mga kapatid namin. Di namin alam kung anong pumasok sa isip ng magulang nila kung bakit ganun sila samin. "Parang ang tagal na nilang makakakilala noh?" out of the blue na sabi ni Rika "Yeah, parang kilalang kilala na nila ang sarili nila" pag sang ayon naman ni Vinle Tama naman sila eh, para ngang magkakakilala silang lahat. Tumingin ako sa van na nasa harap namin kung saan nakasakay sila mommy, bigla naman itong huminto at bumaba si mama sa van na yun anong nangyari? "Kayo na lang muna ang kumain may aasikasuhin lang kami" sabi samin ni mama at nag nod lang naman kami "Miyu behave okay?" dagdag pa nya "Ma para namang gulo lang dating ko noh?" sabi ko at natawa naman sya. "Ingat kayo ah" sabi pa ni mama "OPO" sagot namin at nakita naming pumunta naman sa sa van ng mga kapatid namin. Ano naman kaya ang aasikasuhin nila? "Mabuti pa dun na lang tayo sa bahay" sabi ni Vinle. Lahat kami napatingin sa kanya at halatang gulat na gulat. Bakit hindi? Napuntahan na namin ang bahay ng isat isa maliban sa kanya, ayaw na ayaw nyang may pumupunta sa bahay nya tapos ngayon? Tama ba ang narinig ko? Baka kasi nabibingi lang ako dala ng matagal na pagkakatulog ko. Tahimik lang kaming lahat at naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita. "Tama ba ang narinig ko?" pagbabasag ko sa katahimikan na namamayani samin "Oo ata?" sang ayon naman sakin ni Jaja "Baka naman hanggang ngayon nanaginip pa rin tayo" dagdag pa ni Chiaka. "Baka naman tumama ang ulo natin nung bumagsak tayo nung nahimatay tayo kaya nabingi tayo" sabi naman Jusper "Baliw anong connect nun" sabi ni Rika pagkatapos batukan si Juper "Kawawa na nga ako kay Jaja pati ba naman sayo Rika? Renji paki saway naman tong kapatid mo" halos mangiyak ngiyak na sabi ni Jusper. "Kung ayaw nyo edi wag" sabi ni Vinle. "SINO NAMAN NAGSABING AYAW NAMIN? MANONG PAKIDALA PO KAMI SA BAHAY NI VINLE" sabi agad namin at napakamot naman si manong. "Ah mga bata di ko naman alam kung saan ang bahay nya" sabi ni manong "HAHAHAHAHHA" Natulala nanaman kami sa pinakita ni Vinle, oo alam naming tumatawa sya pero yung ganyan kalakas? Seryoso si Vinle sa totoo lang pero marunong syang ngumiti at tumawa pero hindi naman sya tumatawa pag hindi kami tumatawa, anong nangyari sa kanya? Bakit sya nagkakaganyan? Lumapit ako sa kanya at nilagay ko ang kamay ko sa noo nya "Guys wala syang lagnat" sabi ko na mas kinalaki ng mata nya "Ano bang problema nyo? Bakit ba pinapansin nyo pa? nakakainis kayo guys ah! Kung nakikita nyo kasi ang pagmumukha nyo for sure matatawa din kayo" sabi pa nya samin. Nagkulitan kami ng nagkulitan hanggang sa di na namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila at isa lang ang reaksyo namin NGANGA, sobrang laki ng bahay nila. Bakit nya ba to kinakahiya? Ang ganda ganda ng bahay nya eh "Ang laki triple sa laki ng bahay namin" sabi ni Renji. "Tara na" sabi naman ni Vinle Mas lalo pa ata kaming namangha nung pumasok na kami. Parang palasyo to ng mga prinsesa at prinsipe sa sobrang ganda. Pagpasok mo sa main door sasalubungin ka ng mga maid at kukunin ang gamit nyo tapos may malaking chandelier sa taas at kumikinang na akala mo ay isang purong dyamante ay mali talagang purong dyamante talaga tapos sa pagpasok mo bubungad sayo ang hagdan na may nakalatag na red carpet tapos sa taas nun may dalawang hagdan ulit sa gilit isa sa kaliwa at isa sa kanan sa gitna ng dingding may malaking picture, at sa tingin ko picture yun ng pamilya nila. "Welcome to my house" sabi nya samin .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD