Malakas na tugtugin ang nagmumula sa isang malaking speaker. Isang maharot na kanta ang kasalukuyang pumapailanlang na sinasabayan pa ng malakas na kwentuhan ng ilang taong naroon. Lahat ay nagkakasayahan na ang iba ay napapasabay na sa saliw ng kanta.
Alejandro roamed his eyes around the place. Kasalukuyan silang nasa yate na pag-aari ng kanyang pamilya. Nakadaong iyon sa gitna ng dagat na nanggaling pa sa Batangas Pier.
Ilang malalaking personalidad at negosyante ang kanilang kasama. Ang iba ay pamilyar na sa kanya habang ang ilan ay mga bagong pasok sa kanilang negosyo.
Sanay na siya sa ganoong kasiyahan sa pamilya nila. Kung titingnan ay waring isang normal na pagdiriwang lamang iyon ng mga taong napapabilang sa mataas na antas sa lipunan. Partying, drinking wine and womanizing were some of the things that he was already used of.
Pero ang uri ng pagdiriwang na katulad sa gabing iyon ay kaiba kaysa sa alam ng iba. Sa yateng iyon at sa pagkakataon na katulad ngayong gabi nagaganap ang ilang transaksiyon ng kanyang pamilya sa pagitan ng ilang malalaki nilang parokyano.
Alejandro came from a very well-off family--- ang mga Lebedev. He is half- Filipino, half-Russian. Ang kanyang ama na si Alexei Lebedev ay ang kasalukuyang namumuno sa kanilang organisasyon na mas nakabase sa bansang Russia.
He is a son of a mafia boss. And sooner or later, Alejandro would inherit his father position on their organization.
Kaya naman, sa edad niya ngayon na bente anyos ay minulat na siya ng kanyang ama sa pasikot-sikot sa kanilang mga negosyo. Maging ang organisasyon na kinabibilangan nila ay sadyang inaral na niya.
They also own a real estate company. People knew them to be one of the successful businessmen, not only in the Philippines and Russia, but in the whole world. Iyon ang alam ng karamihan na pinagkakakitaan ng mga Lebedev.
But in reality, being one of the most powerful clan of mafia, they were earning more by their illegal businesses and transactions. At iyon ay ang pagbebenta ng pinagbabawal na droga at mga babae para sa kanilang mga loyal na parokyano.
At ngayong gabi ay isa sa mga pagkakataon kung saan sila nagsasagawa ng kanilang palihim na transaksiyon kasama ang ilang naglalakihang tao sa lipunan.
Maraming banyaga ang naroon. Ang iba ay matagal nang nakabase sa Pilipinas. Ang iba naman ay sadyang pinaunlakan ang imbitasyon ng kanyang ama. Marami silang bagong recruit na babae ngayon na alam niyang pag-aagawan ng mga taong ito na wari ay mga hayok sa laman at babae.
He almost smirked as he saw some women. Nakatayo ang ilan sa pinakagitna na mistula ay ginawang center stage. Kasalukuyan nang nagaganap ang bidding para sa mga babae.
The women were beautiful and flawless. Ang ilan doon ay recruit nang palihim at maingat iyong ginagawa ng tao nila. Samantalang ang iba ay alam ni Alejandro na sapilitang napupunta sa ganoong sitwasyon. It was either, kapit sa patalim o sadyang dinaan sa dahas ng ilang tao nila.
Bagay iyon na wala na siyang pakialam. What's important is the money that they are making because of that kind of business. Besides, ang mga babaeng nabebenta nila ay nakatatanggap din naman ng karampatang bayad mula sa makabibili sa mga ito. Kung ano man ang mangyayari sa mga ito matapos ng bilihan ay hindi na nila sakop.
He heaved out a deep sigh as the bidding continued. Ang ibang parokyano ay alam niyang malakas na ang tama ng alak at droga sa katawan. And he was so sure that after that night, their family would earn millions.
"Ano ba, Dimitri? Bitiwan mo ako!"
Mula sa pagmasid sa nagaganap na bidding ay napalingon si Alejandro nang marinig ang tinig na iyon ng isang babae. Nakatayo lamang siya malapit sa railing ng yate at nakasandal roon habang hawak-hawak ang isang kopita ng alak.
