CHAPTER 28

2574 Words
Pumasok naman kami sa loob ng isang magarang hotel at may iilan ding mga photographer ang kumukuha ng aming litrato. Pilit na lang akong ngumingiti dahil sa totoo lang ay hindi ako sanay sa mga ganitong event lalo na at mayayaman ang mga makakahalubilo ko. “Wear this.” Inabot sa’kin ni Gascon ang isang color silver na maskara nang makaupo na kami sa aming lamesa. Tinitigan ko muna ito at marahang kinuha sa kan’ya. Meron din siyang para sa kan’ya at kulay itim naman ito. Tumingin ako sa aming paligid at halos sila ay may suot na maskara. Kay gandang tingnan ang mga suot na gown ng mga babae rito at halatang mayayaman ang mga ito. Kagaad kong sinuot ang binigay niya sa’kin at hinaplos pa ang aking pisngi. “That much better. I don’t want anyone else looking at you, I can kill them in no time.” Napataas naman bigla ang isang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. “Adik ka ba? Dahil lang do’n papatay ka?” Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at bumulong. Ito na naman ako hindi na naman mapakali ang puso ko. Ewan ko ba kung bakit biglang naging abnormal na lang ang t***k nito sa tuwing lalapit siya sa’kin. Ayoko mang aminin pero iba na itong nararamdaman ko at itong part na ito ang kinakatakot ko. “I can do whatever I want Trinity so better be careful.” Lalayo na sana siya sa akin nang hawakan niya ang batok ko at ilapit niya pa ako ng konti sa kan’ya kaya napasinghap akong bigla at napapikit. Akala ko ay hahalikan niya ako pero walang labing dumampi sa akin kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. “I can’t kiss you here babe. We can do that thing later and remember what I said earlier.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay saka lamang siya lumayo sa akin. Nagpaalam muna siya na makikipag-usap muna sa mga business associates niya kaya naiwan akong mag-isa sa aming lamesa. Medyo naiilang naman ako dhil wala akong kakilala rito at mukhang hindi rin naman ako mag-eenjoy dito. Nang mainip ako ay tumayo muna ako at naglakad-lakad. Nagpunta ako sa garden at dito ay parang natagpuan ko ang katahimikan malayo sa mga tao na naririto. Tinanggal ko muna ang suot kong 3 inches heels dahil kanina pa rin sumasakit ang paa ko rito. Sumandal ako sa pader at hinilot-hilot ang aking sakong. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang hindi na naman maalala ni Gascon na kaarawan ko ngayon. Mabuti na rin siguro ‘yon dahil wala namang saysay kung maalala niya pa ‘yon o hindi dahil hindi naman importante sa kan’ya ‘yon tutal nakuha na rin lang niya ako bago pa sumapit ang kaarawan ko. “Hey, what’s wrong?” Napapitlag ako sa kung sino ang nagsalita sa aking likuran kaya mabilis akong humarap sa kan’ya. “I’m sorry, nagulat ba kita?” “M-medyo po.” Medyo madilim dito sa bandang puwesto namin kaya hindi ko siya masyadong maaninag. Nakasuot din siya ng maskara na kulay pula at tanging mga labi niya lang ang nakikita. Pero ang boses niya ay parang pamilyar sa’kin. Hindi ko malaman kung saan ko ito narinig at ang tindig niya ay parang si__. “Miss are you okay?” Nawala ang mga isipin kong iyon ng muli siyang magsalita at siguro ay napansin niyang nakatulala lang ako sa kan’ya. “S-sorry po,” nahihiya kong hinging paumanhin. “Bakit ka nag-sosorry wala ka namang kasalanan?” “O-oo nga,” sabay kamot ko sa aking ulo. “Who’s with you?” “Ha? Ahm si ano__” “Boyfriend?” putol niya sa aking sasabihin. Napaawang naman ang labi ko at hindi alam kung ano ang sasabihin ko sa kan’ya. Kung