KRISTINA Caleb texted me before noon. He said that my car was back at the house. Nagpasama raw siya sa isa niyang staff at ipina-drive niya pauwi ang kotse ko bago sila bumalik sa opisina. Ipinaalala niya rin sa akin na bibili kami ng gatas. May balak pa yata siyang bilhin lahat ng uri ng gatas at ipaamoy sa akin lahat. Kung bakit naman kasi ayaw ng mga anak ko ng amoy niyon? Mahilig naman ako sa gatas dati bago ako nagbuntis. Around 3:15, Caleb came to the clinic and waited for me to finish. Sabay kaming nagpunta ng grocery store pagkatapos niyon. "Baby, baka may makasalubong na naman tayo rito. Sinasabi ko sa iyo—" tinaliman ko siya ng tingin. "Sshhh... The baby can hear you," saway niya sa akin.