Malapit siya sa hagdan na nagmumula sa kinaroroonan ng mga private cabins ng yateng iyon. And from where he was standing, Alejandro saw his Uncle Dimitri with a woman.
Pamilyar na sa kanya ang babae, si Anastasia. Dati rin itong kasama sa kanilang mga binebenta ngunit sa ano mang kadahilanan ay naging permanenteng babae ito ng tiyuhin niya.
He can't blame his uncle. Anastasia was a knock-out. Kahit sino siguro ay nanaisin itong madala sa kama at maangkin. She has an exquisite beauty that any man would want to drool over. At aaminin niyang isa siya sa mga nagagandahan sa babae. But definitely, hindi ang tulad nito ang kababaliwan niya.
Anastasia must be twenty-eight now, eight years senior than him. Halos doble ang agwat ng edad dito ng kanyang tiyuhin ngunit dahil sa perang nabibigay dito ni Dimitri ay hindi na kataka-taka kung pumatol man dito ang babae.
Halos magdikit ang kanyang mga kilay nang makita itong halos kaladkarin ng kanyang tiyuhin patungo sa upper deck ng yate. Out of curiosity, Alejandro followed them.
"Dimitri, maniwala ka. Wala akong pinagsabihan sino man tungkol sa natuklasan ko. Nangako akong hindi iyon ipagkakalat, hindi ba?" halos nagmamakaawa nang sabi ng babae.
"And you want me to believe you?" galit na bwelta dito ni Dimitri. "Hindi ang katulad mong bayarang babae lang ang tatapos sa mga nasimulan ko, Anastasia. If I have to kill you, I would."
"Huwag!" gulantang na wika ng babae.
Kitang-kita ni Alejandro sa mukha ni Anastasia ang labis na sindak dahil sa mga sinabi ng tiyuhin niya. Halos matigilan pa siya nang hugutin ni Dimitri ang baril na nakasukbit sa baywang nito.
Nakatayo lamang siya sa may puno ng hagdan at tahimik na pinagmamasdan ang dalawa na ngayon ay nasa pinakataas na ng yate. Ni walang kamalay-malay ang mga tao sa ibaba na may nangyayari na sa upper deck. Everyone was still busy with the bidding.
"M-Maawa ka, Dimitri. M-May anak ako. Walong taon pa lang siya at hindi niya kakayanin kung---"
"You think I care about that? Malaking pagkakamali mo na malaman ang lahat, Anastasia Cervantes. At ang pagpapatahimik lang sa iyo ang pinakamabisang gawin ngayon."
Agad na napapitlag si Alejandro nang makita niyang iputok ni Dimitri ng ilang beses ang baril nito sa babae. Humandusay ito sa lapag habang umaagos na ang sariwang dugo mula dito.
May silencer ang baril ni Dimitri kaya sigurado siyang balewala sa mga tao sa baba ang ginawa nito.
Alejandro swallowed hard. Hindi na iba sa kanya ang makakita ng patayan. Sa uri ng organisasyon na kinabibilangan ng pamilya nila ay waring normal na lamang ang pumatay.
Hindi magdadalawang-isip ang pamilya niya na pumatay ng mga taong bumabangga sa kanila at kanilang negosyo. At kung ano man ang kasalanan ng babaeng ito sa kanyang tiyuhin ay wala siyang ideya.
Ano ba ang tinutukoy ng babae? Ano ang ikinagalit ni Dimitri?
Ang katanungan na umahon sa kanyang isipan ay naiwaksi niya nang makita niyang inabot ni Dimitri ang katawan ng babae na alam niyang wala nang buhay. Sa sunod-sunod na pagbaril na ginawa dito ng kanyang tiyuhin ay himala na lang kung mabuhay pa ito.
Hanggang sa mayamaya pa ay napatayo nang tuwid si Alejandro nang makitang basta na lamang itinapon ni Dimitri ang katawan ng babae sa tubig. Duda pa siya kung may makakita pa sa bangkay nito sa gitna ng dagat....