sasabihin ko namang amo ko, iispin niya na kabit niya ako at bakit ako sumasama sa amo ko sa ganitong event. “Kaibigan ko lang.” Mabilis na sagot ko sa kaniya. “Oh I see, where is he anyway?” “May kinausap lang sandali. Sige mauuna na ‘ko sa’yo ha? At saka baka kasi hinahanap na rin niya ako eh.” Tumalikod na ako ngunit hindi pa ako nakakalayo ng may mabangga naman akong isang babae kaya nabuhos sa’kin ang hawak niyang alak. “My gosh! I’m so sorry, are you okay? Nasaktan ka ba?” wika niya sa’kin at hinawakan pa ang aking isang braso. “Pasensya na po kayo hindi ko po sinasadya,” nahihiyang saad ko sa kaniya at pinunasan ko ng tissue ang braso ko. “Miss okay ka lang ba?” Napatingala ako at laking gulat ko nang masilayan ko ang lalaking kanina’y kausap ko lang sa dilim. Hindi ako maaaring magkamali. Paniguradong siya si Sir Mau dahil kahit na naka-maskara siya ay kilala ko ang kaniyang itsura at pangangatawan nito. “O-opo. Miss pasensya na po ulit,” baling ko sa babaeng nabangga ko. “It’s okay. Mabuti na lang at hindi ka natumba.” Isinuot ko na ang sapatos ko at nagpaalam na rin sa kan’ya. Hindi ko na sila nilingon dahil nahihiya ako sa nangyari kanina. Pero sandali akong napahinto nang marinig ko ang isang pangalan na para bang kilala ko siya. Napalingon ako at tila hinahanap ko kung sino iyon. Hindi ko na rin nakita ang lalaking pinaghihinalaan kong si Sir Mau at ang babaeng nakabangga ko. Dumeretso ako sa banyo at hinugasan ang braso kong natapunan ng wine. Pinunasan ko rin ang damit ko na may bahid ng wine at binasa ito para matanggal ang mantsya. Natigilan ako nang maalala ang lalaking kausap ko at ang pangalang narinig ko kanina lang. “Si Sir Mau kaya ‘yon? Saka ano naman ang ginagawa niya rito? Kamukha lang niya siguro ‘yon,” wika ko sa aking sarili. “Ang pangalang ‘yon, hindi kaya si__” Napailing na lang ako dahil sa isiping iyon, at nang matapos na ako ay saka lamang ako lumabas ng banyo. Muntik pa akong mapasigaw nang may humablot sa’kin papasok ulit sa loob ng banyo. Ni-lock niya ito at isinandal ako sa pader at tinakpan ang aking bibig. “Hey babe, it’s me.” Unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya sa aking bibig kaya nakahinga naman ako nang maluwag. “Bakit ka ba nanggugulat?” inis kong saad sa kaniya. “Where have you been? I was looking for you everywhere” “Sa garden, nainip kasi ako eh” “Who’s with you?” Hindi ako nakapagsalita at bigla akong nakaramdam nang kaba.” I’m asking you Trinity” “Wala ako lang, saka sino naman ang makakasama ko ro’n wala naman akong kakilala rito.” Pinilit kong makapagsalita nang deretso para hindi siya magsuspetsya sa’kin. “Have you remove it that’s why you’re here?” “Ang alin?” taka ko siyang tinitigan. “Your panty. You want me to remove it for you?” Umawang ang mga labi ko dahil hindi ko lubos maisip na seryoso pala siya sa sinabi niyang ‘yon kanina. “Are you serious?” “Yes.” Sandaling katahimikan at napabuntong hininga na lang ako at dahan-dahan kong tinanggal ang suot kong panty. Nang matanggal ko na ito ay kaagad niya itong kinuha at inilagay sa kaniyang bulsa. Umawang na naman ang labi ko sa gulat at tinitigan siya. “What do you think you’re doing Gascon?” “Keeping your panty, any problem?” Hindi na ako nagsalita pa at humalukipkip na lang. Nakarinig naman kami ng sunod-sunod na katok kaya sabay kaming napalingon sa may pintuan. Nagkatinginan pa kami at bubuksan na sana niya ang pintuan nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya. “Anong ginagawa mo?” mahinang