"Why did you allow her to go, Alejandro?" wika ni Lucio sa kanya sa tinig na may pananaway at pangsisisi. Nasa may verandah siya ng kanyang bahay, hawak ang isang kopita ng alak sa kanyang kanang kamay habang nakatanaw sa papalayong sasakyan na iminamaneho ni Lemuel. Doon ay nakasakay si Brianna na pauwi na sa bahay na kinagisnan nito. Sina Lucio at Kendra ang sumama dito sa ibaba hanggang sa makapasok sa loob ng kotse. Siya ay nanatili lamang sa may verandah at hindi na nagawa pang ihatid ang dalaga sa pag-alis nito. Nasa itaas lamang siya at mas pinagtuunan ng pansin ang isang bote ng alak habang naghihintay na makaalis ang sasakyang gagamitin ni Lemuel sa paghatid kay Brianna. Ipinagpilitan pa ng dalaga na umuwi nang mag-isa. Ayon dito ay kayang-kaya nitong bumiyahe at hindi na kaila