May ilang gatla sa noo at magkadikit ang mga kilay na nakamasid si Brianna sa malawak na bakuran ng bahay ng mga Lebedev. Kasalukuyan siyang nasa teresa sa ikalawang palapag at iginagala ang mga mata sa buong solar nito. Si Alexander naman ay nasa silid na't nahihimbing. It was already past eight in the evening. Nasa bahay nina Alejandro silang mag-ina dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang asawa. Hindi na siya nagprotesta pa sa nais nitong mangyari. Iniisip niya, wala din namang silbi kung kukuwestiyunin niya pa ang mga desisyon nito. Base sa pag-uusap nila nang nakaraan ay bakas sa tinig nito na buo na ang mga plano nito para sa kanilang mag-anak. Nakalipat na nga ang pamilya ng kanyang Tiyo Orlando sa bahay na binili ni Alejandro. Labis pang ikinabigla ng mag-asawa ang tungkol sa bagay