wika ko sa kaniya. “I’m gonna open it” “Anong iisipin nila kapag nakita ka nila rito sa loob?” Lumapit pa siya sa’kin at napa-atras naman ako. Napasandal ako sa sink at umiwas sa kaniya nang tingin dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Pinilit kong kumalma pero sadyang pabilis nang pabilis ang dagundong nitong puso ko. Kung dati ay kinatatakutan ko siya, ngayon ay parang normal na lang sa’kin ang maging ganito siya. Maya-maya pa ay napansin kong mukhang wala ng tao sa labas kaya mabilis ko siyang naitulak at inayos ko ang aking sarili. “Let’s go, we’re going.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na niya ako palabas ng banyo. Magkahawak kami ng kamay habang tinatahak namin ang daan papunta sa party. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay at para bang gusto ko pang higpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Napalunok ako ng ilang beses at napapikit pa dahil ayoko mang aminin ay parang nagkakagusto na ako sa kan’ya. This is not right. Sa maling tao pa tumibok itong puso ko at iyon ay hindi pupuwedeng mangyari. Paano ko naman maiiwasan ito kung puso ko na ang kalaban ko? Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at nag-angat ako ng aking tingin sa kan’ya. Nakatingin lang siya sa stage at narinig ko pa ang kaniyang pagbuntong hininga. “Stay here, wait for me,” bulong niya sa’kin. Tumango lang ako sa kan’ya at tipid na ngumiti. Umakyat na siya sa stage at ang lahat naman ng tao ay nakatingin lang sa kan’ya. Nakita ko na naman ang lalaking nakausap ko kanina sa may garden at titig na titig siya kay Gascon habang umiinom ng kaniyang alak. Nanliit pa ang mata ko dahil parang siya si Sir Mau dahil na rin pareho sila ng awra at dahil na rin siguro sa style ng buhok. Hindi niya siguro ako nakilala dahil sa ibang-iba ang ayos ko ngayon kumpara kapag nasa school ako. Napailing na lang ako sa isiping iyon at muli kong binalingan si Gascon. “Good evening everyone! I warmly welcome all of you on the occasion of our company’s anniversary and successful for many years. In behalf of my dad, I also thank you for your loyalty here in MGC, I will never lose to whoever my opponent is. Whoever you are, I wil fight this company until the very end.” Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Gascon at napatingin naman ako kung saang direksyon siya nakatingin. Alam kong siya ang tinutukoy niya at napansin ko pa ang pagngisi niya kay Gascon at saka tumalikod na. Sinundan ko naman siya nang tingin habang papalabas na siya rito at napansin kong tinanggal na nito ang suot niyang maskara. Ipinagkibit balikat ko na lamang ‘yon at muling humarap sa stage. Nakita kong pababa na si Gascon ng stage at pagbaba naman niya ay sinalubong siya ng isang babae. Siya ang babaeng nabangga ko kanina lang at humawak pa siya sa braso ni Gascon. Tiningnan naman siya ni Gascon at maya-maya pa’y may ibinulong sa kan’ya ‘yong babae at nauna namang maglakad ito bago ito sinundan ni Gascon. Wala naman ako sa sarili kong sinundan sila kung saan sila patungo. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang kaba ngayon at bigla ko pang nahawakan ang aking dibdib. Napahinto ako sa ‘di kalayuan nang pumasok sila sa isang kuwarto. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko silang pumasok doon. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang gagawin nila sa kuwartong iyon. Kahit na medyo kinakabahan ako ay dahan-dahan naman akong naglakad papunta roon at pansin kong hindi nakasarado ang pintuan. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko ang seradura ng pintuan upang ibukas pa ito nang bahagya. Muntikan pa akong matumba nang makita ang nagaganap sa kanila. Napatutop pa ako ng aking bibig dahil nakahubad na ang babae at nasa baywang na nito ang suot niyang gown. Nakayakap ang babae kay Gascon at panay naman ang halik ng babae sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot sa puso ko at sa mga oras na ito ay alam kong hindi ko gusto ang nakikita ko at lalo na si Gascon ‘yon. Mabilis akong umalis sa lugar na ‘yon at hindi ko na alintana kung may nababangga man ako. Nang nasa labas na ako ay huminga muna ako nang malalim at hindi ko na napigilang mapaiyak. Naikuyom ko ang aking palad at saka ko naman tinanggal ang suot kong sapatos at maskara. Hindi nga ako nagkamali sa nararamdaman ko. Pero bakit siya pa? Sa dinami-rami ng lalaki bakit sa maling tao ko pa naramdaman ito? O baka naman dahil siya ang naka-una sa’kin? Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko lang ay gusto kong makalayo sa kanila. Bihira ang mga may dumaraang sasakyan dito kaya medyo nakakaramdam din ako nang takot na baka may mangyaring masama sa’kin dito. Napahinto ako sa paglalakad ng may humintong dalawang itim na sasakyan sa aking harapan. Napa-atras ako at nakilala kung kaninong sasakyan ito. Lumabas ang isang lalaki na siyang nagmamaneho at kasunod naman nito si Gascon na madilim ang mukha. Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya at naramdaman ko na lang ang kaniyang paglapit sa’kin. “Where do you think you’re going Trinity?” mariing saad niya. Nag-angat ako nang tingin sa kan’ya at salubong naman ang kaniyang kilay. Sa sobrang inis ko sa kaniya ay hindi na ako nakapagsalita at basta na lang bumagsak ang aking luha. Umiwas ako nang tingin sa kan’ya at pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. “Uuwi na ‘ko nainip kasi ako eh,” pagsisinungaling ko sa kan’ya. “Why you didn’t wait for me?” Galit ko siyang tinitigan at ngumisi sa kan’ya. “At bakit kita hihintayin?! Ano, hihintayin kitang makaraos sa babaeng ‘yon?!” sigaw ko sa kan’ya. Napabuga na lang siya sa hangin at kumamot pa sa kan’yang kilay. Pansin ko ang nakakaloko niyang ngiti kaya mas lalo akong nainis sa kan’ya. “So, you’re jealous huh?” “At bakit ako magseselos? Ano ba kita? Wala ‘di ba? Parausan mo lang din ako!” Hindi ko na napigilan ang aking sarili at kahit na naririnig pa ‘yon ng mga tauhan niya ay wala akong pakialam. “Get in, we’ll talk” “Ayoko! Uuwi ako, doon ka sa babae mo magpasabog ng dagta mo baka nabitin ka pa kanina eh” “So, you see us?” Hindi ako nakasagot sa kan’ya at inirapan ko lang siya. “I see, get in and I explain it to you” “Ayoko nga, uuwi ako,” may diing wika ko. Lumapit pa siya sa’kin at hinapit ako sa aking baywang. Inilapit niya pa ang bibig niya sa aking tainga at saka may ibinulong. “You want me to f**k you here?” Lumayo siya sa’kin at gulat ko naman siyang tinitigan. “Kaya mong gawin sa harapan nila ‘yon?” “They’re gonna close their eyes but hear every moans of yours and the sound of our body. You want sample?” Napalunok akong bigla at sinulyapan ang kaniyang mga tauhan sa ‘di kalayuan sa’min. Wala akong magawa kun’di ang sumunod sa kan’ya at nauna na akong pumasok sa kaniyang sasakyan. Siya na ang nagmaneho noon at hindi ko naman siya pinapansin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at maya-maya pa’y nakaramdam na rin ako nang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD